Chapter Thirteen: Assistant

2.7K 59 3
                                    


A/N: 

Hi! dedicated to MelodyBautisa thank you sa pagbabasa :)

On with the chapter lovelies~


PWEDE ko ba talagang seryosohin ang sinasabi ni Ryan sa'kin na hindi siya nito ire-reject? Ano ba talaga ang status naming dalawa? Hindi lang utak ko ang nalilito pati na rin ata ang puso ko.

Lahat ng mga tanong na nito minabbbuti kong ipaligo na lang kaysa naman sumakit lang ang ulo ko kakaisip.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ko at nakita ko ang boss ko na prenteng nakain ng almusal sa lamesa. 'Yung tipong hindi mo aaklain na isa itong boss ng pinakamalaking kompanya sa bansa dahil sa simpleng pagkain nito ng pandesal at pritong itlog sa lamesa na hinain ng Nanay ko.

Simple lang ang pamilya nila at kahit na bas a kabila ng katotohanan na parehong kilala na ang mga kapatid ko sa larangan ng sport at nagta-trabaho ako sa isang malaking kommpanya mas gusto pa rin ng nanay ko na ito ang nagluluto ng pagkain para sa kanila.

Kita kong enjoy na enhoy si Ryan sa question and answer portion nito sa magulang at kapatid ko. Habang ako? Ayun kating kati na hilahin paalis 'don ang amo, hindi na Keri ng power ko ang kakisigan nito ngayong araw. Para kasing masyadong... paano ko ba pwedeng i-describe? Unguarded? Hindi masungit? Parang ang dali lang nitong kausapin hindi mo aakalain na ito 'yung boss ko na madalas akala mo nangangain ng tao kapag galit.

Napaka-surreal din para sa'kin na ang lalaking crush ko for eight yeas andito sa bahay ko at casual na nakikipagusap sa mga magulang ko.

Tumikhim ako para kunin ang pansin nito at kitang-kita ko ang biglang pagbabago sa mukha nito nang makita ang suot ko.

"Change," Tinignan ko ang sarili, simpleng maong short, rubber shoes at loose tshirt ang suot ko wala namang mali ahh bakit ako pinagbibihis nito?

Napansin ko ang matiim na titig nito at hindi ko mapigilang mapalunok para kasing anytime bigla na lang itong tatayo at bibigyan ako ng isang makapaugtong-hiningang halik. Pero mas pinili kong mangatwiran Oo matigas talaga ang ulo ko.

"Eh Sir sabi niyo comfortable clothes? Ditto komportable eh."

"Basta magbihis ka na, mala-late na tayo," Sa huli ay tumalima na ko kasi feeling ko hindi ko talaga magugustuhan ang mga susunod na mangyayari kapag hindi ako sumunod.

Sa huli dahil masyado kong mabait ay sinunod ko na lang ang sinabi ni Ryan, nagpalit ako ng pantalong maong kung may reklamo pa ito sa damit ko bahala na 'to sa buhay niya.

Pagbalik ko ay sinipat muna ko nito mula ulo hanggang paa saka ito tumango bago tumayo saka magalang na nagpaalam na sa mga magulang ko, habang ako naman ay nakabuntot ditto.

"Saan ba tayo pupunta Sir?"hindi ko matiis na tanong.

Pinagbuksan ako ng nito ng pinto. "Get in, and fasten your seatbelt."

Bakit ba ang bait ko ngayong araw at hinayaan ko na lang sarili na sumunod ditto? Napailing na lang ako pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang eksena namin kanina sa bahay. Paano ba naman kasi kung makapag react ito sa short ko kala mo naman mortal sin sa mga babae ang mag suot ng maiksi. Wala naman siyang pekas sa binti ah, minsan talaga ng hirap nitong intindihin.

Pumasok kami sa isang resettlement area at saka nag-park sa tabi ng covered court kung saan nagkukumpulan ang mga tao.

Pagkababa ni Ryan ay pinagbuksan na naman ako nito ng pinto at eto na naman ako parang tanga na kinikilig sa pagiging gentleman nito

Loving My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon