Oct. 1, 2007

216 2 0
                                    

7am

Nagising naman ako sa tunog ng alarm clock ko. Katabi ko yung laptop ko sa kama at binuksan ko itong muli. Usual thing to do, bubuksan ang laptop para makita siyang muli.

"Good morning, baby!" Bati naman ni Casey sa akin. Para lang din kaming magkasama. Hindi ko naman maiwasang mangiti kahit na malayo ang agwat namin sa isa't-isa.

Then lumapit siya sa screen ng laptop at akma namang i-kikiss ako. Nilapit ko rin yung lips ko para kunware nag ki-kiss talaga kami.

Hanggang sa baba, sa pag luluto ko ay katabi ko ang laptop ko. Pati sa pagkain ay sabay kaming kumakain.

"Nom nom! Ang saraaap!" Sigaw niya. Sa pamamagitan nito nararamdaman kong hindi ako nag-iisa. Na naandyan parin siya sa tabi ko.

Hanggang sa pag toothbrush sabay pa kami. Masaya, nakakagaan ng feeling yung ganito pero hindi parin eh. Iba parin talaga yung naandito siya sa tabi ko.

I closed my laptop dahil sa 7:30 na at kailangan ko pang mag ayos patungong trabaho.

Pati sa lunch break ko ay sabay parin kaming kumain. "Open your mouth, baby!" Ayan na naman siya. Mukha man kaming baliw sa paningin ng iba wala eh mahal ko. Masaya naman ako sa ginagawa namin.

Ngumanga naman ako at ganun din ang ginawa ko sa kanya.

But still I'm hoping for the day na muli ko siyang makakasama. Yung masusubuan na talaga niya ako. Namimiss ko na talaga siya.

Sinarado ko na ulit yung laptop at bumalik na sa aking trabaho. Dahil sa tapos na rin ang aking lunch break.

Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon