Ako si Sabrina. Isang writer. Frustrated writer. Nakaka-frustrate e. Alam mo yung nag iisip ka ng magandang plot pero di mo maput-down in words? Nakakainis! O di kaya mapu-putdown mo naman in words di naman magugustuhan ng mga mambabasa mo. Ilang short stories na rin ang nagawa ko, ilang nobela at napakaraming mga tula na walang pangalan ko sa by line.
Ghost writer. Multong manunulat. Nagsusulat para kumita at hindi para ipakita ang talento. Sa ganitong paraan ko binubuhay ang sarili ko. Sa ganitong paraan ko pinag-aaral ang sarili ko. Para akong baby maker, pagkatapos gumawa ng bata ipagbibili iyon kapalit ng kaunting pera.
Wala akong ibang alam na gawin e. Alangan magbenta ako ng laman diba? Sexy naman ako at wala namang kahit na sinong tututol sa sinasabi ko, kahit ako di ako tututol. Maganda rin ako kaya paniguradong kahit papano may maloloko naman siguro ako na magbabayad ng apat na libo sa isang gabi. Pero hindi ko ginawa dahil ako'y dalagang Pilipina at nirerespeto ko ang aking katawan hahaha.
Marunong akong maglaba pero maarte ang kutis ko. Di nyo kasi natatanong anak mayaman ako noon, kaso nalugi yung kompanya ng aking Daddeeey kaya eto buhay mahirap. Miyembro ng sindikato ang mga magulang ko, pinagbabaril sila bago pa kami makaalis sa mansyon namin. Kapanipaniwala ba yung kwento ko? Hahaha. Sa palagay ko hindi. Ang totoo nyan hindi ako anak mayaman, pero di rin naman kami sing hirap ng daga, tama lang, sapat lang. Di bagay pang kontrabida ang estado ng buhay, di rin naman bagay na pang bida. At di rin naman miyembro ng sindikato ang mga magulang ko, pero dati lagi kong iniisip na yung nanay at tatay na kasama ko sa bahay ay mga alien at ang tunay kong mga magulang ay dinukot ng mga taga-Mars. Pero syempre lahat ng iyon ay hinala. Wala pa rin akong nakukuhang pruweba, wag kayong mag alala kayo ang una kong kokontakin pag napatunayan ko na. *Kindat. Di pa rin patay ang mga magulang ko, split lang at may kanya-kanya ng mga pamilya. Dalawa na ang kapatid ko sa tatay. May asawa naman ang nanay pero wala silang anak, at sa kanila ako nakatira. Hindi barumbado't mabisyo ang tatay-tatayan ko, mabait sya at supportive. So di pa rin papasang pang telenobela ang buhay ko.
At dahil boring ang buhay ko, hindi buhay ko ang ikukwento ko sa inyo. Siguro medyo magkukwento ako tungkol sakin kaso baka puro pagkain at pagrereklamo ko lang kung panong unti-unti na kong tumataba. Chapter two na tayo? Ready?
BINABASA MO ANG
At Bahala na Kayo sa Ending
Short StoryA collection of short stories in different genre. Lahat ng horror stories nag uumpisa sa paglipat sa isang bahay na may history ng patayan ek-ek. Lahat naman ng mga love stories nag uumpisa sa high school, mabubunggo ni lalaki si babae. Mayaman at g...