CHAPTER 02

13.8K 374 66
                                        

CHAPTER 02

RECCES. Nasa bench ako sa harapan ng room namin. Nakaupo lang ako doon habang naglalaro ng Space Impact sa aking cellphone na Nokia 3310. Nasa ikalawang master na ako nang ma-dead ako. Sa sobrang inis ko ay Snake naman ang nilaro ko. Nagpapatay lang kasi ako ng inip. Hinihintay ko kasi si Marichu. Ang tagal-tagal niya! Kanina pa siya bumibili ng banana cue sa canteen pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Ano na kaya ang nangyari sa babaeng iyon?

Nang magsawa ako sa paglalaro ng Snakes ay binasa ko naman ang mga text messages sa akin ni James. Ang aking boyfriend. First boyfriend to be exact.

Oo nga pala, hindi ko pa naikukwento ko sa inyo ang tungkol sa aking nobyo na si James Banco. Matagal na kami ni James. Ang totoo niyan, next week ay ika-walong buwan na namin. Hay, grabe nga siya, eh. Sa kanya ko naramdaman kung paano ang maging babae. Siya lang ang palaging nagpapakilig sa akin. Grabe talaga! Nang ligawan niya ako noong June, isang araw pa lang ay sinagot ko na agad siya. Matagal ko na kasi siyang crush simula nung first year pa lang kami. Gwapo kasi siya at palaging hinihirang na escort ng class officer. At alam niyo ba, ipinagmamalaki ko talaga ang boyfriend kong 'yan. Paano kasi noong mga panahon na hindi pa kami, lagi siyang bagsak sa mga subjects. Pero noong maging kami na, pasado na palagi siya. Kapag nga may quiz o exams, sa akin siya tumatabi. Ang sabi niya, inspirado daw siya kapag magkatabi kami. Oh, 'di ba, lucky charm niya ako...

Inggit na inggit nga sa akin si Marichu, eh. Kahit daw panget ako, nagka-boyfriend ako ng tulad ni James. Pero lately, napapansin ko na parang nanlalamig na sa akin ang nobyo ko. Hindi na siya tulad noong nagsisimula pa lang ang klase. Ngayong patapos na ang school year, madalang na lamang kaming mag-usap. Tulad ngayon, naroon siya sa canteen at kasama ang mga barkada niya.

Naku, napapakwento na naman ako. Ang tagal-tagal naman kasi ni Marichu!

Pero infairness, maswerte pa rin si Marichu kasi inaya siyang mag-date ni Steven-ang ptinanghal na pinakagwapo sa Ilaya National High School! January na ngayon at malapit na ang February 30. Teka, iche-check ko nga sa calendar ng phone ko kung ilang araw na lamang bago ang February 30 para makapag-countdown kami ni Marichu. Happy rin naman ako para sa kanya. Baka ito na ang katuparan ng pangarap niya na magkaroon ng boyfriend tulad ko.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang Calendar. Nagpunta ako sa buwan ng February.

Napakunot ako ng noo.

Huh? Nasaan dito ang February 30? Hanggang 28 lang siya, eh...

Maya-maya ay bigla akong natigilan. Hindi kaya-

"Ruth! 'Eto na ang banana cue mo. Sorry kung natagalan. Ang haba ng pila, eh."

Patay. 'Andiyan na si Marichu! Sasabihin ko ba ang natuklasan ko? Na wala naman talagang February 30? Na pinagti-tripan lang siya nina Steven? Pero alam kong masasaktan ng labis ang kaibigan ko kapag sinabi ko. Nag-expect siya, eh. Nag-assume. Bakit kasi hindi ko naisip kanina na wala nga palang 30 ang February.

"Ah, thank you..." pinagpapawisan na kinuha ko ang banana cue ko sa kanya sabay kagat.

"May problema ba, Ruth? Pinagpapawisan ka."

"W-wala. Mainit lang kasi."

"Anong mainit, eh, ang lamig-lamig kaya. May bagyo yata sabi sa TV."

"Ah, Marichu. May sasabihin sana ako sa'yo pero... 'wag ka sanang magagalit," napakagat na ako sa aking ibabang labi.

"Ano ba 'yon, Ruth?" Medyo nag-alinlangan lalo akong sabihin sa kanya nang sumeryoso ang mukha niya.

Nakakainis naman kasi si Steven! Ano bang nagawa sa kanya ni Marichu at pinagti-tripan niya ito ng ganito? Ah... Siguro dahil panget ang kaibigan ko. Aminado naman ako na may pagkatanga at uto-uto kami ni Marichu pero abuso na sila talaga! Ang pinagkaiba nga lamang namin ay medyo matalino ako sa mga school subject, siya hindi. Top two nga ako ngayon sa klase, eh.

Ugly TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon