CHAPTER 01

31K 581 217
                                    

BABALA: Ang kwentong ito ay may deleted parts kaya kung ayaw ninyong mabitin ay huwag niyo nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Nasa DREAME po ang complete version ng story na ito. Marami pa po akong COMPLETED at walang deleted parts na story dito sa Wattpad, iyon na lang po ang basahin ninyo... Maraming salamat!






SOJU SAYS: Ang story na ito ay para po kay Miss Ruth Klarizza Mae Imperial na isa sa magagaling na kasapi ng "LIB Team". Heto na po iyong request niyo na gawin kitang character sa story. Para po sa inyo ang "UGLY tRUTH". Maraming salamat :)

-----CHAPTER ONE-----

KAPAG may panget na bagay kang nakikita, gusto mo siyang palitan ng maganda. Isa iyan sa katotohanan na matagal nang nangyayari dito sa mundo. Kapag panget ang damit, papalitan. Kapag panget na ang cellphone, bibili ng bago. Kapag panget ang make-up, buburahin. Kapag panget ang jowa, hahanap ng mas maganda.

Base na rin sa aking obserbasyon, higit na mas maraming advantages ang magaganda kesa sa mga panget. Isang halimbawa diyan ay sa trabaho. Kunwari sa mga fastfood... Kapag maganda ka, siyempre, sa cashier ka. Ikaw iyong kumukuha ng order ng mga tao. Pero kapag panget ka? Doon ka sa kusina! Tagaktak ang pawis kakaprito ng french fries na ilang linggo nang nakaimbak sa refrigerator. Tapos kapag ang lalaki, may nakabanggaan na magandang babae sa kalye sasabihin: "Sorry, miss. Can I get your number?". At may kasama pang kindat! Pero kapag panget naman ang nakabanggaan: "Puta! Bulag ka ba?! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" May kasama pa yang mura at fuck you sign.

Ang unfair, 'di ba?

Pero kung iisipin, dapat ay magpasalamat ang magaganda sa mga panget. Bakit? Kasi hindi maaappreciate ang magaganda kung walang mga panget. Walang comparison kumbaga.

Siguro nagtataka kayo kung bakit parang kinakaawaan ko ang mga panget. Ang totoo niyan... Isa ako sa kanila. Isa ako sa nakakaramdam ng mga pinagdadaanan nila. Isa ako sa mga ginagawang katatawanan ng karamihan.

Pero kahit papaano naman ay maswerte pa rin ako. May mga bagay at katangian din naman ako na maganda. Tulad ng pangalan ko. RUTH KLARIZZA MAE IMPERIAL. Oh, 'di ba pang-artista ang name ko.Ang katawang ko... Check! Ang kutis ko... Check din! Ang mukha ko... Hmm... Nasaan na nga ba ako sa kinukwento ko? Okey, heto na nga. Nandito ako para patunayan sa inyo na hindi hadlang ang pagiging panget sa pagbabalat ng patatas!

-----***-----

"PURO Ruth! Puro Ruth! Puro Ruth!"

Iyon ang galit na galit na boses ni Ate Charming na naririnig ko mula sa pagkakaupo ko sa hagdan paakyat sa bahay namin na yari sa sawali at pawid. Isang tipikal na bahay sa bukid kung saan kami nakatira.

Nag-aaway na naman si Ate Charming at Nanay Greta habang ako ay prenteng nakaupo lang dito at pinagmamasdan ang kalawakan ng palayan na nasa harapan lang ng aming kubo. At ang pinag-aawayan nila ay ako na naman.

"Anong sabi mo? Bastos ka! Bastos ka!" ganting sigaw ni Nanay Greta.

"Totoo naman, ah! Lagi na lang si Ruth! Puro Ruth! Puro Ruth!"

"Anong pururot? Bastos ka! Ang baho ng bibig mong bata ka!"

"Aalis na lang ako! Tutal naman ay walang ibang magaling para sa inyo kundi ang chararat niyong anak!"

"Hala, sige! Lumayas ka, Charming. At 'wag na 'wag ka nang babalik! Napakawala mong utang na loob... Ang dibdib ko! Naninikip! Ahhh..."

Tiningnan ko sina nanay at ate sa likuran ko. Kitang-kita ko ang pagiging best actress ni nanay. Parang totoo na mamamatay na nga siya!

Ugly TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon