Mirasol

10 1 0
                                    

Mirasol


Nakaupo sa isang sulok 

 Tila bulaklak na nakayukyok 

Hinahanap ni Mirasol ang araw 

Ngunit tila di niya ito matanaw 


Naghahanap ng liwanag 

Ngunit wala siya maaninag 

Hindi dahil sya ay bulag 

Sadyang ang ulan sa loob niya'y ayaw lang patinag 


Paano siya titingalaKung pilit siyang pinapayuko ng madla? 

 Paanong ang ulan ay titila 

 Kung patuloy sa pag-agos ang kanyang luha? 


Tulad ng mirasol na sa araw lang nakatuon ang direksyon 

Kailangan niya ng liwanag na pagbibigyang atensyon 

Ikaw 

Ikaw ang hinahanap ng aking mga mata 

Ikaw ang hinahanap ng pusong nagdurusa 

Ikaw, at ang sinag ng matamis mong ngiti

 Ang papawi ng nadarama kong hapdi 


O, Sol, haring araw, ikaw ay nasaan? 

Sumilip ka sa ulap at ako'y iyong hagkan 

Liwanag mong taglay, kailangan ng aking puso 

Ilahad ang iyong mga kamay upang luha'y matuyo 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LetraWhere stories live. Discover now