By: pickshionLane's POV
Pagkauwi ko ay nag facebook agad ako at nag send ng friend request kay Brent. Oo aaminin ko natamaan ako sa kanya lalo na't ang una naming pagtatagpo ay unang beses kong naramdamang may dumamping labi sa labi ko pero hindi pala siya straight maybe bisexual siya. Masaya ako kase nalaman kong nagkaroon na pala siya ng boyfriend baka may pag asa ako hahaha ako? May gusto sa kanya? Teka teka hindi pwedeng padalos dalos aba may takot din naman ako sa mga kaibigan ko na baka mabully ako ng malala. Bahala na, narealize ko na nakuha ko nga pala yung phonr number niya kaya nag send ako ng message sa kanya.
ON PHONE
Lane: hi
Lane: oyy reply ka naman dyan
Lane: hello?
Lane: ah sarado?
Lane: may ginagawa kaba?Brent: teka teka sino kaba?
Lane: ano kaba. Bilis mo naman makalimot, ako to yung ninakawan mo ng first kis hahaha
Brent: teka ako pa may kasalanan?
Lane: hindi yun and ibig kong sabihin hahaha
Brent: k!
Lane: okay bye. Busy ka ata
May pagkamasungit din pala tong si Brent e hahaha pero nag eenjoy ako sa ugali niya hehehe
Brent's POV
May nag text saken kaya tiningnan ko e kaso unknown number naman eh wala naman akong basta basta na pinagbibigyan ng number ko kaya nagtaka ako tapos sabi niya siya daw yung ninakawan ko ng first kiss kaha sabi ko naman kasalanan ko pa? Hahaha but I know it myself naman na aksidente ang nangyari at saka ko palang narealize na binigay ko pala ang phone number ko sa kanya , kay Lane. At nagpatuloy nalang ako sa pag rereview.
TIME SKIPPED
natapos ako ng mga around 5pm kaya kumain muna ako bago nahiga,gutom na gutom kase ako hindi ako nakapag lunch eh at naisipan kong mag facebook kase nabored ako at napansin kong may bagong friend request sakin kung dati ay 1,500 ay nadagdagan ng isa di naman kase ako mahilig mag accept dahil wala naman akong masyadong kinakausap, tiningnan ko baka kilala ko nakita ang pangalang Lane at inusisa ko ang mga litrato at siya nga yun kaya in-accept ko na rin. Tapos habang nag scroll ako, nag chat siya, si Lane.
-itutuloy-
