CHAPTER 04

9.5K 289 45
                                    

CHAPTER 04

"HINDI mo ba ako babatiin, Ruth?" nakalabing sabi sa akin ni Vhong habang kinikopya ko ang notes na sinusulat ng class' secretary namin sa blackboard. Grabe, halos isang oras na kaming nagsusulat. Tinatamad yatang magturo ang teacher namin sa English kaya nagpasulat na lang siya ng notes. Medyo sumasakit na rin ang aking mga kamay kakasulat, ha.

Napanganga ako nang makita ko si Vhong na nakaupo sa katabing upuan ko. "V-vhong? Anong ginagawa mo dito? Baka mapagalitan ka ng teacher mo?" Tumigil muna ako sa pagsusulat at kinikilig na nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Kahit kasi boyfriend ko na siya ay naiilang pa rin akong tingnan ang gwapo niyang mukha.

"Wala naman kaming klase, eh. Saka nagtatampo ako sa iyo. Hindi mo ako binabati..." Nag-pout pa siya na ikinalaglag na ng aking panty!

"Ah... H-hello. 'Ayan, binati na kita."

"Hindi mo ba alam, Ruth? Birthday ko ngayon."

Oh my! Birthday ngayong ng boyfriend ko? Bakit hindi ko alam? Anong klaseng girlfriend ako at hindi ko man lang alam na kaarawan ngayon ng aking gwapong boyfriend? Napakawala kong kwenta! Pero sabagay, pangatlong araw pa lamang naman namin na magkasintahan ngayon ni Vhong. Ang OA ko naman para sisihin ang sarili ko.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Happy birthday, Vhong. M-mahal k-kita..." Namula pa ako nang sambitin ko ang huling pangungusap na sinabi ko.

"Thank you, Ruth. Mahal din kita!"

Namula ako sa sinabi niyang iyon. "Pasensiya ka na, ha. Wala akong regalo. Oo nga pala, m-may itatanong sana ako sa iyo, Vhong..."

"Ano iyon, Ruth?"

"B-bakit mo nga pala ako nagustuhan?"

Biglang hinawakan ni Vhong ang aking mga kamay dahilan para mabitiwan ko ang hawak kong ballpen sa sahig. Hindi na ako nag-abala pang damputin iyon dahil parang nahipnotismo na ako ng mga mata ni Vhong. Siya na lamang nag nakikita ko ng sandaling iyon. "Ruth, marami na akong naging girlfriends at sila ay masasabi kong puro magaganda. Lahat nag-failed. Naisip ko kung paano kaya kung isang panget naman ang gawin kong girlfriend. Try lang..."

Pakiramdam ko ay isa akong babasaging kristal na biglang pinukpok ng martilyo at nagkabasag-basag sa sinabing iyon ni Vhong. Nawasak ang akala ko na mahal ako niya bilang ako... Sa kabila ng pagiging panget ko. Pakiramdam ko ay isa akong palaka. Pinag-eeksperimentuhan.

"Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay ba ito, Vhong?"

"Exactly, Ruth. Malay mo naman mag-work itong relationship natin, 'di ba?" Pilit akong ngumiti sabay tango. Pinisil ni Vhong ang aking oily na pisngi. "Oo nga pala, may maliit na party mamaya sa bahay. Eight ng gabi. Punta ka, ha. Aasahan kita. Hindi pwedeng wala doon ang girlfriend ko. Sige na, babalik na ako sa room ko. Bye, Ruth."

"Bye, Vhong..."

Tumayo na siya at umalis. Nakatulala pa rin ako. Napaisip tuloy ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pakikipag-relasyon kay Vhong. Ekspiremento lang pala niya ako. Nakakaiyak iyon, ha. Pero, sinabihan niya ako na mahal niya ako. Iyon na lang siguro ang panghahawakan ko. Siguro, ang kailangan ko na lamang gawin ay ang maging mabuting girlfriend sa kanya para tuluyan na siyang mahulog sa akin.

"Buburahin ko na ito, ha!" sigaw ng secretary namin. Tinutukoy niya iyong nakasulat sa left-side ng blackboard. Puno na pala iyong nasa right side.

Ay, oo nga pala! May sinusulat nga pala kaming notes. Masyado kasing nakuha ni Vhong ang atensiyon ko, eh.

Natataranta kong kinapa sa sahig iyong ballpen ko. "Mamaya! Hindi pa ako tapos diyan!" pasigaw na sagot ko.

"Landian kasi ng landian! Panget naman!" nakairap na tugon sa akin ng secretary namin.

-----***-----

"BES! Bumili naman tayo ng banana cue doon sa labas. Limang piso isa lang tapos kapag nagdagdag ka ng tatlong piso may libreng isa pa-" Napatigil sa pagsasalita si Marichu nang makita niya na hindi ako nakikinig sa sinasabi niya. Nakatulala lang ako at hindi naka-focus sa telebisyon ang mata.

Nandito siya sa bahay namin. Dito na kami dumiretso pagkauwi namin sa school. Inimbitahan ko kasi siya na dito muna matulog sa amin dahil mag-isa lang ako. 'Di ba, wala si nanay kasi nasa Manila siya.

"Hay, naku! Para namang wala akong kasama dito. Nagsasalita akong mag-isa!" Itinirik pa ni Marichu ang kanyang mga mata.

"H-ha? May sinasabi ka ba?"

"Naku! Wala! Wala akong sinasabi."

"Ano nga iyon?"

"Kalimutan mo na. Tungkol lang sa banana cue... Teka nga, Ruth. Bakit ba nakatulala ka diyan? Break na ba kayo ni Vhong? Umamin ka."

"Hindi, ah. May iniisip lang ako."

"Ano naman?"

Humarap muna ako kay Marichu bago sumagot. "Eh, kasi... birthday niya ngayong gabi. Nag-aalinlangan ako kung pupunta ba ako o hindi. Nahihiya kasi ako. Sigurado ako na naroon ang parents niya."

"Ininvite ka ba niya na pumunta?" Tumango ako. "'Yon naman pala, eh. Pumunta ka. Kung nahihiya ka, sasamahan kita!" nag-thumbs up sign pa siya.

"Talaga?"

"Oo. Talagang-talaga! Pero, 'di ba, medyo mayaman ang family ni Vhong? Dapat magsuot tayo ng magagandang damit."

"Saan naman tayo kukuha ng magagandang damit? Mga luma na ang bestida ko, eh..." sagot ko.

Nag-isip sandali si Marichu sabay pitik sa hangin. "Alam ko na! Meron sa bahay. Kukuhain ko lang," anito at nagpaalam na ito sa akin para sumaglit sa kanila.

Nang maiwan ako mag-isa ay napaisip ako. Siguro nga ay dapat akong pumunta sa birthday party ni Vhong. Wala namang masama at wala naman akong dapat ikahiya. Hindi naman kasalanan ang maging panget, 'no. Isa pa, si Vhong na mismo ang nagsabi sa akin na pumunta ako. Ibig sabihin lang niyon ay hindi niya ako ikinahihiya sa pamilya at mga bisita niya.

After ng halos limang minuto lamang ay bumalik na si Marichu. Medyo malapit lang naman ang bahay nila. Pero tagaktak ang pawis niya sa mukha na akala mo ay nag-marathon ito. May dala-dala itong isang plastic bag.

"I'm back!" Humihingal na lumapit ito sa akin sabay hagis ng isa sa mga plastic bag. "Oh, 'yan ang sa'yo. Tapos itong isa naman ay para sa akin, siyempre! Alangan naman kung pupunta ako doon ng hindi nakabihis, 'di ba? Ma-OP pa ako."

"Anong klaseng damit ba ito?" tanong ko.

"Try mo kayang buksan iyang plastic nang makita mo." Sabay tawa ni Marichu.

Pabiro akong umirap sa kanya at binuksan ko na ang plastic at inilabas doon ang damit na susuotin ko. Namangha ako sa nakita ko. Literal na napa-wow pa talaga ako. Napakaganda ng damit na iyon. Isang pink na gown na sa wari ko ay hanggang paa ko. Tapos makambong ang kanyang palda na pinaliguan ng mga glitters at beads kaya kumikinang iyon kapag tinatamaan ng ilaw. Long-sleeves ang design ng naturang gown at ang pinakanagustuhan ko ay ang malaking rosas nito sa kaliwang balikat. Kulay pink din ang rose na iyon na halos kasing-laki na ng ulo ko.

Tumayo ako at itinapat sa aking katawan ang gown. "Ang ganda-ganda naman nito, Marichu! Saan mo ito nakuha?" tanong ko.

"Sa ate ko iyan. Ginamit niya noong nag-Reyna Elena siya five years ago. Ang ganda, 'di ba?" Pagmamalaki pa niya.

"Ganoon ba? Salamat talaga! Patingin naman ng gown mo!" May pagmamalaki sa mukha na inilabas ni Marichu sa plastic ang isang gown na kulay ube. Parehas ng design ng gown ko. Ang ipinagkaiba lamang niyon ay wala iyong rosas sa balikat. "Ang ganda din niyan, Marichu!" pakli ko.

Tumango-tango siya. "Alam ko. Kaya suotin na natin ito para makapunta na tayo sa birthday party ng boyfriend mo. Panigurado naman na hindi na nila mapapansin ang panget nating mukha kasi maganda ang suot nating gown!"

"Tama ka diyan, bes!" At masaya kaming nag-apir.

Napangiti ako ng malaki. Sigurado akong matutuwa si Vhong kapag nakita niya ako na suot ang napakagandang gown na ito!

-TO BE CONTINUED-

Ugly TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon