Hii ako nga pala si Mica Shanely Ferrer 19 years old.Andito pala ako ngayon sa dorm ko nagpapahinga. Katatapos ko lang kasing mag trabaho at kailangan ko pang mag study para hindi ako bumagsak sa exam namin bukas.
After 4 hours
"tapos na akong mag aral, matutulog na ako baka kasi makatulog pa ako bukas kaya goodnight to all"sabi ni mica sa sarili niya.
[kinabukasan]
Gumising na si mica ng maaga para hindi siya malate sa school kaya agad siyang maligo.
After 123459 years iste 30 minutes lang pala ay tapos na siyang maligo kaya nagbihis na siya ng uniform at sinuot ang eye glasses niya at pagkatapos kumain na siya.
Fast forward
Nakarating na siya sa academy, pagod pa siya nung makarating siya kasi naglakad lang siya galing sa dorm niya tutal malapit lang naman ang dorm niya at ang academy.
Pagpasok niya palang sa academy ay bulong bulongan na naman ang naririnig niya.
"tsk sanay na ako diyan 1 year na ako dito at hindi parin nila ako tinitigilan sa pag chichismis, wala ba silang bagong ma tripan? bakit ako nalang palagi? sabagay, ako lang naman talaga, dahil sa ayos ko like duhhh nakalimutan niyo na atang nasa pilipinas ako?" sabi ni mica sa isip niya.
Binilisan nalang niya ang paglalakad para makapunta na siya kaagad sa room niya.
Nakarating na siya sa room niya, agad naman siyang umupo sa upuan niya na nasa pinaka huling banda o pinakadulong upuan kung saan siya Lang Ang nakaupo dun.
*psst*psst*psst*
"ano ba?" inis na sabi ni mica sa lalaking laging sumisitsit sakanya.
"at may gana kapa talagang magalit huh" galit na sabi ng lalaki.
"mr. Sanchez, bakit hindi mo tinitigilan si ms. Ferrer" galit na sabi ng profesor nila kaya nagsiupuan silang lahat.
"mr. Sanchez, ms. Ferrer ano ang pinag aawayan niyo?" tanong ng prof sakanila.
"kasi ito po kasing si mica tinawag ko lang siya galit na agad" sabi ng lalaki.
"ikaw nga tong sitsit ng sitsit tinatanong lang naman kita galit kana agad" sabi naman ni mica.
"ok class tutal kayo Lang naman ang nandito at Ang nakakita sa totoong nangyari, so sino ang nagsasabi ng totoo sakanila?" tanong ng prof nila sa mga classmates ni mica.
"si Sanchez po"sabi ng mga classmates niya sabay turo sa lalaki.
"si ms. Ferrer" sabi naman ni Leo na ikinagulat ng lahat.
"bakit mo nasabi na si ms. Ferrer ang nagsasabi ng totoo mr. Montefalco?" tanong ng prof nila kay Leo.
"kahit pa sabihin ko Ang totoo, hindi kayo maniniwala, dahil mas naniniwala kayo sa kung sino ang mas marami ang boto at hindi niyo ba nasaisip na malamang walang boboto kay mica eh halos lahat naman dito galit sakanya kahit wala naman siyang ginagawang masama" sabi ni Leo
"ok mr. Montefalco, umupo kana at ikaw din ms. Ferrer, mr. Sanchez go to the detention room" utos ng prof nila kaya umupo nalang si mica sa upuan niya.
"by the way si Leo Neris Montefalco, siya ang crush ko, gwapo siya at matalino kaso hearthrob. Grabe kinilig ako kanina dahil first time ko pang ipinagtanggol ako ni crush, teka nga kailangan ko itong isulat sa diary ko" sabi niya sa isip niya at kinuha ang diary sa bag niya at sinulatan ito.
*kringgggggg* breaktime
Hindi pumunta si mica sa cafeteria as always naman eih, bumibili lang siya ng snack niya bago pa siya pupunta ng school, ayaw niya kasing pagbubulungan siya at aawayin siya dun sa cafeteria kaya nasa rooftop siya ngayon umuupo habang nagsusulat sa diary niya.
"haystt ang bilis naman ng oras, punta na nga lang ako sa next subject ko baka ma late pa ako sa exam" sabi niya sa isip niya.
Sabi niya pagkatapos niyang tumingin sa watch niya.
Agad naman siyang tumakbo papunta sa room niya, at nung papasok na sana siya ay biglang may sumabunot sakanya papunta sa harap ng mga classmates niya.
Agad siyang pinagbabatohan ng mga papel na tinupi Ng mga kaklase niya. Iiyak na sana siya però pinigilan niya ito dahil ayaw niyang makita Ng mga classmates niya na iyakin siya. Bigla namang humarap sakanya Ang cousin niya na si Gianna Mae Ferrer or Gian for short at sinabing.
"wag mo kasing agawin saakin si Leo, kung ayaw mong mangyari ulit yan sayo, wag ka kasing pa happy pil, kasi di bagay sayo yun" sabi ni Gian, wala namang nagawa Ni mika kaya tumakbo nalang siya papuntang rooftop at doon binuhos ang luha niyang kanina pa sana lalabas.
"huhuhuhu ginagawa ko naman lahat ng gusto nila, ako naman yung gumagawa ng assignment nila, at sa mga projects nila, pero bakit hindi parin nila ako tinitigilan? huhuhuhu" inis na sabi ni Mica sa sarili niya. Nagulat siya ng biglang may nag abot sakanya ng panyo.
Si Leo
"no thanks" sabi niya, ayaw niya kasi itong tanggapin dahil baka saktan na naman siya ni Gian kapag nalaman nitong may tinanggap si Mica na galing kay Leo.
"bakit kaba umiiyak?" tanong ni Leo.
"wag kanang magsalita o magtanong, umalis ka nalang, ayoko Ng gulo, baka makita pa tayo dito ni Gian, malalagot na naman ako"sabi ni Mica
"bakit kaba takot ka sa cousin mo?" tanong ni Leo però binalewala lang siya ni Mica kaya niyakap niya ito, pero agad namang kumawala at lumayo si Mica.
"wag mo kasi akong lapitan, mas lalo akong sasaktan Ni Gian sa ginagawa mo" sigaw na sabi ni Mica may Leo, pero ang hindi nila alam ay kinunan na pala sila ng picture Ng isang estudyante nung niyakap ni Leo si Mica.
Nakababa na si Mica, at laking gulat nalang niya nung makita niya ang isang tarpulin na may picture nilang dalawa Ni Leo sa rooftop Nung niyakap siya nito.
"shit patay ako ngayon ni Gian" pamura niyang sabi at agad na lumabas ng gate at nagsimulang maglakad papuntang trabaho niya.
Nakarating na siya sa trabaho niya at agad na nag start.
After 15 minutes biglang dumating si Gian na ikinagulat niya.
"anong ginagawa mo dito Gian? at pano mo nalaman na dito ako nagtratrabaho?" tanong ni Mica kay Gian.
"andito lang naman ako para mag order ng coffee, bawal ba pumunta dito? mag co-coffee lang sana kami ng mga friends ko kaya please do your job" sabi ni Gian.
"ano bang order mo?" tanong ni Mica.
"tatlong coffee, isang choco, mocha, at caramel" sabi ni Gian at agad na silang umalis papuntang sa isang vacant table.
Maya maya dumating na ang order nila kaya sinerve na ito ni Mica.
"hey nerdy, ang kapal talaga ng mukha mo noh? may plano kapa talagang agawin saakin si Leo e sobrang pangit mo? pwes ito tandaan mo hindi ka niya mamahalin dahil pangit ka at mahirap" sabi ni Gian.
"ok tapos kanang magsalita ito oh kunin mo na, baka lumamig pa, at paki ko ba sainyo eih wala naman akong nararamdaman kay Leo, sayong sayo na yun" sabi ni Mica at Marsha's na inilapag ang mga coffee, at agad na umalis.
"tsk yung nerd na yun, kung makapagsalita parang maganda" sabi ni Gian.
Paktapos ng trabaho ni Mica ay umuwi na siya at agad nagpahinga.
[kinabukasan]
Gumising na ng maaga si Mica at ginawa ang daily routine niya at pagkatapos pumasok na siya sa academy.
"oi girl ang landi ng nerd na yan"g1
"tama ka girl nilandi niya si leo"g2
"oo nga eih kung makalandi parang maganda"g3
Hindi nalang pinakinggan ni Mica ang mga chismis nila dahil ang alam naman niya ay hindi iyon totoo, kaya nagpatuloy nalang siya sa paglalakad papuntang first subject niya.
Nakarating na siya sa first subject niya at agad na umupo sa upuan niya.
Please Vote🙏🥺