"Hay nako, ang saya ng first day kahapon, pramis! May pa welcome ekek para sa lahat! At ang daming gwashi...." Eklabu ekek ng made in China kong bestfriend na si Chynna.
Kanina pa yan dada ng dada tungkol sa first day of school kahapon at wala naman akong pakialam kaya dedma lang ako sa kaniya. Siksikan na nga dito sa jeep na sinasakyan namin at heto ang ingay pa ng bunganga nitong si Chynna. Eto namang katabi kong isang babae ay hindi magkaintindihan sa kausap niya sa cellphone. "Chappy nga dong ay jusko." Napairap ako at bahagya kong tinakpan ang parehong tenga ko.
Nakakarindi!
Susungalngalin ko na sana ang bunganga nitong si Chynna ng mapako ang tingin ko sa dalawang mag jowa na nasa harapan ko na grabe kung magharutan at dedma kung muka na nga kaming sardinas dito sa loob ng jeep na to!
"Oh dalawa pa, dalawa pa. Aalis na!" Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa patay tong nagtatawag ng pasahero sa bukana ng jeep! Jusko umagang umaga maha- hagard na agad ako! Hindi ba siya aware na halos magka- palitan na kami ng mga mukha at internal organs dito!
"Sayang hindi ka pumasok! Edi sana masaya na naman— mmmmm~" tinakpan ko na ang bunganga nitong si Chynna at pinandilatan. "Manahimik ka nga muna." Nai- stress kong saad at binalingan ang barker na wagas kung makapag tawag pa ng pasahero.
"Kuya!" Kahit nahihirapan ay pinilit kong idungaw ang sarili ko dahil nahaharangan kami ng isang matabang pasahero. Napatingin naman sakin ang barker at may pag ngiti pa si kuya. Tss.
"Ano ho yun. Miss ganda."
"Hindi pa ho ba aalis to. Nagtatawag pa po kayo e sobrang sikip na namin dito." Reklamo ko dumukwang naman siya sa loob ng jeep at sinilip ang kaawa awang kalagayan namin dito.
Nagkamot ito sa ulo at ngumiti.
"Ay oo nga. Pasensya na ho, maam. O siya alis na." Saad nito at tinapik na ang likuran ng jeep. Binalingan ko si Chynna at hirap na hirap nitong inaayos ang nasira niyang lipstick sa labi. "O ngayon tatawa tawa ka diyan." Ngumuso ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Binalingan ko naman ang mag jowa sa harapan ko na mas nagpa- init sa ulo, sa anit, sa bumbunan, sa bungo, at sa utak ko! Okay OA pero wala kayong pakialam. Ako ang pabidang bida dito.
Nakaakbay ang lalaki sa kaniya at ang babae naman ay kinikilig na nakasandal sa dibdib ng payatot niyang jowa.
"Hihi. Ano ba~" parang kinuryente si ate ng may binulong sa kaniya ang jowa niyang mukang isang ubo na lang. Bahagya pa silang nagtulakan at nakita ko kung paano nila nasasagi ang matandang babae na ipit na ipit na nga sa pwesto nito ay mas lalo pang nahihirapan dahil sa kalandianng dalawang to.
Tumikhim ako. "Hay ang haharot." Sinadya kong lakasan ang boses ko, ang iilang pasahero ay napa tingin sa akin maging ang dalawang naglalandian sa harapan ko. Ang iba naman ay abala sa mga cellphone nila. Bahagya akong tinaasan ng kilay ng babae at agad naman uli silang nagpatuloy sa harutan.
"Iiwan din naman, pagtapos pakiligin." Malakas kong sambit at tinignan si Chynna na made in China na pinandidilatan na naman ako ng singkit niyang mga mata ngayon. "Diba, friend? Akala mo naman magtatagal. Harutan to the highest level in public place? Nakakadiri. Ew." Maarteng saad ko at tinaasan din ng kilay ang babaeng drawing lang naman ang kilay.
"Huy, Francine! Umagang umaga ang bitter mo na naman." Bulong ni Chynna na made in China matapos akong sikuhin.
"Excuse me? May problema ka ba samin ng boyfriend ko ha?" Wow. Palabarn si ate girl. Kulang na lang umabot na sa anit niya ang kilay niya kung itaas niya ito, wagas! Fake naman ang kilay. I raised my eyebrows as i crossed my arms.
YOU ARE READING
Ms. Bitter Inlove
Teen FictionDue to her failed lovelife and consistent heartbreaks from her exes, Francine Ramirez stop believing in the magic of love. Naging bitter si Ate girl, at dahil sa sobrang pagka- bitter niya ay binansagan siyang " The Campus Bitter Gourd' - ang babaen...