Nov. 4, 2008

167 4 0
                                    

Ilang years na ang nakalipas mag mula nang huli kong dalawin si Casey at nagpaalam sa kanya. Siguro bilang pagtupad na rin sa kanyang hiling ay ginawa ko ito. Ang akala kong hindi na ako makakatagpo pa ng babaeng magpapatunay sa akin na may forever, ay nagkamali ako. 

Naandito kami ngayon ni Patricia sa may sementeryo, dinadalaw si Casey. para na rin mag kwento sa kanya ng tungkol sa akin at sa amin ni Patricia. 

"Hi Casey, siguro nga tama ka makakatagpo pa ako ng babaeng makakasama ko sa tanang buhay ko. Siya nga pala si Patricia, isang taon na kami ngayon. Mamahalin ko siya gaya ng sinabi mo sa akin. Siguro, masaya ka na dyan sa langit. I miss you!" at inilapag ko naman yung bulaklak sa ibabaw ng kanyang puntod. 

"Ah, Casey alam kong alam mo naman na bestfriend ko si Lloyd pero hindi mo alam na may lihim akong pagtingin sa kanya. Nalungkot ako nang malaman kong kayo na pala ni Lloyd pero ikinatuwa ko naman dahil nalaman kong maligaya kayo ni Lloyd sa isa't isa. Pero alam kong masaya ka na dyan sa langit. Pinapangako ko sayo na aalagaan at mamahalin ko si Lloyd."  tinignan ko naman si Lloyd matapos kong sabihin yun at inaya kong umalis na kami ni Lloyd. 

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami palabas. 

Maybe it is time for me to let go, hindi man naging kami ni Casey hanggang sa huli pero hindi ako nagsisising natagpuan ko ang isang tulad ni Patricia. Napatunayan kong may forever nga. 

 Ako si Lloyd Christian Perez at ito ang aking kwento

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Distance RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon