Chapter 21- Unexpected

9.4K 221 1
                                    

LUMIPAS ang mga araw at sa abot ng aking makakaya ay iniiwasan ko si Lorenzo na makausap. Hindi ko pa kasi siya kayang kausapin. Ang hirap na iwasan siya lalo na kung nasa iisang bahay lang kayo. Nag-uusap naman kami tungkol sa pangangailangan sa bahay at sa kambal pero kapag personalan na ay iniiwasan ko yun. Natatakot ako...natatakot ako na malaman ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
"Ma'am! Ma'am!s-si S-Seniorito po!.." papungas-pungas na wika ni Yaya Grasya. Agad akong napahinto sa ginagawang paglilinis ng crib ng mga anak ko. Kinakabahang napaharap ako dito. Sa pagkakaalam ko ay nasa hospital ngayon si Lorenzo dahil may duty siya ngayon.
"Bakit Yaya?Naano ang Seniorito mo?" Agad na tanong ko dito. Namumutla ito kaya hindi ko maiwasang kabahan ng husto.
"Ma'am tumawag ho si Donya Luisa at ang sabi niya po ay pumunta ka raw ng hospital dahil nabaril ho si Seniorito Lorenzo at kritikal ho ang kalagayan niya." Wika nito. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa narinig. Pakiramdam ko ay nanghihina ako. Kinakabahan na natatakot na hindi ko alam..basta I felt something pain in my chest. Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako makapagsalita. Pilit kong inaabsorb sa utak ko ang sinabi sa akin ni Yaya Grasya. Oh God wag mo pong pababayaan si Lorenzo. Nanginginig ang mga kilos na nagbihis ako.
"Yaya Grasya, bantayan mo ng maigi ang kambal. Magpapadala ako rito ng isang katulong mula sa malaking bahay para may kasama ka sa pagbabantay sa mga anak ko." Lumuluhang bilin ko dito. Nag-alalang tumango ang Yaya at ilang sandali pa ay hinalikan ko na ang mga anak ko at nilisan na ang bahay. Nagpahatid na ako sa driver ng malaking bahay at pinadala ko na rin sa bahay ang isang katulong para makakasama ni Yaya Grasya. Gusto ko sanang isama ang mga anak ko sa hospital kaso ay bawal ang mga anak ko dun. Hindi pa rin umampat ang mga luha ko sa kaiiyak. Para bang half of my body ay sumasakit. Ang daming pumapasok na possibilities sa isip ko. Naiisip ko pa lang na mawawala si Lorenzo sa aming mag-iina ay para na akong mababaliw. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya ang mawala siya sa tabi naming mag-iina.
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa hospital. Halos liparin ko ang Operating room kung saan si Lorenzo.
"Hya, umupo ka muna. Inooperahan pa si Lorenzo." May biglang humila sa akin at nakita ko si Donya Luisa na nag-alala ang mukha. Lahat naman pala sila ay nasa labas ng OR naghihintay. Hindi ko napansin dahil okupado ang isip ko kay Lorenzo. Napahagolhol na niyakap ko si Donya Luisa. Nakatingin lang sa akin sina Don Franko, Seniorito Alejandro at Seniorito Miguel. Wala ang mga asawa nila at wala rin ang dalawa pang kapatid ni Lorenzo marahil hindi pa alam ng mga ito ang kalagayan ng kanilang kapatid.
"O-okay lang ba siya?..N-natatakot ako Donya Luisa..natatakot ako para kay Lorenzo." Wika ko. Hinagod nito ang likod ko.
"Alam ko..lahat tayo ay natatakot para sa kanya. Ipagdasal na lang natin ang kalagayan niya. Sana malampasan niya to." Wika ng Donya. Tumayo si Don Franko.
"Managot sa akin ang walang hiyang bumaril at nagpabaril sa anak ko!.kailangan ko silang maparusahan sa kapangahasan nila!" Galit na wika ng Don. May kalaban ba ang pamilya nila?
"M-may kalaban po ba ang pamilya niyo?" Hindi ko napigilang itanong iyon kay Donya Luisa. Hinila niya ako at saka iniupo sa bench.
"del Rio kami Hya..kilala si Franko na malupit at mapangmata. Maraming mga tao ang nagtangka sa buhay namin. Hindi namin alam kung sino ang may pakana ng lahat ng ito." Wika nito. Naluluha lang akong nakikinig dito.
"Hindi kaya kilala ni Ate Dennise ang nagpabaril kay Kuya Enzo Kuya Alejandro?" Biglang wika ni Seniorito Miguel. Kumunot noo si Seniorito Alejandro.
"Imposible yang sinasabi mo Miguel. Malinis na ang pangalan ng buong pamilya natin sa tinatrabahuan dati ni Dennise dahil nalinis na niya lahat iyon dahil wala naman tayong kasalanan sa kanila." Wika nito. Balita ko kasi ay isang secret agent dati si Ate Dennise at target nila ang mga del Rio dahil sa pagkakapatay ng maraming civillians sa mismong lupa ng mga del Rio. Tila nag-iisip ang mga ito. Lahat sila ay hindi mapakali.
"Kung ganun..sino pa ba ang kalaban natin?sino ang nasa likod nito?" Wika ni Seniorito Miguel. Galit ang mukha ni Don Franko.
"Kapag nalaman ko kung sino ang gumagawa nito ay makakatikim sila ng bangis ko!.mga duwag sila kung bakit kailangan pa nilang magtago!..bakit hindi nila ako kayang harapin?!.nagkamali sila ng kinalaban mga hayop sila!!..padadagdagan ko ang securities sa Villa. Magpadala rin ako ng body guards dito sa hospital nang sa ganun ay hindi tayo malulusutan ng kalaban." Galit na wika ni Don Franko. Nakakatakot ito kung magalit. Natatakot rin ako para sa kaligtasan naming lahat. Kung ganun pala ay hindi sila basta-basta lang makagala sa kahit saang lugar?
"Franko huminahon ka..wag na muna nating isipin ang kalaban natin. Isipin muna natin ang kalagayan ni Lorenzo sa ngayon." Nag-alalang wika ng Donya. Napabuntong-hininga na umupo ulit ang Don. Naghintay kami ng ilang oras at pakiramdam ko ay bumabagal ang takbo ng bawat minutong gusto kong malaman ang kalagayan niya. Impit akong nagdarasal na sana ay okay lang siya.
"Donya Luisa, saan ho ang tama niya?" Hindi napigilang tanong ko.
"May tama siya sa ulo at sa kaliwang binti." Wika nito. Napatakip ako sa aking bibig.
"Oh my God!.," sambit ko. Sana magiging ligtas rin si Lorenzo. Sana lumaban siya at malampasan ang lahat ng ito. Oh God bakit si Lorenzo pa?marami namang may mga halang ang kaluluwa sa mundo na pwedeng barilin..bakit siya pa? Hinawakan ni Donya ang kamay ko. Tumulo ulit ang luha ko dahil sa labis na pag-alala para kay Lorenzo.
"We'll pray for Lorenzo hija..na sana magiging okay rin ang lahat." Wika nito. Tumango ako. Ilang sandali pa ay lumabas ang doctor sa operating room. Iyon yung doctor na kaibigan ni Lorenzo. Agad kaming napatayo lahat.
"Brando, how's my son?" Agad na tanong ni Don Franko. Mahigpit akong hinawakan ni Donya Luisa. Kinakabahan ako ng sobra at pakiramdam ko ay anumang oras ay magko-collapse na ako. Malungkot ito na nakatingin sa amin at natatakot ako na sa oras na magsalita siya ay baka iyon na ang pinakamasamang balita para sa aming lahat.
"Don Franko, nakuha na po namin ang bala sa binti at ulo niya pero masyadong sensitive po ang ulo natin kaya nagka-coma ho siya." Wika ng doctor.
"What?!!" Halos magkapanabay na sambit ng mag-amang del Rio. Kami naman ni Donya Luisa ay impit lang na napaiyak. Napakuyom ang isa kong kamay.
"M-magiging o-okay rin ba siya Doc?" Hindi napigilang tanong ko. Bumuntong-hininga muna ito at saka tumango. Alam kong malungkot din ito dahil sa kalagayan ng kaibigan niya.
"Ipagdasal na lang natin si Lorenzo na sana magigising pa siya." Wika nito. Napakagat-labi ako. Niyakap ako ni Donya Luisa.
"Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo Brando para kay Kuya Enzo." Hindi mapakaling wika ni Seniorito Miguel. Tumango naman ang Doctor. Kinuha ni Seniorito Alejandro ang kanyang cellphone at saka may tinawagan.
"Gawin niyo ang lahat mahanap lang ang walang hiyang bumaril sa kapatid ko!..dead or alive iharap niyo siya sa akin kung sino mang pontio pilatong gumawa nito sa lalong madaling panahon!" Galit na wika nito sa kausap at saka ibinaba ang phone.
"Sa ngayon po ay ililipat na namin si Lorenzo sa private room po at pwede saka lang po siya pwedeng puntahan." Wika ni Brando. Nanghihinang napaupo ako sa bench at kagat-kagat ang labi na umiiyak. I want to see him. Gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kanya na lumaban siya. Inalo ako ni Donya Luisa.
Hinintay namin ang pag-transfer kay Lorenzo sa private room. Pagkatapos ma-itransfer si Lorenzo ay agad kaming pumasok sa private room nito and there I saw him. May mga nakakabit sa katawan niya. Walang malay na tila ba nakadepende ang buhay niya sa mga machines na nasa paligid niya. Humagolhol ng iyak si Donya Luisa na mabilis na nakalapit sa anak.
"Anak! Sino ang gumawa sayo nito?sino?" Wika nito habang umiiyak. Napamura ang Don.
"Magbabayad ang sino mang gumawa nito sa anak ko! Pagbabayaran nila ang kahayupang ginawa nila!" Galit na wika nito. Hindi ko kinaya ang ganung tagpo kaya mabilis akong lumabas habang umiiyak. Sinundan ako ni Seniorito Miguel.
"Hya, where are you going?" Nag-alalang tanong nito.
"H-hindi ko kayang makita siyang ganun Seniorito. Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinapatay. Nahihirapan ang kalooban ko." Wika ko. Napalunok ito at saka napahilamos ng mukha.
"Nahihirapan din kami Hya na makita siyang ganun. Lahat naman tayo dito ay nalulungkot sa nangyayari kay Kuya. Tatagan mo ang loob mo para sa mga pamangkin ko." Wika nito. Umaalog ang balikat ko.
"Gusto kong mapag-isa. Iwan mo muna ako." Wika ko. Tinitigan lang niya ako at saka tinapik ako sa balikat. Pagkatapos ay iniwan niya ako. Dinala ako ng mga paa ko sa mini-chapel ng simbahan. Umiiyak na lumuhod ako sa harapan ng deboto.
"Lord, alam kong wala akong karapatan na humingi sayo ng kahit na ano p-pero hindi ko kayang mawala si Lorenzo sa buhay ko..bakit ang bilis naman ng pangyayari?.. I know he's heartless to me at pinahirapan niya ako dati pero napatawad ko na siya. Lord, sa halos isang taon na pagsasama namin ay naramdaman ko na may kabutihan din sa puso niya. He's a good father to our kids at hindi niya ako pinabayaan..palagi siyang nandiyan para sa akin..sana naman po ay iligtas niyo po siya at malampasan niya ito at gisingin niyo po siya. Hindi pa po ako handa na mawala siya sa amin ng mga anak ko..hindi ko pa po naipakita sa kanya na mahalaga siya sa akin. Alam ko pong mali pero feeling ko ay mahal ko na siya Lord and please give him another life para maipadama ko sa kanya ang pagmamahal ko.. Please po...please I'm begging to you. I'll promise that I'll be good to him..aalagaan ko siya." Sambit ko at saka humihikbi ng iyak. Alam kong nalilito ako nitong mga nakaraang araw sa nararamdaman ko para kay Lorenzo at kanina nung malaman kong nabaril siya ay natatakot ako..natatakot ako na mawala siya sa akin. Hindi ko naiimagine yung sarili ko kasama ang kambal na wala siya sa tabi namin. Takot na takot ako sa posibling mangyari kay Lorenzo at dun ko narealized at napangalanan ang damdamin ko para sa kanya...that I love him..I love him so much at kaya kong ibigay ang lahat sa kanya. I don't know why I love him this way but there's no reason to love. This is unexpected feelings that grows in my heart...at unexpected din na mangyayari to sa mahal ko..sana ay magiging okay din si Lorenzo.

Inocente Amor ( Innocent Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon