"Kung nagawa mo kong ipagpalit sa iba, pwes, ako hindi. Hindi ako unfaithful kagaya mo at hindi ako pumapasok sa isang relasyon para lang tumambay sandali. Hindi kita gagayahin para lang makaganti sayo. Hindi kita sasaktan gaya ng ginagawa mo sakin, kahit alam ko namang kahit anong gawin ko hindi ka na maaapektuhan. At hindi ko ibababa ang sarili ko para mapansin mong muli. Bahala ka na."
Gustong matawa ni Abigail habang binabasa ang paragraph na yun sa Diary nya. Ilang taon na rin mula ng huli nyang buklatin ang makapal na notebook na yun. Mahilig syang magsulat sa Diary. Siguro yung notebook na ginawa nyang Diary ngayon ay ang ika-87 na series na ilimbang nya sa dami ng taon ng pagsusulat nya.
Hindi nya alam kung bakit nya yun ginagawa. Dahil ba walang interesadong makinig sa mga kwento nya? o dahil sa ayaw nyang dumating yung araw na kahit isa sa mga magagandang alaalang iyon ay walang matira sa kanya.
"Para akong eng-eng dito," bulong nya sa sarili.
Natatawa sya sa tuwing naaalala ang mga luhang sinayang nya sa tagpong iyon ng buhay nya.
---
Kaklase nya noong 4th high school si Harry. Isa sya sa pinaka pinapangarap at campus crush noong high school pa sila. Sino ba naman kasi ang hindi magkaka-crush dito e ang gwapu gwapo, ang talino at ang galing pang sumayaw. Halos lahat ng estudyanteng babae sa eskwelahan nila ay nagtitilian kapag sumasayaw ito, pati mga teachers.
Sya lang siguro ang kaisa-isang babae na hindi pa nakakita sa pagpe-perform nito. Si Abigail kasi yung tipo ng babae/tao na walang pakialam sa mundo. Naririnig nya ang pangalan ni Harry pero talagang wala lang syang pakialam. Ni wala nga syang kilala sa mga kaklase nya maliban na lang sa mga katabi nya sa upuan. Sa public school kasi sila kaya mas lalong mahirap kabisaduhin ang humigit (kung present lahat) kumulang (kung may mga absent) isang daan nyang mga kaklase. Hindi rin naman sya natutulog sa klase pero mas trip nya kasing magbasa ng mga libro, mag imagine ng mga kung anu-ano at magsulat sa Diary nya na ang laging laman ay ang mga insight nya sa mga kaganapang bahagyang nalingon nya.
Hanggang sa for the first time in forever ay naging ka-grupo nya ito sa isang project. Dati kasi laging Alphabetical order ang groupings pero ngayon, bunutan ng kulay kaya nataong sa grupo sya ng lalaking yun natapat.
Nag form ang bawat grupo ng maliliit na circle. Bawat isa ay nagbibigay ng mga opinyon nila, maliban kay Abigail.
"Ikaw Abby," pagkuha ng atensyon ni Harry sa kanya.
"Ha?" parang bagong gising na tanong nya.
"Wala ka bang madadagdag para sa project natin?'
"Hmm, OK na yun. Maganda naman yung mga sinabi nyo e."
Tumawa si Harry. "Sige nga, ano bang mga sinabi namin?"
Nagkibit balikat sya, "Nakalimutan ko na, ang dami e."
Bumuntong hininga ito. Ibinalik ang tingin sa grupo. "Guys, isulat nyo sa isang papel yung mga opinyon nyo, ibigay nyo kay Abby, sya na bahalang sumulat sa manila paper at sya na rin ang magrereport."
"HA???! ANO?"
"Oh, bakit? E ikaw lang walang binigay na opinyon e, baka magalit ka samin wala kaming pinagawa sayo. Maganda nga yan para magkasilbi ka."
BINABASA MO ANG
At Bahala na Kayo sa Ending
ContoA collection of short stories in different genre. Lahat ng horror stories nag uumpisa sa paglipat sa isang bahay na may history ng patayan ek-ek. Lahat naman ng mga love stories nag uumpisa sa high school, mabubunggo ni lalaki si babae. Mayaman at g...