Nagbabasa lang ng libro si Mica ng biglang may humablot sa libro niya na ikinainis niya pero si Leo lang pala.
"ano ba!! akin na iyang libro ko, kita mo namang nagbabasa ako" inis na sabi ni Mica kay Leo.
"galit kaba saakin?" tanong ni Leo.
"Hindi ako galit sayo kaya please ibigay mo na yang libro ko" sabi ni mica, agad namang ibinigay ni Leo ang libro ni Mica.
"bakit kaba galit saakin Mica? dahil ba kay Gian?" tanong ni Leo kay Mica però hindi lang ito pinansin Ni Mica at sakto namang dumating na ang prof nila.
"ok class......"sabi ng prof nila.
*kringgggg* breaktime
Breaktime na kaya agad na pumunta si Mica sa rooftop.
"haysst ang sarap talaga ng hangin dito" sabi niya sa sarili niya, nagulat siya bigla siyang may narinig na familiar na boses kaya agad niya itong pinuntahan.
"alam mo namang hindi kita gusto Gian kaya tantanan muna ako dahil may iba akong gusto" sabi ni Leo kay Gian
"sino? yung nerd na iyon? eih ang pangit nun, mas maganda pa nga ako keysa sakanya eih, at ano ang nagustuhan mo dun? dahil ba matalino siya? matalino din naman ako Leo bakit hindi nalang ako?" pagmamakaawa ni Gian kay Leo.
"wag mong isasali sa usapan si Mica, wala naman siyang ginawang masama sayo bakit ang sama sama mo kay Mica? cousin mo siya Gian, kaya kung anong meron siya ay ganon kadin dahil kalahi ka niya, at yan ang pinakaayaw ko sa mga babae yung maganda nga però pangit ang ugali at saka wag mo nang aawayin si Mica dahil magkaibigan lang kami at sa totoo nga DAHIL SAYO NASIRA IYON" sabi ni Leo.
"alam mo bang hindi lang kaibigan ang Turing sayo Ni Mica? Higit pa dun, may nararamdaman si mica sayo? crush ka niya Leo" paiyak na sabi ni Gian.
"kahit na magkaibigan lang kami at dahil sayo nasira iyon" sigaw ni Leo. Habang pinapakinggan ito ni mica ay hindi niya na namamalayan na unti unti ng bumubuhos ang luha niya.
"wala talagang magkakagusto saakin dahil pangit ako huhuhu" iyak na sabi ni mica sakanyang sarili at tumakbo na pabalik sa rooftop at doon niya ipinalabas ang mga luha niya.
Fast forward
Nasa trabaho ngayon si mica at habang nagtratrabaho siya ay biglang...
*pak*
"aray bat mo ako sinampal Gian?" halos mangiyak niyang sabi.
"ng dahil sayo ayaw na saakin ni Leo, ng dahil sayo hindi na siya mapapasaakin" inis na sabi ni Gian at sinabunutan si Mica.
"aray!! aray!! Gian itigil mo na ito Gian" awat ni mica kay Gian kaya napatigil ito at lumabas na ng coffee shop pero ang hindi niya namamalayan ay nakatingin na pala sakanya ang mga costumers.
"Mica go to my office" inis na sabi ng boss niya kaya kinakabahan siya però pumunta parin siya sa office ng boss niya.
"Mica are you out of your mind? bakit dito pa kayo nakipag iskandalo huh? I'm sorry but your fired" sabi ng boss niya kaya napaiyak si mica.
"please boss bigyan niyo po ako ng last chance" pagmamakaawa ni Mica però inilingan lang siya ng boss niya kaya wala siyang magawa kundi ang lumabas sa coffee shop.
"anong gagawin ko ngayon? wala na akong trabaho, pano na ako makakapag aral nito? huhuhu" iyak na sabi ni Mica habang naglalakad sa daan ng bigla siyang may nabanggaan.
"aray!!" sabi niya sabay hawak sa pwet niya na nauntog sa lupa.
"sorry iha, tulungan na kita" sabi ng babaeng nakabangga sakanya at inilahad nito ang kamay niya kaya tinanggap naman ito ni Mica.