Chapter 04 [Zesto and the chip cheaps]

24 0 0
                                    

Natapos ang klase nang hindi na ko nakapagconcentrate hanggang ngayon kase e natatawa pa rin ako dun sa tatlo.

Wala na kong ginagawa at tinatamad pa kong umuwi. Kaya pumunta ko sa favorite place ko. Sa lumang play ground. Kung saan madalang ang tao at walang naliligaw na mga bata.

Pumunta ko sa madalas kong tambayan ang mini house, medyo luma na yun pero parang may naglilinis nun samantalang wala nga ang pumunta dito e maglinis pa kaya pero paminsan minsan nililinis ko din to pag may time (^_^)v

Papasok na sana ko ng may nakita kong paa, bigla akong nakaramdam ng takot pero dahil sa malikot kong imahinasyon e gusto kong malaman kung ano ito o sino to?

"Hello po", imbis na lapitan e sumigaw na lang ako, mamaya multo yan e o kaya bangkay! Nakailang tawag na ko pero wala pa ring sumasagot.

Naghanap ako ng pwedeng pamukpuk at natagpuan ko ang dos por dos na kahoy kinuha ko ito at lumapit sa mini house.

"Kuya, kuya gumising ka dyan!", buhay naman si kuya kaso natutulog ata, hinahampas hampas ko sya gamit yung kahoy. Pero ayaw pa rin kaya mas linakasan ko pa. At boom ayun, gising si Kuya.

"Aray, aray! Ano ba? Who are you?", wow! Ingles spokining si Koya!

"Sorry, ayaw mo pa kaseng magising kaya po hinampas kita kala ko po patay ka na!", deretsong sagot ko dun sa lalaki.

Humarap sya sakin at "At bakit mo naman ako kailangang gisingin?", tanong ng napakagwapong pinag hahampas ko. Si Dylan lang naman pala yun e bwisit bakit ba nahampas hampas ko pa sya e.

"A-ah e kase dyan ako laging tumatambay e e ngayon di a-ako makatambay kase andyan ka!", nahihiya kong paliwanag.

"Ah okay, sorry! Ikaw pala yung lagi kong nakikita dito tuwing hapon?", nakangiti nya nang tanong.

"So, ikaw yung naglilinis dito minsan?", nakangiti ring tanong ko.

"Oo madalas kase kong matulog dito, e nakakahiya naman kung di ko lilinisin ikaw? Bakit ka laging pumupunta dito e wala namang katao tao dito?", tanong nya.

"Iyon nga gusto ko e yung tahimik at tsaka yung walang masyadong bata. Ikaw?", nakangiting tugon ko.

"Same. Tara upo tayo sa loob", yaya nya sakin na giniya ako sa loob. Yung mini house kasya mga tatlong tao kaso lang kailangang nakayuko.

Kinikilig ako sa sitwasyon namen, akalain mo yun may pagkakamukha din pala samin. Haha ang tagal ko ng hinahanap yung taong naglilinis lagi dito tas sya lang pala yun.

"Bakit naman, pumupunta ka dito? Wala ka bang kaibigan na makakasama sa ibang lugar?", paninimula ko, gusto kong malaman ang side nya.

"Sa totoo lang meron naman kaso ayokong masyadong malapit sa kanila baka kase masaktan ko sila.", sabi na napakalayo ng tingin.

"Ha? Panong masasaktan?", tanong ko.

"Mahabang kwento haha ikaw? Wala ka bang kaibigan?", natatawa nyang sagot, na halata mong iniba ang topic.

"Ah, ako? Yung mga kaibigan ko kase sa school e masyadong maiingay, hindi ka talaga mapapayapa dun sa mga yun, yung iba ko namang kaibigan puro music ang gusto kaya kailangan ding mag ingay.", mahabang paliwanag ko, di ko alam pero ang gaan gaan na ng pakiramdam ko kay Dylan. Di ko rin alam na magiging ganto kaming kalapit na nag uusap dati pangarap ko lang to, pero ngayon? Diba?

"So may banda kayo?"

"Parang ganon na nga! Haha, ako yung vocalist!", natatawang kwento ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unang Mafall, TaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon