Chapter 20- Malapit Na

9.3K 247 5
                                    

"Hya! Come here hija." tawag sa akin ni Donya Luisa pagkapasok ko ng mansiyon. Hindi agad ako pumasok sa sala kanina. Nag-iipon na muna ako ng lakas ng loob at maraming hangin sa katawan ko para mawala yung sobrang inis ko kay Lorenzo. Nasa malaking sala sila kasama ang dalawang bisita. Sila yata yung magulang ng malanding babaeng kasama ni Lorenzo kanina. Pilit akong ngumiti. Nagyuko ako ng ulo sa kanilang harapan.
"Magandang araw ho sa inyong lahat." Bati ko sa mga ito. Ngumiti naman ang mga ito.
"Luisa, who's her?" Agad na tanong ng babaeng bisita na kasing edad din ni Donya Luisa. Ngumiti ang Donya.
"By the way kumare, kumpadre si Hyaceth Cuevas, siya ang ina ng mga apo ko kay Lorenzo. Hya, si Kumpadre Agusto at Kumareng Delia, mga kaibigan ko sila." Si Don Franko ang nagpapakilala sa akin sa kanila. Ngumiti ako.
"Hi po.," wika ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng babae.
"Bakit Cuevas?hindi pa ba sila kasal ni Lorenzo?" Tanong ng babae. Gusto kong iikot ang mga mata ko sa ere. Umiling si Don Franko.
"Hindi sila kasal ni Lorenzo pero nagsasama na sila sa iisang bahay kasama ang mga apo ko. Ayokong makialam sa ngayon sa desisyon nilang dalawa." Wika ng Don. Umismid ang babae.
"Hindi ko alam na pumapayag ka na ngayon na hindi makasal ang mga anak mo kumpadreng Franko. Dati ay hindi mo pinapayagan na hahantong sa ganyan ang mga anak mo. Kawawa ang mga apo mo." Komento ng lalaking kumpadre ni Don Franko. Hindi nakaimik ang Don at Donya at panay naman ang pagtaas ng kilay ng matandang kumare. Kung wala lang talaga akong respeto sa mga matatanda ay malamang kanina ko pa to sinabutan. Manigas ka dahil hindi ang anak niyo ang pakakasalan ni Lorenzo.
"Kawawa ka naman pala girl. Kung makaasta ka ay pagmamay-ari mo na si Lorenzo..na para bang nakatali na siya sayo eh yun pala ay wala ka naman palang karapatan sa kanya kahit na katiting. INA ka lang pala ng anak niya." Biglang may nagsalita sa likuran namin at pumapalakpak pa. Idiniin talaga ang pagkakasabi nito na ina lang ako ng anak ni Lorenzo. Napalingon kaming lahat at nakita namin ang nakangising si Janna. Kapapasok lang din ni Lorenzo karga si baby Himeros na tumahan na sa kaiiyak. Nakita ko naman ang pagngisi ni Mrs. Delia sa tinuran ng anak.
"Hija Janna, what happened?" Takang-tanong ni Donya Luisa. The woman rolled her eyes. Ang kapal lang ng mukha niya. Akala mo hindi Donya ang kausap niya. Ang sarap talagang ingudngod sa asin ang mukha niya.
"Wala Tita Luisa..nag-usap lang naman kami ni Lorenzo sa garden nang dumating ang mahaderang babaeng iyan dala ang anak ni Lorenzo at saka hindi na nahiya na ibigay ang umiiyak na bata kay Lorenzo. She said dirty words to me. Akala mo pinakasalan eh yun pala live in partner lang pala. Napaka-ambisyosa mo naman girl. Look at yourself. As far as I remember, you're not Lorenzo' type. Ang layo mo sa standards niya." Nang-uuyam na wika ng babae. Napakuyom ako at napatagis ng ngipin. How dare her na ipamukha sa akin ang katotohanan na wala akong karapatan kahit na katiting?bakit masakit marinig ang katotohanan?..parang dinurog yung puso ko. Napasinghap si Donya Luisa. Tumayo naman ang ina ni Janna at inalo ang bitch na babaeng iyon.
"Janna stop that!" Wika ni Lorenzo. Seryoso ang mukha nito at saka lumapit sa akin. Napatayo naman ako at kinuha si baby Hemera kay Donya Luisa.
"Bakit Lorenzo?Sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo..wala naman akong ginagawang masama ah." Wika ng bitch. Napahugot ako ng malalim na hininga. Hinawakan ako ni Donya Luisa sa kamay.
"Yes tama ka. Hindi kami kasal ni Lorenzo and I'm just the mother of his kids but I have the right because he owned me Janna..body and soul..and I think that's enough to prove you that I have the right. Pagmamay-ari niya ako at pagmamay-ari ko rin siya hindi dahil sa anak namin o kung ano pa man!.,Hindi lang kasal ang pruweba na may karapatan ka sa isang tao Janna, as long as you owned them then you have all the right to them at iyan ang ipaglalaban ko. Excuse me." Wika ko at saka tinalikuran sila na hindi nakaimik. Lumabas ako ng mansiyon karga si baby Hemera at saka inis na inis na naglalakad pauwi sa bahay ni Lorenzo sa Villa.
"Hya wait!!" Tawag sa akin ni Lorenzo. Sumunod pala siya sa akin habang karga pa rin si baby Himeros. Hindi ko siya nilingon. Mabilis ang mga lakad na tinatahak ko ang daan pauwi. Hindi naman kasi masyadong malayo ang bahay ni Lorenzo sa mansiyon kaya mabilis kong narating ang bahay. Agad kong inilagay si baby Hemera sa crib at saka napahinga ako ng malalim. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at sigurado ako na si Lorenzo yun. Inilagay niya si baby Himeros sa crib at hinarap ako. Seryoso ang mukha nito.
"Why the hell did you said that to them?..galit na galit yung parents ni Janna." Wika nito. Tiim ang bagang na hinarap ko ito. Bigla ko siyang sinampal.
"What the hell is wrong with you?!" Galit na ring wika nito habang sapo ang pisnging sinampal ko. Tumulo ang mga luha ko.
"Putang ina ka Lorenzo! Putang ina ka!..what have you done to me?!..get out in my system! Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin!!. Kagabi lang ay sinabi mo sa akin that you owned me..body and soul Lorenzo! at hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa babaeng iyon nang makita kong hinaplos ka niya sa mukha at nalaman kong muntikan na pala kayong ikasal dati!..hindi ko alam kung bakit parang may masakit sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan dahil wala naman talaga akong karapatan sayo! I hate you!.. Hindi pa ba sapat na kaya mong kontrolin ang katawan ko at ngayon naman ay kokontrolin mo ang nararamdaman ko ha?!" Inis na wika ko at saka pinagbabayo siya sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Lorenzo sa katauhan ko at ganito na lang katindi ang pagseselos ko sa babaeng iyon! Hinuli niya ang kamay ko at saka titig na titig ito sa akin na nakakunot noo. I was crying so hard.
"A-are you jealous Hya?Are you in love with me?" Biglang tanong nito na ikinahinto ko. Titig na titig ako sa mga mata niya at napamaang ako. Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko sa katanungang iyon. Bigla kong pinakiramdaman ang puso ko. Mahal ko ba siya? Mahal ko na ba si Lorenzo kung kaya't ganun na lang ang pagseselos ko at ganun na lang ako nasaktan nang sabihin sa akin ni Janna na wala akong karapatan kay Lorenzo? Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya. Nalilito ako. Basta ang alam ko lang ay nasanay na ako sa tabi niya and I like him the way he touches me, the way he kisses me and the feeling of him inside me. Para bang hindi ko na napipicture out ang buhay ko nang wala si Lorenzo sa tabi ko. Napahagolhol ako ng iyak at niyakap ang sarili na naupo sa kama. Umiiling ako. Napahilamos ng mukha si Lorenzo at saka nagpalakad-lakad ng pabalik-balik.
"N-nalilito ako Lorenzo.. Hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko para sayo. Iyong pakiramdam ko na sinira mo ang pangarap ko at ang kinabukasan ko at inagaw mo pa sa akin ang pagkakaroon ng anak.. Lahat ng ginawa mong kahayupan sa akin noon ay unti-unti ng natutunaw sa puso ko. Unti-unti ng nawawala ang galit ko and I hate myself dahil bigla na lang natunaw yung lahat ng galit sa puso ko na itinanim ko para sayo..and I hate you because of what you did to me." Nanghihinang wika ko. Tiningnan niya ako at ni Hindi ko mabasa kung ano ang laman ng isip niya. Napapailing na tinalikuran niya ako. Napahagolhol ako ng iyak. Tiningnan ko ang mga anak ko. They're innocently looking at me at saka itinataas ang mga kamay nila. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi na baleng hindi ako mahal ni Lorenzo dahil nandito naman ang mga anak ko. Mas mahal ko ang mga anak ko kaysa sa kahit na anong bagay na nandito sa mundo. Hindi ko pa alam kung pagmamahal na ba talaga ang nararamdaman ko para kay Lorenzo. Hindi pa ako sigurado. Kailangan kong pag-isipan ng maigi ang nararamdaman ko. Ayokong masaktan ng sobra. Nasasaktan na nga ako ngayon na hindi ko pa maamin na mahal ko siya paano pa kaya kung aaminin ko na sa sarili kong mahal ko siya? Baka dumoble ang sakit at natatakot ako na baka hindi ko kakayanin. Pinahid ko ang aking mga luha at saka kinarga ang mga anak ko.
*************************
Wala sa sariling naglalakad ako sa Villa. Pinag-iisipan kong mabuti ang sinabi ni Hya sa akin. Baka inlove na siya sa akin? Hindi ko mapigilang itanong iyon sa kanya. Kitang-kita ko kung gaano siya nagseselos kay Janna kanina and a little part of me is so proud of her dahil sinabi niya mismo sa harapan ng mga magulang ko at sa ibang tao na pagmamay-ari ko siya at pagmamay-ari niya ako. Hindi ko maiwasang mapangisi. Good thing she know that I am very territorial just like Papa at hindi ko alam na gagayahin niya ako sa pagiging territorial ko. Iniisip ko kung may nararamdaman ba ako para kay Hyaceth at hindi ko makapa ang sagot. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Kuya Lorenzo! Hoy Kuya!" Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Nakita ko ang nakangising si Aira. Napahinto ako. Medyo halata na ang umbok na tiyan nito.
"Ikaw pala Aira.. May kailangan ka?" Tanong ko. Tinitigan ko siya at pilit na hinahagilap sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya pero bakit hindi ko makapa?..
"Ano bang nangyayari sayo at naglalakad ka na parang wala sa sarili mo?..kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero parang hindi mo naman ako naririnig. Mukhang malalim ang iniisip mo ah!." Wika nito. Napatawa ako.
"Nagkatampuhan lang kasi kami ni Hya. Alam mo namang kayong mga babae masyadong moody." Wika ko. Napahagikhik ito. She's so cute.
"Kuya, parang hindi ka naman sanay sa mga babae. Ang dami na kayang babaeng dumaan sa buhay mo at normal lang yata talaga sa babae na pa-iba-iba ng mood. Pakasalan mo na kasi si Hya kuya para magiging okay na ang lahat at magiging legal na kayong matatawag na pamilya ng mga anak ninyo." Wika nito. Napailing ako.
"Kung makapagsalita ka naman ay parang ganun lang kadali ang lahat. Hindi ko nga alam ang nararamdaman ko para sa kanya and I don't even love her." Wika ko. She rolled her eyes.
"Hindi mo alam ang iyong nararamdaman o ayaw mo lang malaman?..paano mo nasabi na hindi mo siya mahal Kuya?naisip mo na ba o napipicture out mo na ba sa sarili mo na wala si Hya sa tabi ninyong mag-aama pagdating ng araw?" Wika nito. Natahimik ako at saka pinag-isipan ang tanong niya. Kung wala si Hya sa aming tabi ng mga bata ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Para bang kulang?
"Hindi naman minamadali ang lahat Aira.. Bakit? Ikaw ba ay minamadali ni Miguel noon?" Wika ko. Tumaas ang kilay nito.
"Hindi ko naman minamadali ang lahat noon pero naghintay pa rin siya..kaya nga true love is always worth the wait eh." Wika nito na nakangiti. Halata sa kilos nito kung gaano ito kasaya.
"Eh kung naghintay ako sayo noon Aira, posible bang pipiliin mo ako?" Hindi napigilang tanong ko. Napatigil ito at nawala bigla ang ngiti nito.
"Kuya, kahit na gaano ka pa hintayin ng taong nagmamahal sayo pero ang puso mo ay hindi mo kayang ibigay sa kanya ay mauuwi rin ang lahat sa wala. Hindi napipilit ang puso kuya. Learn to accept defeat Kuya dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay nakukuha natin kung ano ang gusto natin. Diyan lang tayo natututo sa pagkatalo natin. Kuya, matagal ko ng sinasabi sayo na mag-move on ka na at iyan pa rin ang sasabihin ko sayo hanggang ngayon. Bakit hindi mo ituon ang iyong sarili sa mga bagay na ibinigay ni God sayo na inilatag niya sayong harapan?..doon ka lang tunay na magiging masaya kapag tinatanggap mo ang iyong pagkatalo at makapag-move on ka na." Wika nito at saka hinawakan ang kamay ko.
"Kahit araw-arawin ko ang paghingi sayo ng sorry Kuya ay gagawin ko basta makita lang kita na nakapagmove on na." Wika nito. Hindi ako nakaimik. Nginitian niya ako bago tinalikuran. Tinatanaw ko ang paglayo niya at napahinga ako ng malalim.
"Malapit na Aira..malapit na at alam kong konti na lang ay mawawala ka na sa sistema ko." Sambit ko at saka napahilamos ng mukha na bumalik sa bahay.

Inocente Amor ( Innocent Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon