October 2, 2007

175 2 0
                                    

Nagising naman ako dahil sa liwanag na tumatagos sa kurtina sa aking kwarto.

Kaharap ko ulit ang laptop ko. First thing she said is "Happy Anniversary, Baby! I love you!" Oo, anniversary namin ni Casey ngayon. 4 years na kaming magkasama.

Habang nagluluto ako ay katabi ko parin ang laptop ko. Habang nag luluto ako ay kumakanta siya

Hay, hinding-hindi talaga ako magsasawa sa boses ni Casey. Miss na miss na talaga kita Casey.

"Cause you and I could be like Aladdin and Jasmine let's make it happen like"

"Lalalala lalalala.." tugon ko naman sa kanya. Kamuntikan na ngang masunog yung hotdog na niluluto ko eh.

Mukha na ba akong baliw? Ganun talaga. Si Casey na lang talaga ang nag iisang lakas at ligaya ng buhay ko. Siya na lang.

Matapos naming kumain ng almusal ay naglakad-lakad naman ako sa labas kasama ng aking laptop.

Nagtungo ako sa paborito naming lugar na lagi naming pinupuntahan ni Casey. Naupo naman ako sa may bench.

"Baby, I have a gift for you! Pero syempre pag-uwi ko tsaka ko na ibibigay!" Excited na excited niyang sabi. Hindi ko naman mapigilan ang mapaluha. Miss na miss ko na talaga siya.

I can't help but to cry. If I could just give her my gift, I would. Heto na naman ako muling nagbabadya ang pag tulo ng aking mga luha.

Kasabay ng mga ulap, unti-unti itong nag didilim. Nagbabadya rin sigurong bumagsak ang matinding ulan

Ganun na talaga siguro pag napagod ka. Kahit anong ngiti mo at pagtitiis kung sobra namang bigay na ng dinadala mo ay kailangan mo ring ilabas.

Bago pa man bumagsak ang matinding ulan ay naglakad na ako pauwi. Si Casey naman ay pinapanood ko lamang habang kumakanta siya. Ang saya-saya niyang tignan.

Miss na miss na kita, Casey. Bumalik ka na kasi.

Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon