Simula

179 45 0
                                    

“Ano ang plano mo sa iyong anak, Asteria? Alam mong hindi siya maaaring manatili rito hangga't wala pa siya sa tamang edad,” nag-aalalang tanong ng kanyang kaibigan.

Ito ang natatanging nakakakita sa kanya sa mundong iyon. Ito ang natatanging pinagkakatiwalaan niya sa lahat nang naroon. Kung ano ang ipinakita niyo sa kanya noong nagpanggap siya katulad ng mga ito o hindi pa nito alam ang totoo niyang pagkatao ay gano'n pa din ang pakikitungo nito sa kanya pagkahanggang ngayon. Hindi ito peke, huwad o mapanlinlang na kaibigan.

“Nakakalungkot lang dahil hindi ko man lamang siya makakasama ng matagal. Naisip kong dalhin siya sa mundo ng mga tao, Yiloury. Sa mundo kung saan walang may salamangka, walang tayo na nabubuhay. Sa mundo kung saan ang mga tao ay nabubuhay sa paniniwala nilang isa lamang tayong alamat o haka-haka,” malungkot niyang saad bago tiningnan ang kanyang nag-iisang anak.

Hindi siya makapaniwala na malilikha niya ito nang ganoon kaperpekto. Natatangi ang  ganda nito, angat sa lahat ng mga naroon.  Ang hulma  ng mukha‘y  napakaperpekto.

Ang pilik mata nito na animo'y nilagyan ng kahit anong pampahaba, bahagyang nakaalon iyon. May kakapalan ang kilay niyo at may perpektong hulma. Ang mga matang magkaiba ang kulay na nakakahalina at hindi nakakasawang pagmasdan. Ito lamang ang natatanging mayroong kulay ginto at pilak na mga mata. Ang maalon at puting buhok na siyang naiiba sa lahat. Ang kaputian na siyang walang kasing katulad.

Tumitingkad ang marka nito sa noo. Isa iyong simbolo ng impinidad o infinity kung tinatawag. Iyon ang pinili niyang marka dahil na din sa salamangka mayroon ito. Hindi niya  maaaring sabihin sa ngayon ang tungkol sa bagay na iyon.

“Bakit hindi mo na lamang siya dalhin sa iyong mundo?” Nilapitan siya nito kasabay nang pagsilip nito sa kanyang anak.

Marahan siyang umiling dito at umiwas nang tingin. “Kahit na gustuhin ko man ay hindi maaari. Pwede siyang mabawian ng buhay roon dahil hindi tanggap ng mundo ko ang isang sanggol. Wala pa siyang muwang at maaaring kunin ng aking nag-iisang pagkatao ang lahat ng kanyang salamangka ...kahit na anak ko siya ay maaari siyang mawalan ng salamangka o mawala,” malungkot na saad ko.

“Nqpakahirap na desisyon. Sa huli ay kaligtasan pa rin niya ang dapat unahin.” Hinawakan nito ang kamay ng kanyang anak bago haplusin ang maganda at maalon nitong buhok. “Napakagandang bata. Nawa'y makikita ko pa siyang muli.”

“Sa pagtungtong niya sa ika-labingwalong taong gulang ay ibabalik ko siya sa mundong ito. Sasanayin ang kanyang salamangka bago siya ipapasok sa unibersidad. Nais kong ikaw ang mag-alaga sa kanya. Isang misyon ang kailangan niyang tapusin bago siya tuluyang maging ganap na diwata ng Biringan.”

Pagkatapos nilang mag-usap ay umalis na siya upang dalhin sa mundo ng mga tao ang kanyang anak.

Pagdating sa mundo ng mga tao ay sinubukan niyang maghanap ng mga taong may mabuting kalooban. Dahil na din sa kanyang salamangka ay mabilis niyang nahanap ang mga ito. Nagtungo siya sa isang maliit na bahay na siyang may kalayuan sa bayan. Malapit sa bundok ang bahay nila. Nakita niya ang mag-asawang nakaupo sa labas ng kanilang barong-barong bahay, nagyayakapan at lumuluha.

“Salamat sa pananatili mo sa tabi ko kahit na hindi—” dinig niyang nagsalita ang babae ngunit pinutol lang ito ng lalaki.

“Hindi nasusukat sa kahit ano ang pagmamahal ko sa iyo, Rosie. Mananatili ako habang buhay sa tabi mo kahit na hindi tayo nabinayayaan ng anak. Nangako ako sa panginoon na mamahalin kita kahit na anong mangyari. Ikaw lamang ang kailangan ko at wala ng iba.” Hindi niya maiwasang mapangiti sa narinig mula sa lalaki.

Tama ang pinili niyang mag-aalaga sa kanyang anak. Ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa isa't isa. Batid niyang mamahalin ng mga ito ang kanyang anak na parang kanilang tunay na anak. Naglakad siya papalapit at nagpakita dito. Pinalitan niya ang kanyang kasuotan katulad ng mga suot nila. Nakita pa niya ang gulat sa  mukha nila ng makita siya habang hawak ang kanyang munting prinsesa.

“Magandang gabi!” Maaliwalas ang mukhang lumapit pa siyag lalo.

Sabay na tumayo ang mag-asawa. Naroon pa rin ang gulat sa kanilang mukha ngunit nakikita niya ang pagkamangha at pagtataka doon.

“Magandang gabi din, binibin!” sabay nilang saad.

“Patawad sa aking biglaang pagsulpot. Narinig ko ang inyong pag-uusap nang dumaan ako ...patungkol doon sa anak.” Tumingin siya sa babae. “Ika'y hindi na mabubuntis pa?”

Ang gulat at pagkamangha sa mukha nito ay biglang nawala, napalitan iyon ng lungkot at sakit. “Tama ang iyong narinig. Ako ang may problema sa aming dalawa.”

Nakakamangha ang kanilang pagmamahalan ngunit nakakalungkot ang kanilang kapalaran. Tumingin siya sa kanyang anak. Itinago niya ang marka nito at ang kulay ng buhok ay ginawa niyang kulay itim. Babalik lamang ang totoong kulay nito sa pagtungtong niya sa ika-labimpitong taon.

Ipinakita niya sa mga ito ang kanyang anak. “Kung ganoon ay maaari ko bang ipaalaga siya sa inyo ang aking anak? Sa kanyang ikalabing-walong taon ay kukunin ko siya upang gampanan ang kanyang responsibilidad,” malungkot niyang wika kasabay nang pagbigay niya sa kanyang anak.

Pagkabigla ang nakikita niya sa kanilang mukha. “Talaga? Pero b-bakit mo siya kailangang ipaalaga sa amin? Sa nakikita ko ay mukhang may kaya ka naman,” aniya ng babae na siyang may hawak ng kanyang anak.

Ang lalaki ay nakatitig lamang sa anak niya, animo'y ayaw ng mawala sa kanyang paningin. Pilit siyang napangiti.

“Patawad ngunit hindi ko maaaring sabihin sa inyo ang aking dahilan. Nawa'y alagaan at mahalin niyo siya.” Tumingin siya sa kanyang anak, hinagkan ito sa noo. Halos mapaluha siya ng makita ang ngiti nito, pilit inaabot ng maliit nitong kamay ang kanyang mukha . “Hanggang sa muli nating pagkikita, Luoxiana.”

Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumalikod na siya at umalis roon. Nagtago siya sa isang puno at doon muling nagpalit ng kasuotan.

Bago tuluyang makaalis sa mundo ng mga tao ay narinig niya ang boses ng mag-asawa. Napangiti siya. Panatag ang kanyang kalooban dahil nasa mabuting kamay ang kanyang prinsesa.

Kahit na may kirot man siyang naramdaman nang ibigay ang nag-iisang anak sa mag-asawa ay ayos lamang. Para sa kapakanan at kaligtasan nito, lahat gagawin niya kahit na masaktan man siya. Ayaw man niyang malayo dito ngunit kailangan niyang gawin. Hindi niya maaaring isugal ang buhay nito.

“Maraming salamat, binibini!”

‘Maraming salamat din sa inyo! Hanggang sa muli.’ Tuluyan na siyang naglaho sa mundo ng mga tao at bumalik sa tunay na mundo niya upang gampanan ang responsibilidad.

 Luoxiana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon