Chapter 15 : She's not ?

153 8 3
                                    

***


Nagtatawanan sila. Ano ba yan? Close sila? Tsk. At yung lalaki na yan? Sino ba yan? Bakit lagi atang
kasama ni Lady yan? Bakit parang ang close nila?

“Nandito na ako,” bungad ko. Para naman mapansin nilang nandito na ako -__-

“Anak, nandyan ka na pala.”

“Lady pwede ka na pumasok ulit.”

“Talaga? Pumunta pa naman ako dito para sabihin sayo na nasuspend ako! Haha”

“At ang saya mo pa noh?”

“Bakit siya nandito? Sino yang kasama mo?” tanong ko

“Anak wag kang bastos makipag usap, si Mark yan.”

“Mark? Narinig ko na ata yang pangalan na yan dati?”

“Tsk naniniwala na ako sayo Lady.”

“Huh?”

“Kita mo na? Sabi ko sayo eh.”

May secret ba tong dalawa na ito? Kakainis naman oh! Karibal ko ba tong Mark na to?

“Aldrin tara. Inom tayo!” yaya ni Lady

“Tara sige, cool ako dyan! Kala mo tatanggi ako? Haha”

“Tsk bawal ka!” sabi ni Mark kay Lady

“Bawal bawal ka dyan? Di mo ako mapipigil, first time ko iinom kasama ang boyfieee ko!”

Buti nga sayo! Hahaha, bad Aldrin. Hinigit nalang ako bigla ni Lady palabas ng bahay.

“Tita! Aalis na po kami ^___^” hala? Pasigaw sigaw nalang siya ngayon? Ganun na sila kaagad kaclose na
ng nanay ko? Pansin ko lang ah. Close sila nung una palang nagkita. Di kaya magkakilala na sila? Ay hindi
naman siguro?
Sumunod na lang yung si Mark sa amin. Pumunta kami sa isang bar. Grabe tong babae na to, ang wild.
Sayaw-sayaw pang nalalaman. Kung batukan ko kaya? Haha kasi naman, ang landi sumayaw oh! Tsk.
Nakainom na kasi. Yeah nakainom na nga!

“Oi pare, di mo man naalala. Mahalaga ka pa din sa amin ni Lena at syempre pati n din si Lady.” sino naman yung Lena?

“Sino naman yun?”

“Mas mabuti nang di mo na malaman Aldrin. Mas mabuti ng hayaan na lang.”

Weirdo naman tong kaibigan ni Lady. -___- At eto pa. Minsan nagbubulungan sila tapos maya-maya
mag-iiba itsura ni Lady. Yun bang parang malulungkot.
 

“Mauna na ako, ikaw na bahala kay Le—Lady.”

Edi umalis ka. Ayaw kita haha. Tas nakita ko si Lady. Aba loko? Pinagkakaguluhan na siya! Arf aarf! Haha
joke lang. Nilapitan ko na siya. Hinila ko na dun sa table namin. Mamaya mabastos nanaman to eh.

“Aldrin ako ba? KJ di na nga sumasayaw eh.”

Tas lumagok nanaman siya.

“Hoy anu ba? Tama na nga yan!”

[ON-HOLD] Picture of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon