Ikalawang Kabanata

183 49 0
                                    

Bayan ng Terrasen

Nagising si Csilla kinabukasan dahil sa tonog ng kanyang despertador na nasa gilid ng kanyang higaan. Tumingin siya sa labas ng bintana at panandaliang  napapikit, ang liwanag ng buwan lamang ang siyang kanyang nakikita sa labas. Tumayo siya mula sa kanyang kinahihigaan at nakangusong pumasok sa banyo.

Hindi siya nakatulog nang maayos dahil hindi siya sanay sa kanyang higaan. Masyadong malambot ang kama hindi tulad ng nakasanayan niya sa mundo ng mga tao na sobrang tigas na papag lamang. Maliban sa higaan ay nagmamasid din siya sa labas.

Hindi niya masyadong inayos ang kanyang kurtina upang makita ang itsura ng Bloodstarved Beast na sinasabi ni Yiloury. Ngunit masyadong madilim sa labas kaya hindi niya nakikita ang tunay nitong anyo. Tanging ang sinag ng pulang buwan at ang anino lamang ng demonyo ang kanyang nakita.

Basi sa nabasa niya tungkol sa Bloodstarved Beast ay nagtataglay  sila ng bahagyang lapnos na laman na nakabitin sa likod nila. Ang demonyo na ito ay walang  dugo dahil sa kapayatan nito. Naghahanap sila ng dugo sa isang Birinians upang mabuhay sila ng matagal.

Ang demonyong ito ay hindi madaling tumigil sa sandaling kinuha nito ang nakalalasing na bango ng dugo. Mas uhaw sila sa dugo ng may mataas na ranggo o dugong bughaw. May lason ang mga balahibo at laway nila, at may kakayahan silang tumalon nang sampung talampakan. Wala silang mga mata ngunit matatalas ang kanilang pang-amoy.

Kaya sila malayang nakakagala ay dahil walang panangga ang buong lugar, at tanging ang anak lamang ng diwata ng Biringan ang siyang nakakapaglagay ng pinakamalakas na panangga.

“Csilla, sasama ka ba sa akin sa sentro? Mamimili ako ng iyong kagamitan.” Rinig niyang tanong ni Yiloury kasabay ng mahinang pagkatok nito sa pinto ng banyo.

“Kagamitan para saan, Nanay?” Binuksan niya ang pinto upang harapin ito.

Natigilan siya ng makita ang suot nito. Hindi ito katulad ng sinuot nito kagabi. Nakapusod na ang buhok nito pataas. Mas lalo lamang itong gumanda at naging dalaga sa kanyang paningin.

“Para sa iyong pag-aaral. Hindi pa ba sinasabi sa'yo ng iyong ina ang tungkol sa pag-aral mo sa unibersidad?” Kinunutan siya nito ng noo.

Umiling naman siya rito. Walang sinabi sa kanya si Catalina. Matagal silang nag-usap kanina ngunit wala itong binanggit tungkol doon.

“Wala siyang sinabi sa akin, Nanay.”

‘Nakalimutan ko lamang anak dahil sa aking tuwa. Nawili din ako sa iyong insayo kanina kung kaya tuluyan ko na iyong hindi naalala.’ Tinig iyon ni Catalina.

Tumaas ang kanyang kilay dahil sa sinambit ng Ina. “Nawiwili kang pahirapan ako! Tsk! Hanggang ngayon ay sumasakit pa rin ang aking katawan! Para akong iba sa'yo. Ipaalala ko lamang na anak mo ako!” inis singhal niya na siyang pinagtaka ni Yiloury kaya ngumiti siya ng bahagya dito. “Patawad. Kausap ko lamang po si Catalina.”

Ilang oras lamang ang insayo niya. Isang oras dito ay isang buwan ang katumbas no'n sa lugar ni Catalina. Hindi niya masasabi kung ano ang tawag sa lugar na iyon dahil isa iyong sagrado na tanging si Catalina lamang ang siyang nakakaalam.

Kanina niya lamang nakita at nalaman ang kanyang salamangka. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon siyang ganoon. Namamangha siya sa dami ngunit nakakapagod din dahil lahat ng iyon ay kailangan pa niyang sanaying gamitin. Sa lahat ng kanyang salamangka ang apat na elemento ang siyang mahirap aralin at sanayin. Kaya ngayon ay sumasakit ang buong katawan niya. Hindi siya tinigilan ni Catalina. Labis na paghihirap ang dinanas niya dito sa isang buwan doon.

Isang buntonghininga ang kanyang pinakawalan. Sa isang araw niyang pananatili sa mundong ito ay marami na agad siyang nalalaman. Hindi na siya nagugulat sa mga bagay-bagay na narito dahil sinabi na sa kanya ni Catalina na lahat ng imposible sa mundo ng mga tao ay posible sa mundong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Luoxiana Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon