Nakaupo si Jhonna sa pinakaunahan na upuan habang tuluy-tuloy ang seremonya ng graduation nila.
Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa tabi niya dahil blangko iyon, wala kasi si Clarence at 'yung pangako nilang dalawa na sabay silang tutungtong sa stage ay napako na.
Tanging mga magulang lang ni Clarence ang pumunta at kahit papa'no nakausap niya naman ito, nalungkot nga lang siya dahil lumipad na raw si Clarence patungong Boston.
Masakit para sa kanya na basta-basta nalang itong umalis, maski isang beses sa tatlong buwan hindi siya nito kinibo.
May isang beses pa na nilapitan niya ito pero bigla itong tumayo at lumabas ng room.
Sumisikip ang dibdib niya tuwing tinatalikuran siya niti pero tulad ng sabi ni Charles kailangan niyang bigyan ng space si Clarence, dahil batay sa salaysay ni Charles mahirap makamove-on si Clarence.
Sa loob din ng tatlong buwan na iyon tatlong beses siyang inaway ni Michelle dahil ang dating palangiting si Clarence ay naging cold person na.
Siguro nga ganoon ang isang tao, kapag nakaranas ng isang sakit mula sa taong importante sa kanila ay nagbabago.
"Ms. Levesque?"
Napalingon siya sa stage nang marinig ang boses ng principal nila.
"It's time for your speech" their principal said.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at umakyat ng stage.
"I know your not okay this past 3 months and I hope you'll be better after the grand ball" bulong sa kanya ng principal nang tuluyan siyang makaakyat at nakangiting tumango naman siya rito.
Huminga muna siya ng malalim bago humarap sa mga kapwa niya estudyante na magsisipagtapos.
"Isang magandang pagbati po mula sa ating mga bisita na dumalo sa isang napakahalagang seremonya ng ating mga buhay, sa mga guro na buong puso na ibinibigay ang lahat ng kanilang makakaya upang tayong mga estudyante ay magkaroon ng panibagong kaalaman at sa ating principal na narito sa ating harapan upang masaksihan at bigyan ng magandang alaala ang bawat mag-aaral ng St. Monica High School, sa mga magulang na naririto ngayon upang masaksihan ang isang munting pangarap ng kanilang anak at sa mga kapwa ko mag-aaral na buong pusong sinuong ang apat na taon upang makatuntong sa entabladong ito.
"Alam ko at alam nating lahat na hindi biro ang maging isang estudyante, mahirap para sa atin na harapin ang bawat pagsubok na hindi lang ang ating mga guro ang nagbibigay maging ang ating panginoon... Simula ng makatuntong ako rito sa St. Monica High School, alam ko na hindi ako naging palakaibigan, hindi ako nagkaroon ng maraming kaibigan tulad ng iba dahil sa ugali ko na straightforward pero wala akong pinagsisihan sa pagpasok ko sa eskwelahang ito" litanya niya.
BINABASA MO ANG
I Busted My Facebook Crush (COMPLETED)
Cerita PendekSHORT STORY Jhonna Levesque is a highschool student in St. Monica High School and the running valedictorian for their batch. Simula ng pumasok ito sa St. Monica ay tanging si Clarence lang ang naging kaibigan nito. No one wants to be her friend, not...