Chapter 13- Part of Me

9.1K 268 1
                                    

One Month..one month na ang nakalipas na palaging may nangyayari sa amin ni Lorenzo at pakiramdam ko ay unti-unti ko ng nagugustuhan ang mga ginagawa niya sa akin. He treat me so special. Tinatrato niya ako na para bang ako lang ang nag-iisang babae sa mundo--na para bang kaming dalawa lang ang namuhay sa mundong ibabaw. Nakakatulong ang pagpauwi niya kay Aling Faustana sa Villa nila para magkasama kaming dalawa dahil unti-unti ko siyang nakilala. Pakiramdam ko ay nabawasan ng konti ang galit ko sa kanya dahil sa mga ginagawa niya sa akin. We're like a couple on a honeymoon stage pero ang kaibahan nga lang ay hindi naman kami couple..we're just having sex in each day that we're together. Para bang nasasanay na ako palagi sa presensiya niya lalo na kapag nagluluto siya para sa akin o di kaya ay magkukwentuhan kami and after that we're having sex over and over again at wala akong ginawa kundi ang magpaubaya. Talagang sinisigurado niya na makakabuo kami habang nandito kaming dalawa sa isla. Habang tumatagal ay ngumingiti na si Lorenzo..yung ngiti na natural lang at walang kyime.
"Good morning..sit down because we're having our breakfast." Wika nito at saka hinila ang upuan para maka-upo ako. Sumimangot ako.
"I lost my appetite Lorenzo..I'm sorry, wala akong gana. Ikaw na lang ang kumain." mahinahong wika ko. Hindi ko lang feel kumain. Tumalikod ako pero maagap niyang nahawakan ang braso ko at saka hinarap niya ako na may pag-alala sa mukha.
"Mag-aaway ba tayo Hya?..ang aga-aga naman.." pikon na wika nito. I pouted my lips. Bakit pakiramdam ko lalo siyang gumugwapo ngayon?.. Piningot ko ang ilong niya and then I cupped his face at saka tumawa ako ng malakas.
"Bakit lalo kang gumugwapo ngayon sa paningin ko Lorenzo?" wika ko at saka pinaglalaruan ang mukha niya. Napamaang ito at saka pinamaywangan ako.
"It sounds like you want to have sex this early in the morning hmmm?" tuksong wika nito. Tinaasan ko ito ng kilay.
"I didn't say that at saka isa pa, I'm tired. Masama ang pakiramdam ko at gusto kong palagi kitang nakikita..yun lang." Wika ko at saka tinapik ang mukha niya at saka tumalikod ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napahinto ako at saka sinapo ang aking noo.
"Hya! are you okay?" narinig kong tawag ni Lorenzo sa akin at mabilis na inalalayan ako.
"N-Nahihilo ako Lorenzo." Sambit ko at saka napakapit sa braso nito.
"Bakit?ano ba ang nararamdaman mo?.." nag-alalang tanong nito. Hindi ako sumagot dahil parang lalo lang yatang nanlambot ang tuhod ko at umiikot ang paningin ko. Agad niya akong pinangko at saka dinala sa kwarto niya at saka marahan niya akong pinahiga doon.
"Magpahinga ka muna. Kukuha lang ako ng mga gamit para icheck kita." wika nito. Tama dahil doctor nga pala siya. Tumango ako at saka pumikit. Ewan ko ba kung ano ang nangyari sa akin. Bakit ba bigla-bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo gayong kani-kanina lang ay nagawa ko pang tumawa. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina. Tuluyan na akong nakaidlip.

Naalimpungatan ako nang may narinig akong nag-uusap sa tabi ko.
"There's nothing to worry Seniorito. It's normal for the pregnant woman to feel like that..congratulations, you're going to be a father." wika ng kung sino kaya kunot noo akong nagmulat pero mukhang hindi nila ako napansin dahil hindi naman ako gumalaw. Nakita ko si Lorenzo na may kausap na babae na sa tantiya ko ay nasa mga late fifties.
"Talaga Doc?..okay lang ba ang baby namin?" masayang wika ni Lorenzo. Tumango ang Doctora.
"Yes..don't worry, bibigyan kita ng mga vitamins for her health and for the baby. Just make sure that she's free from stress and problems kasi usually nakakasama sa mag-iina ang ganyang mga factors." wika ng Doctora.
"B-bakit Doc?..b-buntis ho ba ako?" hindi ko napigilang tanong kaya napatingin ang dalawa sa akin. Maaliwalas ang mukha ni Lorenzo at nakangiti naman ang Doctora.
"Gising ka na pala Hyaceth..yes, you're three weeks pregnant and congratulations by the way. Magkakaroon na kayo ng anak ni Seniorito. I'm Doctora Gomez, your OB-gyne." Nakangiting wika nito at saka naglahad sa akin ng kamay. Napanganga ako at saka dahan-dahang inabot ang kamay nito at pagkatapos ay wala sa loob na nahaplos ko ang aking tiyan. There's an overwhelming feeling inside me. Siguro iyon yung feeling ng mga nanay na hinahaplos ang anak. Hindi ko alam pero bigla akong naluha. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa sinapupunan ko. There's a life inside my womb and the feeling is so great..sobrang saya ko.
"Paano Seniorito, uuwi na ako at saka wag mong kalimutan ang bilin ko para sa mag-iina mo." wika ni Doctora. Tumango naman si Lorenzo at saka ngumiti at kinamayan si Doctora.
"Ipapasundo na kita kay Edgar." wika ni Lorenzo. Tumango naman si Doctora at saka maya-maya pa ay inihatid ni Lorenzo si Doctora palabas. Naiwan akong mag-isa at lumuluha pa rin.
"Baby..I'm your Mom and don't forget me anak kahit mawala man ako sa tabi mo kapag lumaki ka na." napahikbi ako. Hindi ko maiwasang isipin na pagkatapos kong manganak ay kukunin ang anak ko sa akin..kukunin siya ng ama niya. It literally breaks my heart bilang isang ina. Sino ba naman ang matinong ina na ipamimigay na lang basta ang anak niya?wala..at gusto kong ipaglaban ang magiging anak ko. Mabilis na nakabalik si Lorenzo sa kwarto at saka niyakap ako.
"We're going to have a baby Hya..and I'm so happy dahil sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap ko..ang pangarap kong magkaroon ng anak and thank you for giving me this." wika nito sabay haplos sa tummy ko. Tinitigan ko siya at hindi pa rin umampat ang luha ko.
"L-Lorenzo...I dream this too..pareho tayo ng pangarap..pangarap na magkaroon ng anak na makakasama sa pagtanda ko... Remember our first night?desperada na ako nun na magkaanak so I tempt you para makabuo man lang ako dahil naisipan kong ayokong magkaasawa. Takot ako..takot ako na makapag-asawa ng tulad ng kinagisnan kong pamilya...k-kaya napagdesisyunan ko na magkaroon ng anak na makakasama habang buhay..yung anak na magmamahal sa akin at mamahalin ko ng lubos. But right now, you stole everything from me..my dream, my life and now you're going to take my baby away from me..you literally breaks me into million pieces Lorenzo." napahikbi ako ng tuluyan. Na-freezed ang ngiti niya kanina habang tinitigan ako.
"H-Hya.." sambit nito. Humiga akong muli at saka tumalikod sa kanya. Tumutulo pa rin ang mga luha ko dahil nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
"Wala akong karapatang magreklamo dahil nasabi ko na ang desisyon ko diba?..wala akong karapatang magreklamo dahil kahit saan ako tutungo at kahit na anong takas ko sayo ay mahahanap at mahahanap mo ako and worst natatakot ako na baka saktan mo ang pamilya ko dahil kahit hindi maganda ang pagsasama namin ng pamilya ko ay mahal na mahal ko pa rin sila." wika ko at patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Pinahid ko iyon at saka pasigok-sigok. Naramdaman ko ang pagkilos niya at saka nanigas bigla ang likod ko when he cuddled me while his free hand touches my tummy.
"Psshhhh..I'm sorry..I'm sorry for hurting you..narinig mo naman ang sinabi ng OB-gyne mo diba na bawal kang ma-stress dahil nakakasama yan sa baby..Hya, ayokong may mangyaring masama sa inyo ng anak ko. I know I'm heartless to you but I can care you in other way..napag-usapan naman natin to diba?" wika nito. Napapikit ako. I wished it could be that easy to deal. Marahan akong tumango.
"Tama ka because you didn't feel what I felt this time..It's a part of me breaking Lorenzo at hindi sayo." wika ko at saka hindi na umimik. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Hindi na rin ito umimik. Natulog na lang akong muli dahil pakiramdam ko ay inaantok na naman ako.

************************

Matulin na lumipas ang mga buwan hanggang sa umabot na ng four months ang tiyan ko. Hindi naman nagkulang si Lorenzo sa pag-aalaga sa akin at sa magiging anak namin. Sa tingin ko nga ay magiging mabuti siyang ama sa anak namin. Unti-unti kong nakilala ang ibang side niya pero nanatili pa rin kami sa isla at sa tingin ko ay mukhang matatagalan pa ako rito sa isla. Bumalik na rin sinAlung Faustana at laking gulat nito nang malama na buntis ako at si Lorenzo ang ama. Hindi raw siya makapaniwala pero masaya siya para sa aming dalawa ng amo niya. Hindi niya alam na wala naman talaga kaming relasyon ni Lorenzo ngunit hinayaan lang siya ni Lorenzo na mag-isip ng ganun.
"Seniorito, twins po ang magiging anak niyo at ang gender ng anak niyo ay lalaki at saka babae. Naku, congrats sa inyong dalawa." wika ni Doctora Gomez. Inultrasound kasi niya ako para malaman ang gender ng magiging anak ko and thanks God, they're safe. Hindi ko akalain na kambal ang magiging anak ko and I can't wait to see them.
"Really?..I can't wait to see them Doc." masayang wika ko. Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko at saka nakangiti.
"Me too Doc..hindi na ako makapaghintay na makita ang magiging mga anak ko." wika nito. Napatingin ako dito at kitang-kita ko ang kasayahan sa mga mata niya na hindi ko nakita noong una naming pagkikita. This babies changed a lot of him at masaya ako na may kalakip na lungkot. Masaya ako dahil nakikita ko ang mga pagbabago sa mga ugali ni Lorenzo na hindi ko nakikita at nararamdaman noon nung hindi ko pa ipinagbuntis ang kambal namin at malungkot ako dahil alam kung malapit na ang panahon na ilalayo niya ang mga anak ko sa akin at pakiramdam ko ay yun na yata ang sandaling ikamamatay ko at natatakot ako na darating ang panahong iyon.
"Meron pang five months na haharapin niyo para makita niyo na ang kambal." masayang wika ni Doctora. Ngumiti ako at ganun din si Lorenzo. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang Doctora at saka inihatid iyon ni Edgar na piloto ni Lorenzo at pagkatapos ay naglakad-lakas kami sa may dalampasigan habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Nasasanay na ako sa presensiya at pag-alaga sa akin ni Lorenzo at minsang nakakalimutan ko na anak lang ang gusto niya sa akin at wala ng iba pa. I wonder how it will end for us. Sa totoo lang ay natatakot na ako. Natatakot na akong bumalik sa kung ano ako--mag-isang namuhay at malungkot. Naitatanong ko na sa sarili ko kung ano na ang magiging bukas na haharapin ko pagkatapos ng lahat.
"L-Lorenzo..p-pwede bang humingi ng pabor?" huminto ako at saka humarap dito.
"Hmmm?ano yun?" wika nito at saka hinawakan ang bulging tummy ko.
"P-pwede bang bisitahin ko ang pamilya ko?k-kahit sandali lang?" alanganing wika ko. Nag-iba ang expression nito sa mukha na para bang may galit siya sa pamilya ko.
"I'm sorry Hya pero hindi ko magagawa yun." matigas na wika nito. Nanlumo ako at saka nasasaktan sa sinabi niya.
"P-pero bakit Lorenzo?pamilya ko sila and I want to see them!" hindi ko napigilan ang pagiging emotional. Napatiim ito.
"Tama ka..pamilya mo sila Hya pero naging pamilya ba sila sayo?..naaalala mo sila palagi but do you think they're still remembering you? O baka naaalala ka lang nila kapag gusto nila ng pera para pangtustos sa bisyo at sugal nila?!" mariing wika nito. Napamaang ako. Paanong?
"I was there..pinuntahan ko ang pamilya mo sa probinsiya niyo at alam ko ang pamilyang kinabibilangan mo Hya. Kaya ka nga lumayo diba para hindi ka matulad nila at para may mapatunayan ka sa sarili mo na iba ang pananaw mo sa buhay?!..I'm sorry, but I can't afford to see you in that family na nasasaktan!" wika nito. Napatulo ang luha ko. Pinaimbistigahan ba niya ang pamilya ko kaya niya alam ang totoong dahilan ng paglayo ko?
"Bakit mo ba to ginagawa sa akin Lorenzo?kung ano man ang sitwasyon namin ng pamilya ko ay labas ka na doon!..they're still my family Lorenzo!..bakit ang selfish mo?!" wika ko at saka napakuyom ako ng mga palad.
"Dahil hindi sila karapat-dapat sa pagmamahal mo Hya..hayaan mo silang matuto at magkaroon ng direksyon sa buhay para malaman nila ang halaga mo..Ayokong bumisita ka sa kanila dahil ayokong madamay ang magiging mga anak natin." wika nito. Napahikbi ako ng tuluyan. A part of me is still breaking..at wala akong magawa.

Inocente Amor ( Innocent Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon