Chapter 17

935 40 12
                                    





"Mimi,why are you crying?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko ng mabungaran si Moi sa may pintuan ng kwarto ko.Hindi ko pa pala ito nai-lock.

"Napuwing lang si Mimi,baby." Matapos punasan ang mga luha ay sumenyales ako na lumapit siya sa akin.

"Masakit po ba?" Nag aalalang tanong niya ng makalapit sa akin. Oo,sobrang sakit!

Muli kong naalala ang nakita ko sa IG ni Je kanina.Yes, naka unblocked na ako sa kanya pero parang mas gusto ko na lang na naka block ako sa kanya.Sana hindi ko nakita 'yung latest posts niya with that girl. Random photos ito na magkasama silang dalawa. Mayroong nanonood sila ng basketball game.Meron ding nag da-date sila sa labas.Sobrang saya nilang tingnan. May caption itong A happy couple.

Oo,sinagot na niya ang babae at ako lang yata ang nagluksa para rito.

"H-Hindi.Okay na ako." Kumurap-kurap ako para pigilan ang pag sungaw ng luha dahil sa katotohanang iyon.Katotohanang may nagmamay ari ng iba sa kanya. Niyakap ko si Moi para hindi niya mapansin ang pangingilid ng luha ko.

"Mimi."

"Hmm?"

"Can you make a call to Mimi Yang?I miss her." Miss na miss ko na rin siya. Isang linggo mula noong nagpunta sila dito ay hindi pa ulit ito nasusundan.

"Ahm nasa work pa kasi si Mimi Yang baby eh." Pagdadahilan ko.

"Bakit hindi po siya pumupunta dito?" Kumalas siya ng yakap at tumunghay sa akin.

"Busy pa siya sa schooling niya saka sa work." At sa ibang babae.

"Please tell her, I miss her." Malungkot na pakiusap nito.

"I will." Pilit akong ngumiti.

"Can I sleep here,Mimi?" Naupo na ito katabi ko sa kama.

"Sorry baby,pero aalis si Mimi."

"Saan ka po pupunta?" Inosenteng tanong pa nito.

"Sa work place ni Mimi Yang."

"Are you going to see her?" Nahimigan ko ang excitement sa boses ng bata.Marahil sobrang namimiss na niya talaga si Je.
"Can I come?" Umiling ako sa tanong niya.

"Ow-kay." Malungkot siyang tumungo at pinag diskitahan ang mga daliri niya.

"We'll make it up to you,soon okay?" Hindi ito umimik kaya muli akong nagsalita. "Smile ka na." Ibinaling ko siya sa akin at ni-pinch ang mag kabila niyang pisngi.

"Promise?" Naniniguradong tanong nito.

"P-Promise." Hindi siguradong sagot ko.Pakiramdam ko'y inabandona na kami ni Je. Feeling legal wife,Kaori? Humalik si Moi sa pisngi ko kaya natigil ang pakikipag talo ko sa sarili.

"Oh para saan 'yon?" Nagtatakang tanong ko sa bata.

Ngumiti siya ng pagka tamis-tamis. "A kiss to Mimi Yang.Just give it to her,okay?" Natigilan ako sa pabor niya. Ano?!Gusto niyang bigyan ko ng halik si Je para sa kanya?!

"Good night,Mimi Yin!" Nakababa na pala siya sa kama ko ng hindi ko namamalayan.

"Good night,baby." Lumabas siya ng kwarto ko habang ako naman ay natulala.

Gagawin ko ba talaga ang pabor niya? Sa isiping iyon ay nag init ang pisngi ko. Gad!Hindi ko yata kaya!






..







                  "Babe,we're here." Boses ni Gelo ang ikinabalik ko sa wisyo.Kanina pa kasi akong hindi mapakali. Ngayong gabi ay may gig sila Je at magkikita kita kami sa work place niya.Hindi ko nga sana isasama itong isa, kaso narinig niya akong pumayag kay ate Ai kaya nagpumilit siyang sumama. Kaasar!

Hanggang Dulo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon