Dae's POV
Nasa Parking Lot na ko, kukunin ko na yung kotse ko, pero ago tuluyang sumakay sa kotse ko at umuwi, tinignan ko muna ang aking sexyng selepono ko. Maraming nagtxt pero isa lang ang binuksan ko yung kay Brianna.
1 message received from
Brianna Simpson
~Oy, shopping tayo pag uwi ah, hayain mo sila. Nga pala wag mong sabihin kay Troy, may topak. Txt mo ko kung gusto mo!~At ngayon naiintindihan ko na kung bakit pinagsukluban ng langit at lupa ang mukha ni Brianna. At sya din pala ang nagtxt kanina.
Pumasok ulit ako sa school, pagpasok ko agad na hinanap ng mga mata ko kung nasaan ang nag iisang Brianna, at di nga ako nabigo nakita ko sya sa isa sa mga bench na kala mo'y may iniintay. Dumeretso ko palapit sa kanya.
"Brianna, tara na!", painosente kong yaya sa kanya.
"Hah? Saan?", kunwaring nagtatakang tanong nya.
"Di ba nag aaya ka?"
"Ah, kala ko naman hindi kayo sasama sakin e, kung di kayo pumayag naku! talagang magtatampo ko sa inyo. As in tampo talaga!", ani niya na animong may hinahampas hampas.
"E nasaan na ba sila Precious at Stacy? Bilisan nyo ng maaga aga tayong makauwi, di ako nakapagpaalam kay Manang e!", dagdag ko pa habang palinga linga.
"Eh?"
"Ay oo nga pala sakin mo pala pinapasabi hehe! Nakalimutan ko e, ikaw na tumawag sayang load haha di pa naman ako naka unli.", mahabang paliwanag ko na pakamot kamot pa sa ulo.
Di na sya sumagot, imbes kinuha nya na ang kanyang phone. Sayang naman kase talaga e.
Brianna's POV
Akala ko di sila tutupad sa usapan. Hha excited na kong mag shoppung, tagal ko din di nakapag shopping haha. Etong si Dae naman kung ano ano pa dahilan.
Dinial ko na yung number ni Precious, nakakailang ring pa lang e sinagot nya na.
"Nasaan kayo?", pangunguna ko.
"Nasa library kala kase namen ni Stacy nandito kayo ni Dae kaya namen kayo pinuntahan dito e ala naman pala kayo dito e", nanlalatang sagot nya.
"Mamatay ng nagtatanong! At pwede ba sa prisinto ka na magpaliwanag, nakakairita. No need to explain di mo rin naman ako nanay! Tss haha.", pagbibiro ko pa pero tinawanan nya lang din ako.
"Brianna naman e! Umiral na naman yang pagkabaliw mo!"
"O sya, sya. Pahaba na ng pahaba ang mga sinasabi mo di naman kailangan. Tara na nga!"
"Saan?"
"Sa mall, magshoshopping! Ayaw nyo ba?"
"Gusto namaen yan syempre, nasan ba kayo?"
"Malapit sa fountain, nasa may bench! Bi - - -", tignan moto? di pa man ako tapos magsalita binabaan na ko. Excited din tong isang to. Nilock ko na yung phone ko then binulsa ko tsaka humarap ako kay Dae na kanina pa nakatitig sakin.
"Oh? Ano papayag ba?", eto pa isang excited haha. Sabagay madalang na lang kameng lumabas na magkakasamahan netong mga nakakaraan.
"Ayun, excited na excited din haha", ecited din na sabi ko.
"Tara puntahan na natin."
"Hintayin na lang sila dito, sabi naman ni Precious e papunta na daw sila."
BINABASA MO ANG
Unang Mafall, Talo
FanficEvery fall it's broken! Hmm? Di pag naghagis ako ng bola mula sa secong floor e mababasag?