Chapter Nineteen: Heartache

2.3K 54 4
                                    

A/N: 

ATTENTION: 

Sa mga regular reader ko po ng LMMB paki-comment lang po kung hindi ko pa po kayo nabibigyan ng dedication :) 

Iyon lang po hehe 

On with the chapter Lovelies~ 


SA isang restaurant sa may Makati nagpasya kami ni Rey na kumain, hindi pa rin ako komportable ditto kahit na ba pilit nitong sinusubukan na magbukas ng mapaguusapan nila, para kasing may mali.

Nakaupo kasi sa tabi ng isang malaking salaming bintana, maganda ang ambiance ng buong lugar pero nang buksan ko ang meni ay tumataginting na ginto ata ang sineserve sa lugar na 'yon sa taas ng presyo ng pagkain. Napasulyap ako kay Rey, ang mabuto pa ay umorder na siya nang matapos na 'to.

Nang maibigay na namin ang order ay sumubok ulit si Rey na magbukas ng topic, alam ko naman na dapat ay mag-relax ako kahit papaano pero hindi ko talaga magawaat sa buong durasyon ng pag-uusap nilang dalawa ay palaging nakataas ang lahat ng defenses ko.

Kapag nagiging personal na ang mga tanong nito ay mabilis kong ibiiba ang tapic at ganon din naman ito sa'kin daig pa naming ang nagpapatintero sa isang manipis na lubid sa pinagagagawa namin. Akala ko nung uuna talaga ay gusto lang talaga nitong makipagkaibigan at katulad nga ng sinabi ko gusto kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na makilala ang kapatid ni Ryan pero habang tumatagal nahalata ko na may iba itong motibo.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay dumating ang pagkain, the sooner na maubos niya ang inorder niya the better nang makaalis na ko sa kalokohan na 'to.

Pero hindi pa ko nangangalahati sa kinakain ko nang mapansin kong huminto su Rey sa ginagawa nang may mapansin sa may bintana.

"Hindi ba 'yon si Kuya?"sinundan ko ng tingin ang tinutukoy nito at nakita ko nga si Ryan na may kasamang babae sa kabilang restaurant at tila seryosos ang pinaguusapan base sa facial expression ng amo at naiiyak na mukha ng babae.

Sa loob ba naman ng ilang taon na ibnobserbahan ko si Ryan madali na lang sa'kin ang malaman ang mood nito sa simpeng pagbabasa sa facial expression nito. Pero hindi ko aiwasang magtampo, ito ba ang emergency na sinasabi sa kanya ni Ryan kanina kaya kinancel nito ang lahat ng trabaho para ngayong araw?

"Oh I remember her."

Bumalik ang atensyon ko kay Rey. "She's my brother's Ex-finacee."

"Ex-finace?"nakaramdam ako ng pagkabalisa sa sinabi nito.

"Oh, bago maging CEO si Kuya, Alisa was his girlfriend nakilala ko siya nang i-announce na ni Kuya na ikakasal silang dalawa. But eventually Alisa wasn't that in love with him kahit na sa pagkakalam ko siya ang first love ni Kuya. The engagement got canceled and Alisa goes to America."

Napipilan ako sa sinabi nito at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makit kong naghahalikan ang dalawa.

Marahas akong napatayo, hindi na kaya ng puso ko ang nakikita, naghahalo na ang mga emosyon ko at bago pa ko magmukhang tanga at umatungal sa harap ni Rey ay nagpaalam na ko na aalis.

Wala nang rumehistro na kahit ano sa isip ko hanggang sa makasakay ako ng taxi at sunod ko na lang na namalayan ay naglalandas na ang mga luha ko kahit ang driver ay bigla na lang nataranta sa nakita pero ako? Pakiramdam ko isa akong malaking talunan, natalo ako sa sugal kung saan itinaya ko ang lahat.

BUONG araw lang akong nakakulog sa kwarto at kahit na hindi ako mahilig magsinungaling sinabi ko kina Tatay na masama ang pakiramdam ko kahit na ba wala akong ibang ginawa sa kwarto kung hindi ang umiyak.

Loving My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon