Chapter 16 : Ang gulo :(

160 9 3
                                    

***


Ano bang sinasabi niiya? Nababaliw na ba siya? Ayaw niya sa litrato niya? Naguguluhan na ako. Hindi
daw siya si Lady. Eh kung ganun sino siya? Alam ba ni Mark to? Pag nag-iiba ba yung ugali niya. Ibang tao
yung kasama ko? Edi kung ganun. Hindi siya si Lady? At si Lady ay yung isang babae? Aaaaaaaayyyy! Ano
ba mga iniisip ko? Hindi naman pwedeng mangyari yun. Oo di pwedeng mangyari yun. Isa pa si Lady ay si
Lady. Tama si Lady yun. Siya si Lady. Lasing lang kaya kung anu-ano nasasabi.
Tinignan ko siya. Ang himbing niya matulog. Kaso may luha pa din yung mata niya. And I think she’s
murmuring. “I’m not Lady”. Bakit ba niya sinasabing hindi siya si Lady? Tawagin na siya ng lahat na Lady
wag lang ako? Di ba unfair? Gusto ko din naman siya tawagin sa pangalan niya eh.
Tumayo ako at kinuha yung litrato niya. Tinignan kong mabuti. Nga pala kopya lang ito ng litrato. Binalik
ko na sakanya yung isa eh. Siya naman to. Pero iba nga lang yung ngiti. Yung ngiti niya. Ilang beses ko pa
lang nakita. Yung kapareho nito. Bilang ko nga eh. Dalawang beses ata yun? Tapos di ko na nakita. Huli
kong nakita yun nung natapos ako magdota at hinintay niya ako sa labas ng building.

Posible kayang, hindi talaga si Lady itong kasama ko? Posible kayang yung babaeng una kong sinabihin
ng mahal ko siya eh si Lady? Teka di ba si Lady ay si Lady? Anu ba?


“Lady naman kasi eh, bakit mo ba ako pinapahiran mag-isip. Kahit sino ka pa man, ikaw ang gusto ko.
Mali, let me rephrase that. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Maliwanag? Kaya kahit hindi ikaw si Lady. Pero
teka ikaw si Lady eh, ano ba yan? Nakakainis naman oh!”

Bigla siyang gumalaw. Lagot. Nagising ko ba? Hindi naman siguro. Normal lang na gumalaw ang tulog -_-
Hinawakan ko yung ulo siya. Ano kayang shampoo niya? Lambot, tsk. Teka bakit ba yan iniisip ko?
Tinitigan ko siya. Naglalaro pa din sa isip ko yung sinabi niyang ayaw niya dun sa litrato. Na naiinis siya
kay Lady. Kung hindi siya si Lady. Bakit sinabi niyang siya si Lady? Pero anong magagawa ko kung hindi
siya si Lady? Mahal ko na siya. Mahal ko na siya.
Mahal ko na nga ba talaga? O nalilito lang ako? Kasi kung nakasama ko na yung isang Lady, maaring siya
pala talaga ang mahal ko? Pero posible ba talaga yun?
Ay naman! Si Mark baka may nalalaman siya dito? Kaso wala akong number niya.
Isip isip
Isip
Isip
Ting!
Ang talino ko talaga. Bakit di ko agad naisip yun?
Kinalkal ko yung bag ni Lady. Tama, pakialamero na kung pakialamero pero kelangan ko talagang
malaman to.
Hinanap ko yung cellphone niya. At buti naman meron. Tinignan ko mga nasa contacts. Curious din ako
kung ano pangalan ko dito. Natuwa naman ako, haha SPICY talaga naka capital letters pa. Tas nadaanan
ko din yung L. Teka. Bakit nandito yung pangalan niya? Lady? Pero ibang number? Huh? Don’t tell me
hindi nga siya si Lady?
Tinignan ko yung mga messages niya. Aldrin. Di kaya magalit si Lady sa akin? Masyado na akong
pakialamero. Pero may gusto akong malaman eh.


From Mark
Oi uwi ka na daw
Hinahanap ka na ni Lady
---end---

Lady? Di ba siya si Lady?
Puro Mark lang halos laman nitong inbox niya. Wala ba siyang ibang mga katext?
Hanggang sa umabot na ako sa dulong dulo!

From Lady:
Ingat ka. Wag pagabi
Ako mapapagalitan sayo eh >.<
---end---

Huh? Lady? Hindi kaya—
*lady calling*
(Lena! Nasan ka na? Madaling araw na oh. Mapapagaitan ako kay daddy nito eh. Lena? Wala nanaman
sa tamang oras yung pag inom mo niyan. Nakakainis ka naman eh. Paano kung mapahamak ka?
Pinagbibigyan na nga kita sa gusto mo. Pero naman Lena. Sumosobra ka na. Tapos si Aldrin pa. Ilang
beses ko ba sasabihin sayo na wag mo siya lalapitan? Hindi naman sa ayaw kong palapitin siya sayo. I
mean. Alam mo namang—)

Hindi na ako makapaniwala sa naririnig ko. Boses to ni Lady. Boses nga niya
to. Bakit pareho sila ng boses ni Lady? At bakit niya tinatawag na Lena si Lady?

“Bakit mo siya tinawag na Lena? Kung ganun totoo yung sinabi niya na hindi siya si Lady? Kelan pa to?
Kelan niyo pa ako niloloko? Magkapatid ba kayo? Kambal ba kayo? Sabihin mo! Nakita na ba kita?”

(Ald—rin, ah—)

Tooooot tooot
Sh*t! Binabaan ako!
Sinubukan kong tawagan ulit kaso cannot be reach na!
Kung ganun hindi talaga siya si Lady? Kung ganun, yung sa litrato, hindi siya? Hindi siya si Lady? Hindi
talaga ako sa kanya in love? Wala talaga ako gusto sa kanya? Yung kaninang babae? Siya si Lady? At sa
kanya yung picture? Siya ba yung taong minahal ko ng 5 years?
Babaeng hinanap ko—
at
babaeng niloloko ako?
Tumingin ako sa babaeng nakahiga ngayon sa kama ko. Sino ba talaga minahal ko sakanila? Siya ba? O
yung babae sa litrato? Ah sh*t! bakit ba kelangan niyong guluhin yung buhay ko!

***

[ON-HOLD] Picture of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon