Oct. 6, 2007

125 3 0
                                    

ito ang araw ng aming kasal. Naandito ako ngayon  sa may simbahan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang dulot nito sa akin, kahit papaano ay natupad ang aming pangarap na makasal.

Hindi ko naman mapigilan ang pag bagsak ng aking mga luha. Kanina ko pa pinapahid ito ngunit patuloy lang sila sa pag bagsak, tila ba'y nag uunahan.

Naandito ako sa gitna ng simbahan. Naglalakad ako sa altar suot-suot ang aking barong habang si Casey naman ay suot-suot niya ang kanyang wedding gown.

Nagkarating na ako sa may altar kaharap ang laptop ko kung nasaan si Casey.

"Mahal na mahal na mahal kita, Casey. Sana nandito ka ngayon. Yung paborito mong bulaklak, cake at disenyo ng simbahan ang gagamitin natin."

As I watch her, I can see those tears falling from her eyes. Nararamdaman kong malungkot din siya tulad ko na nangungulila sa kanyang pagmamahal.

"No matter what happen, you know that I will always marry you. I want to live with you for the rest of my life" she said habang namumugto ang kanyangmga mata.

Natapos ang araw na ito ng malungkot at umiiyak ako. Kinuha ko na lang ang aso kong si Rio. Kapag nalulungkot ako niyayakap ko na lang siya para kahit papaano ay maibsan ang aking nadaramang kalungkutan.

And as I lay down on my bed, siya at siya parin ang nasa isipan ko.

"I love you, Casey. Forever and always. Gustong-gusto na talaga kitang makasama" then I closed my eyes.

Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon