Danica's POV
"Danica Gurl!!!!!" Sigaw ni Ream. Yeah She's Creamy Katmhan. Ream for short. She's pure thai din actually at nakakagulat lang din dahil dito pala sya lumaki sa Pilipinas. So Super Fluent sya sa Filipino at minsan lang din syang mag bakasyo sa Thailand. I met her 4 years ago. In short, 4 years na kaming mag kaibigan.
At 4 years na din simula nung huli kong makita si Plawan..
I can't believe it. Mas tanga pa pala ako kay Ate Darika no? Kasi si Ate Darika, nabusted nya man si Kuya Dylan pero agad naman nya iyong nabawi kaya naging maganda ang ending nila. Actually kasal na nga silang dalawa at buntis pa si Ate Darika ngayon. 3 months. Samantalang ako? Binusted ko si Plawan. After that day, we never talked again. Kahit nung Graduation? Hindi nya ako kinausap or pinansin. Nalungkot ako. Nanikip ang dibdib ko nung mga panahon na yon. Akala ko malungkot ako dahil nawalan ako ng kaibigan pero hindi lang pala yon.
Nalungkot ako kasi iniiwasan ako ng taong mahal ko.
Napaka tanga ko dahil dun ko pa lang narealize yon kung kelan wala na. Huli na ang lahat. Pumunta ako sa bahay nila to talk to him pero sabi ng mommy nya he went to Canada. Doon daw sya mag C-college. He broke his promise. Ang sabi nya, sabay kaming mag c-college sa Pilipinas but he left me alone. Though kasalanan ko naman... And I really miss him so much. So fucking much. And I can't do anything. Kasi wala na. Pinakawalan ko yung taong nagmahal sakin ng sobra. At narealize ko na mas tanga pa nga ako kesa kay Ate Darika.
"Freaking fuckkk!! Earth to Danica? Kanina pa ako salita ng salita dito tapos nakatulala ka lang pala at hindi nakikinig! Nakakatampo ka!" Bumalik ako sa katinuan nung narinig kong nag mamaktol si Ream na parang batang inagawan ng Barbie.
"Ha?" Tanong ko.
"Tignan mo na! Hmp!" Pag mamaktol ulit ni Ream. Jusmiyo Marimar tong si Reammm!! Ano ba kasi yon?
"Ano ba yon?" Tanong ko ulit.
"Ikaw nga. Ano ba iniisip mo?" Tanong nya din sakin.
"Yung Taong mahal ko." Sabi ko sakanya. Oo alam na nya yon. One time kasi nahuli nya akong umiiyak kaya nakwentuhan ko na din sya about kay Wan.
"Tsk. Si Wan na naman? Ipapaalala ko lang sayo Darika ah. Yang Wan mo na yan, Ikaw ang nangbusted sakanya. Tsk tsk tsk." Panenermon sakin ni Ream. Tsk. Sino ba talaga kaibigan neto? Si Wan o ako?
"Kahit na. Kung mahal nya talaga ako bat di nya ako pinaglaban? Why did he choose to let go?" Tanong ko kay Ream.
"He let go kasi masasaktan lang sya if he keep fighting for the wrong person." Sagot ni Ream. Fuck it.
"But he chose his feelings over our friendship?" Nag dedebate na kami actually.
"Cause that friendship won't make him happy kasi yung best friend nya na yon ay yung taong mahal nya na frinend zone sya." Pag tatanggol ulit ni Ream kay Plawan. Ay leche sya!
"Eh kasi—" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang biglang dumating ang isa sa mga waiter ng Restaurant ko. Oo restaurant ko. Nakalimutan kong sabihin sainyo, Ako na ang nag mamanage ng Anantasu Restaurant dahil si Ate Darika ay hindi na pinagtatrabaho ni Kuya Dylan at pinag stay na lang sa bahay. Dalawa kami ni Ate Darika pero dahil buntis sya, ako muna. At ang Manager ng Restaurant na to ay si Creamy.
"Miss Creamy? Nasabi nyo na po ba kay Miss Darika yung about sa Mag papa-party dito?" Tanong ni Banjo. Ang isa sa mga waiter na pinag kakatiwalaan ko.
"Ay I forgot! Sige sasabihin ko na lang. Thanks for reminding me Banjo. You may leave us." Sabi ni Ream kay Banjo at humarap sakin. Anong party?
YOU ARE READING
I Fell In Love with my Bestfriend (UNFINISHED)
Подростковая литератураNaranasan mo na bang Mainlove sa Best friend mo? Alam mo ba kung gaano kahirap mainlove sa Best friend mo Lalo na kung Hanggang FRIENDS lang talaga kayo. Swerte mo na lang kung parehas kayo ng nararamdaman. Hindi naman kasi lahat ng Nag mamahal, nas...