Chapter 8 : Love you , DAW !?

197 10 3
                                    

***

"ALDRIN! ALDRIN! ALDRIN!" haha tinotopak nanaman siya oh! Ang saya naman niya? haha.

"TOPAK! Oh? Napano ka?" tanong ko

"Tingnan mo scores ko oh. TADA! hoho. Elibs ka na ba sa akin huh?" naks naman, ang tataas nga hahaha.

"Ayos! Matalino ka pala eh!" sabay gulo sa buhok niya.

"Hehe, nag-aral akong mabuti nung prelims noh! Eh ikaw?"

"Huh? Ako tinatanong mo? Baka mamangha ka? hahaha"

"Weh? Di nga? Yabang ah! Baka kabaliktaran naman?" sabi niya

Nilibas ko yung mga testpapers ko nung prelims.

"Oh," saka ko inabot sakanya yung mga exams ko.
O__O ......

Bagal naman mag sink-in sakanya yung pinakita ko oh!

"Di ka ba makapaniwala nuh? hahaha"

"EEEEHHHHHHHHHHHHH!! ANG DAYA!"

"Hinaan mo naman boses mo!" nakakahiya naman to oh, pinagtitinginan tuloy kami ng mga classmate
ko haha.

"Eh kasi naman eh! *sabay balik sakin ng mga papers ko* Bakit ang tataas? Bakit halos maperfect mo
na?" kaasar. Nasaan yung math? Bakit wala dyan? Baka naman bagsak ka dun? Patingin nga!" aba? Kung
makapang utos naman to oh! haha
Kinalkal ko nanaman yung bag ko -_-

"Eto oh."

"PUSHA ALDRIN! 1 mistake? HALIMAW KA! Di ko alam genius ka pala? Ipagmamalaki na kita! haha"

Hala? Natuwa? Bakit ikaw ba nagtest? Haha, ikaw ba may score ng mga yan?

"Eh paano mo naman ipagmamalaki huh?" anyway baka nagtataka kayo wala sila Jolo sa tabi namin ni Lady? Ayun, nandun sa kabilang table. Anong ginagawa? Nag-aaral. May quiz kasi kami mamaya sa eco eh.

"Watch and learn Aldrin," tapos tumayo siya.

"HOY MGA CLASSMATE NI ALDRIN! BOYFRIEND KO TO. AT DAHIL NALAMAN KONG GENIUS SIYA, TAKTE
MGA BABAE! WAG NIYO SIYA LALAPITAN! Well, except for Aireen. MALIWANAG? GWAPO pa na-"
pinigilan ko na siya sa kakasalita gamit tong kamay ko -_-.  Nakakahiya talaga tong babae na to. Kung di
ko lang gusto to eh, nagpretend na akong di ko siya kilala haha

"Tama na, nakakarami ka na ah!"

"Para maliwanag. hehe"

"Tsk, kahit na pa! Nag-aaral sila oh!"

"Pssssh, ikaw nga di nag-aaral eh. Kj ka naman."

"Di ko na kasi kelangan mag-aral. haha"

"Batukan kita dyan eh! Anyway, punta ako sa bahay niyo mamaya."

"HUH? Eh bakit?"

"Paturo akong MATH! Bawal?"

"Ayos lang naman. Sige, pero mahihintay mo ako? Hanggang 6pm kami ngayon. May make-up class
kami."

"Wag ka na umattend!"

"Oo na nga, sige na!"

Tinatamad din naman ako eh.

"YEHEY!!! Love you Boyfriend," tas kiniss pa ako sa cheek saka siya tumakbo palabas ng room. Ang hyper talaga.
*ting*
Teka nga. Love you daw? Sh*T! First time yun ah! Love you daw haha. Nak takte! Kinikilig ako. Sh*t!
haha. Grabe di ko mapigil yung ngiti ko sa mukha ko oh!
Dumukmo nalang ako sa desk. Aldrin, ang linaw nun. Love you boyfriend daw. Sinabi mismo yun ni Lady
di ba? haha putek. Kung ganito lagi mas gusto ko na itong hyper mode na Lady! haha. Wag ka na bumalik
tahimik na Lady. Parang buntis lang eh nuh? Mood swings? hahaha
*after class*
Natapos din ang klase. Pumunta na ako sa labas ng room nila LAdy. Excited? Eh kaw kaya masabihan ng
Love you? Love you daw kasi eh. Ginanahan tuloy ako magcutting. Oo na, yung last period di ko na
pinasukan. -_-  Excited ako eh haha. At yun, isa-isang lumabas yung mga nandoon pero si LAdy?
Kinakausap pa siya ng prof nila eh. After 15 minutes, ayun lumabas na din siya. Hala? Naka pout pa!
Mukhang napagalitan pa to ah.

"oh? napanu ka?"

"Waaaaaaaaaaaah TT_TT Aldrin! Pag bagsak daw ako sa quiz namin bukas di na daw ako papasa. Kahit pa daw mataas makuha kong grades sa mid-terms. Anong gagawin ko? Waaaaaaaaaaaah," sabay yumakap pa. Naman oh! Mahal na talaga kita Lady! Cute mo kasi!
Anyway, ang lupit naman ng prof nito. Tiningnan ko kung sino yung prof.
PUSHA! Nak ng kalabaw naman oh! Yan yung famous manyak na prof! May lucky 7 yan at saka chosen 1.
Ibigsabihin ng mga yun, mga piniling ibabagsak. Lucky 7 pag pito ang trip niyang ibagsak at chosen 1 pag
napagtripan naman niya-wag mong sabihing si Lady ay-


"Ikaw ay ang-"

"Chosen 1 ako. Waaaaaaah," tas naiiyak pa siya. Ramdam ko naman na umiyak eh, basa na kayayung tshirt ko!

"Loko namang prof yan oh!"

"Matutulog ako sa bahay niyo! Turuan mo ako magdamag!"

"Huh?"

"Ayaw mo ako bumagsak diba?"

"Oo pero-"

"Edi okay! :))"

"Oo na nga lang." -_-

"YEHEY!"

***

[ON-HOLD] Picture of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon