Chapter 03 [BABE daw]

12 0 0
                                    

Dae's POV

KINABUKASAN~

Grabe feeling ko may sakit ako, nanlalata ako, wala akong ganang tumayo. Pero kailangan lalo't may pasok pa kame. Nilagay ko ang unan sa mukha ko at akmang dadapa, iiglip muna ulit ako.

*TOK. . . TOK. . . TOK. . .*

"Ija, gising ka na ba? Anong oras na?", rinig na rinig ko ang tawag sakin ni manang pero di ko magawang idilat ang mga mata ko. Pero naramdaman ko na lang na naglalakad ako papuntang pinto at pinagbuksan ng pinto si Manang.

"Aba! Anak ano ba ang nangyari sayo at ganyan ang mata mo? Bakit di ka pa naliligo? Tanghali na!", tanong sakin ni manang na may hawak pang walis.

"Wala po ito Manang, at tsaka po tinanghali lang po ako ng gising.", walang ganang sagot ko na pumupungay pungay ang mga mata.

"Sige ija, kung hindi mo naman kayang pumasok e magpahinga ka na lang muna dyan", nasa tono ni Manang ang pag aalala.

"Kayo ko po ito Manang, medyo napuyat lang po!", tugon ko dito.

"O sya sige, sumulong ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo!", sabi nito habang mahinang tinutulak tulak ako.

Hindi ko na sinagot si Manang at dumeretso na ko sa closet para makakuha ng mga damit at dumeretso na rin ako sa cr.

Hanggang sa pagtapos ko sa pagligo wala pa rin akong gana, bumaba na ko para kumain pero wala pa ring nagbago at nadagdagan pa ata ang bigat sa nararamdaman ko. Nagpaalam na ko kay Manang na sa school na lang kakain at baka mahuli pa ko sa pang una kong klase.

Nagdrive na ko pero maya maya pa'y natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harap na ko ng school. Pinilit kong maging masigla dahil siguradong papaulanan ako ng tanong nung tatlo.

"Bakit ngayon ka lang? At bakit namumugto yang mga mata mo? Umiyak ka ba?", salubong sakin ni Brianna wala pa man ako sa upuan ko. Buti na lang pala ay wala ang teacher ko sa first subject.

"Napuyat lang ako sa pinapanood ko, at tsaka syempre natagalan pa ko sa pag papaganda ko.", pilit pinakalma ang sarili at binigyan sila ng pilit na ngiti.

Maya maya pa ay dumating na rin ang secong subject namin.

Discuss . . .

Discuss . . .

Discuss . . .

Break . . . . . .

Di na ko bumaba at pinauna na lang yung tatlo dahil 30 minutes break lang naman baka mahursh lang ako mamaya kaya umupo na lang ako at nagsuot ng earphone at nakinig ng music.
'Yeah! I love music <3'

Pero nangangalahati pa lang ako e may kumalabit na sakin pero pagtingin ko wala naman, kinabit ko ulit yung earphone at baka guni guni ko lang yung kanina pero maya maya ulit at kinakalabit ako at this time alam kong may nang iinis sakin at sigurado akong sya yun. Inis akong humarap sa kumakalabit.

"Hoy Tyler ano na naman ba ang gusto mo?", bulyaw ko sa kanya. Asarrr -.-

"Bakit inaano ba kita?", inosenteng tanong nya. Bakit kaya kanina hindi ko to napansin?

"Tss. Lumayas ka nga dyan", sigaw ko ulit sa kanya at tinulak ko pa sya. Tumalikod ako at tuluyan ng tinanggal ang earphone ko.

"Masungit na, sadista pa. Para namang walang pinag samahan.", bulong nya na pinarinig naman talaga sakin.

"Tigilan mo nga ako nakakabadtrip ka!", bulyaw ko ulit sa kanya.

"Huu, kinikilig ka lang e", nanunuksong sabi nya.

Unang Mafall, TaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon