Bagong Mundo
"WHERE am I?" nagtatakang tanong ni Csilla sa kanyang sarili habang palinga-linga sa paligid.
Kanina pa siya naglalakad sa masukal na gubat ngunit hindi pa rin niya nakikita ang sinasabi ng babae na kumikinang na puno. Pinagloloko yata siya nito.
'Huwang kang magmadali. Kanina mo pa iyan paulit-ulit na nirereklamo sa akin, ni dalawang oras pa lamang naman ang iyong nilalakad. At maari bang tigilan mo ang kakasalita ng lengguwaheng iyan? Walang makakaintindi sa'yo sa mundo na iyong pupuntahan,' rinig niyang wika nito sa kanyang isipan.
Huwag kung gano'n. Batid niyang marami ang nagtataka kung bakit niya naririnig ang boses nito? Kahit siya ay hindi alam kung bakit. Sa katunayan ay nakikita niya rin ito sa kanyang panaginip. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. Ngunit ang sinabi nito ay mayroon itong salamangka kaya nito nagagawang makipag-usap sa kanya. Katulad ng ilan, hindi siya naniwala ng una.
Sino bang baliw ang maniniwala sa ganoon? Hindi totoo ang mahika o salamangka. Isang alamat lamang iyon at tanging mga bata lamang ang naniniwala diyan. Tinawanan niya lamang ito ngunit nagalit ito sa kanya. Sinabi nito na susunugin nito ang kanyang bahay kung hindi niya ititigil ang kanyang pagtawa. Ngunit hindi siya nakinig at hindi napigilan ang tawang gustong kumawala. Hanggang sa sabihin nitong imulat niya ang kanyang mga mata.
Sa kanyang pagmulat ay nagulat siya dahil unti-unti ng tinutupok ng apoy ang barong-baro niyang bahay na siyang tanging naiwan ng kanyang yumaong ama't ina. Mabilis siyang lumabas, ni wala siyang naisalba kahit isang gamit man lang. Kaya narito siya ngayon, dalawang oras ng naglalakad para hanapin ang sinasabi nitong kumikinang na puno.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kumikinang na puno na 'yon? Pagod na pagod na ako pero ni hindi mo lang lang ako hinayaang magpahinga!" asik niya at pagod na nagpatuloy sa paglalakad.
'Manahimik ka na lamang riyan at ipagpatuloy mo ang iyong paglalakad. Malapit na iyon sigurado ako.' Napalabi siya. Para lang silang magkaibigan kung mag-usap.
Pinaikot niya ang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ito ang tunay niyang ina. Dahil hindi mahahalata sa mukha nito na may anak ito. Kung hindi pa nito ikinuwento at ipinakita sa kanya ang lahat ng nangyari noon ay wala pa rin sana siyang alam tungkol sa kanyang pagkatao.
Hindi naman sinabi ng kanyang kinagisnang magulang na kinupkop lamang siya ng mga ito. Ngunit sa simula pa lang ay may hinala na naman siya, hindi lamang niya sinabi sa mga ito dahil baka nagkakamali lamang siya. Ilang beses na niyang narinig ang mga ito noon na nag-uusap tungkol sa kanya. Hindi na rin niya matatanong pa ang mga ito tungkol doon dahil wala, hindi na sila nabubuhay sa mundo.
'Ika'y narito na anak ko. Ngayon ay makinig ka sa akin. Lumapit ka sa batis, tumawid ka roon at saka ka magtungo sa ilalim ng kumikinang na puno na nasa iyong harapan. Makikita mo roon sa gilid ang isang kahon na yari sa isang ugat. Itapat mo roon ang iyong kaliwang kamay at doon lilitaw ang kulay lila na hugis pabilog, agad kang pumasok doon. Huwag kang mag-alala dahil patungo na iyon sa mundo kung saan ka nararapat.'
Nagtaka siya. Iyong mga pinagsasabi nito, minsan ay hindi niya naintindihan. Hindi niya alam ang ibig sabihin. Mahiwaga at mahirap intindihin kung minsan.
"Sa mundo kung saan ako nararapat? Can you explain it to me? Ilang ulit ko nang itinanong sa iyo ang tungkol doon ngunit wala akong nakukuhang sagot mula sa'yo. At ano naman iyong kulay lila na hugis pabilog?"