Isipang malabo at magulo

21 0 0
                                    

Mga matang nakapikit

Nagiisip ng salitang magkatugma

Nagiisip kung saan maguumpisa

O kung paano ito sisimulan

Naghahanap ng inspirasyon

Pinapalawak ang imahinasyon

Upang makalikha ng isang obra

Na kayang palambutin ang puso

Puso ng isang taong bato

Ngunit ako'y hindi makabuo

Ng kahit ilang letra man Lang

Sapagkat sa isip ko

Napakaraming gumugulo

Tila ba isipan ko'y biglang lumabo

Pader na salita sa isipan ko

Bigla na lang Itong gumuho

Mga salita biglang nagtalo

Utak ko'y hindi na matino

Paano nga ba mananalo

Sa isipang malabo at magulo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FEELINGSWhere stories live. Discover now