Prologue

5 1 0
                                    

"You're 18 for Pete's sake! Lagi ka nalang nagtatago d'yan sa lungga mo! Paano ka nalang kung wala na kami ng mama mo? ¡Sal de tu habitación, ahora!" Malakas na sigaw ng ama ni Lucia habang pinapangaralan siya nito.


Nag-iisang anak lamang si Lucia at may pagkaintrovert ang dalaga. Nag-aalala ang mag-asawa para sa future ng kanilang anak dahil kahit sila ay nahihirapan makipag-usap sa kanya.  Parehong mga modelo ang mga magulang ni Lucia. Ang kanilang pamilya ay may modeling agency na nakabase sa España at ito ang kanilang negosyo. Sa larangang ito kilala ang pamilyang Felix, pero kung titingnan mo si Lucia ay parang hindi siya anak ng mga ito. Malayong malayo sa expectations. Expectations versus reality kumbaga.


Hindi katulad ng pangkaraniwang babae, siya ay yung tipo ng babaeng hindi mahilig sa mga girly stuffs. Hindi naman siya lesbian, hindi rin naman tomboy ang style niya. May katangkaran ang dalaga at nasa 5'6 ang height nito. Balingkinitan at mestiza. Kung tutuusin ay maganda naman ito ngunit hindi lang siya pala ayos.


"No." Mariing usal ng dalaga.


"Mygod, cariño! Hindi ko na alam kung anong gagawin natin sa anak nating 'yan." Naubusan na ng pagtitimpi at pasensya ang kanyang ama.


"Honey, what do you want us to do? Kapag hindi ka umayos ay ipapadala ka namin sa Auntie Leticia mo sa Pilipinas." Ani ng kanyang ina.


Ni minsan ay hindi pa nakakauwi ng Pilipinas si Lucia ngunit nakakapagsalita siya ng tagalog dahil ito ang kinalakihan niyang wika at ito rin ang kadalasang ginagamit ng mga magulang niya sa pakikipag-usap sa kanya. Primary days ni Lucia ay nakapag-aral pa siya kasama ang ibang mga estudyante ngunit nang siya ay umakyat na sa sekondarya ay nag home schooling nalang ang dalaga.


"Hell, no!" Sigaw niya at tumakbo papasok ng kanyang kwarto. Malakas niyang isinara ang pintuan at ang mag-asawa ay nagkatinginan nalang sa isa't isa at tila ba'y nawawalan na ng pag-asa.


Wala na silang ibang maisip na solusyon kundi ang ipadala si Lucia sa Pilipinas.


"She left us no choice." Ani ng kanyang ama.


"Voy a extrañar a nuestra hija." Malungkot na wika naman ng kanyang ina.


"Sa tingin mo ba ay mababago siya ni Leticia?" Tanong ng kanyang ama sa kanyang ina.


"I'm hoping, honey. We know Leticia, she can help our daughter."


"San mo ba ipinaglihi ang anak mo? Kay Sunako Nakahara?"


To be continued..

The Girl Next Door: What's in her closet?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon