Midnight Migraine

13 1 0
                                    

Alas-onse ng gabi na
Mulat na mulat pa ang aking mga mata
At sakto, pagbukas ko ng radyo,
May narinig akong kanta.
Hindi man ito ang awit nating dalawa
Napapikit ang aking mga mata
At nagsimulang maglaro sa isip ko ang mga alaala
Kaya't heto ako ngayon, napasulat ng tula
Tulang punong-puno ng emosyon,
Hindi ko yata makakaya
Paglapat ng lapis sa papel na maputla
Sa tindi ng nadarama,
Mabubutas ko yata ang pahina.
Pero napatigil ako,
Ayoko na ng ganito.
Bumitaw ako sa lapis, panandaliang lumayo.
Ayoko na munang manahimik
Parang gusto kong umakyat sa bundok na matarik
At dun ko isisigaw lahat ng aking daing,
Lahat ng gusto kong iparating,
Lahat ng sakit na sa puso ko nanggagaling.
Gusto kong humiyaw,
Gusto kong isigaw na ikaw, oo ikaw
Ikaw ang dahilan ng sakit
Ng pait
Ng mga luhang sa pisngi ko'y gumuguhit,
At ng mga ngiti kong pilit.
Hindi ko alam kung ito na ba ang huling tulang isusulat ko para sa'yo
Sa ngayon, wala pang sigurado
At kung meron man siguro,
Yun ay nasasaktan ako ngayon dahil sa'yo.

LetraWhere stories live. Discover now