Narito ang mga bayan at kaharian na matatagpuan sa Biringan. Gusto ko lamang ibahagi sa inyo upang hindi kayo malito. Hindi ko kayo pinupwersang basahin ang bahaging ito, pwede niyo naman itong laktawan .
Mundo ng Biringan
• Ito ang mundo nang may mahika o salamangka. Ito ang mundo kung saan ay lahat ng bagay na nanarito ay purong mga ginto. Mapa kaharian, puno, mga damo, mga tirahan at ibang mga bagay na makikita sa kung saan. Maliban lamang sa hayop at mga pagkain nila, pati na sa mga batis, dagat o mga sapa. Sa kanilang kasuotan ay nakadepende din iyon sa kanilang antas. Ang tawag sa mga naninirahan sa mundong ito ay 'Birinians'.
Ang Biringan ay mayroong dalawang kaharian, ito ay ang Kaharian ng Targaryen at ang Kaharian ng Tenebrose. Magkalaban ang dalawang kaharian na ito simula pa noong unang panahon. Ang Kaharian ng Targaryen ay mayroong apat na bayan at iyon ay ang Bayan ng Adarlan, Bayan ng Terrasen, Bayan ng Plavemn at ang Bayan ng Nethelor.
Ang Kaharian ng Targaryen ay ang siyang namumuno sa buong bayan. Ang anak nilang lalaki ang may pinakamalakas na salamangka. Sila ang huling Birinians na may hawak ng elemento ng apoy. Matatagpuan ang kaharian sa gitna ng apat na bayan.
Bayan ng Adarlan- Kung saan naninirahan ang mga Birinians na may elemento ng Tubig. Nasa timog ng Kaharian ng Targaryen matatagpuan. Pangalawa sa malalakas sa Biringan.
Bayan ng Nethelor- At dito naman naninirahan ang mga Birinians na may elemento ng Hangin. At ito ay nasa hilaga ng Kaharian ng Targaryen matatagpuan.
Bayan ng Terrasen- Dito naninirahan ang mga may elemento ng Lupa. Nasa kanluran ng Kaharian ng Targaryen matatagpuan.
Bayan ng Plavemn- Dito naninirahan ang mga maliliit na nilalang tulad ng engkanto, diwende at iba pa. Kasama ang mga Birinians na may kakayahang magpagalaw o magpalutang ng mga gamit, makipag-usap gamit ang isip at ng mga may kakayahang hindi nabibilang sa apat na elemento. Bayan ito ng mga Birinians na tanging abilities o sub-elemental lamang ang salamangka. Ito ay nasa silangan ng Kaharian ng Targaryen matatagpuan.
Ang Kaharian ng Tenebrose naman ay kabaliktaran ng Targaryen. Dito naninirahan ang may itim na salamangka, masasama at demonyo. Malayo ito sa Kaharian ng Targaryen at napakahirap hanapin. Tenebians ang tawag sa mga nasasakupan nito.
At ang panghuli ay ang nag-iisang Unibersidad ng mga Birinians. Matatagpuan ito sa himpapawid ng Kaharian ng Targaryen. Dahil nag-iisa lamang ang unibersidad na ito sa Biringan ay hindi na nila ito pinangalanan pa. Lahat ng Birinians na may kakayahan ay maaaring mag-aral dito kung makakapasa lamang sa isang pagsubok.