Chapter 20 : Comparison

123 8 4
                                    

***


Sh*t! Anong oras na?
10: 00?
Patay!
Aldrin patay talaga!
Paano kung ang tagal na niyang naghintay? Awwww!!
Ano ba yan!
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Wala ng kain-kain! Tsk. Kelangan ko na pumunta kaagad dun. Baka
matalakan pa ako. Yun pa naman ugali niya. Talak ng talak!
On the way na ako sa meeting place. 2 hours late! San ka pa? 9am ang sinabing oras pero amp! 11 na!
Aldrin! Bakit kasi di ka nakatulog kaagad eh. Kung bakit kasi ang dami mo pang iniisip bago ka natulog!
At sa wakas! 11:30 nandito na ako. 2 hours and 30 minutes! San ka pa? Hala! Nakikita ko na siya. Anong
sasabihin kong dahilan? Nak ng!
 

***

Lumapit na ako doon.

“Sorry I’m late,” sabi ko

Nag-aabang sa isusumbat niya.

“Okay lang. So tara na?”

Huh? Di niya ako pagagalitan? Di niya ako tatalakan?
Teka—
Oo nga pala, ibang tao pala to.
Si Lena pala iniisip ko. Si Lady nga pala tong kasama ko.  -___-

“San tayo pupunta?” tanong ko

“Ahmmm, mall tayo? Nuod tayo sine. Sabi kasi nila maganda daw mga palabas ngayon eh.”

“Sige.”

Siguro kung si Lena to sa mga nakakabading na rides siya pupunta.  -___-
Nanuod na kami ng sine. Ang boring ng palabas. Natapos ng di ko man lang naintindihan. Lumabas na
kami sa moviehouse at saka nagtungo sa mga kainan. Kakagutom.
Sa max kami nagpunta. Aba max? kaming dalawa lang?
Kung si Lena to baka mcdo lang. hahaha
Natatawa tuloy ako. Feeling ko kilalang-kilala ko na si Lena haha. Nakakatawa kasi eh, bata mag isip.
Puro pambata ang alam. Saka isa pa, mas gusto nun sa food court, dami daw pagpipilian na pagkain
haha.

“Hoy Aldrin, nakangiti ka dyan? Anong iniisip mo?”

“Huh? Nakangiti ako? Di nga? Haha ano ba yan. Wala may naalala lang ako.”

“Oh? Ano naman? Share mo naman ^___^”

“Ah? Eh—” teka sasabihin ko ba?

“Parang ayaw mo ata sabihin eh. Sige nevermind na lang.”

Kumain na kami. Walang umiimik. Hmm, pag si Lena to sasabog na tong max. Ingay nun eh -___-
Natapos na kaming kumain pero wala naman kaming napag usapan masyado. Meron pero, yung anong
gusto mong kainin? Meron pa pala!
Yung mga kaibigan mo ngayon? Di ko pa kasi sila nakakausap eh. Unlike si Lena nakakausap niya mga
yun.
Edi punta siya sa classroom ko. Ganun naman ginagawa ni Lena pag free period niya eh. Tatambay siya
dun. Makikisit in. Maya maya tulog hahahaha
Shete! Bakit ba siya iniisip ko? Hahaha
Di ko tuloy mapigilan, napapangiti ako ng di oras hahaha

“Aldrin, tara sa quantum :)”

“Huh?”

“Please?”

“Sige.”

Pagdating namin dun, ayun, may pinapakuha siya sa akin na stuff toy! Ang bakla naman nito! Di ko alam
kunin hahaha
At after 100 years of waiting! At pagkatapos naubos ang aming mga barya!
Ayun! Last na haha
Last na—
Hinulog ko—at—ayun!
Di nakuha  -____-

“Awts >.< di nakuha TT__TT” ay lumungkot? Haha di bale maganda ka pa din Lady

“Teka, papabarya lang ako.”

So ayun na nga, ang 300 ko, naging coins! Musta naman yan? Bumili na lang kaya ako?
Dun sa isang catching machine na nakita ko parang may gusto akong kunin. haha
Yung unggoy! Haha. Bagay kay Lena to, mahilig umakyat sa puno haha
Teka nga, kukunin ko lang haha.
Naghulog na ako ng coin at ayun! Pagkatapos ko maihulog ang pang sampong coin! Nakuha ko din yung
unggoy hahaha.

“Oi, bakit yang monkey ang kinuha mo? Haha.”

“Ah eto ba? Sa kapatid ko. Gusto kasi niya ng unggoy haha”

“Ah, ayos ah :) So kukunin mo na ba yun?”

“Ah, oo nga pala. Teka—”

At ayun, last coin!
Wala talaga.

“Tsk. Sorry Lady. Next time?”

“Sige na nga. Ahm, tara.”

“Saan?”

“Samahan mo ko sa parlor.”

“Huh? Bakit?”

“Magpapagupit ako.”

“Huh? Eh pano na pag nagpalit kayo ni Lena? Paano na siya pupunta sa school?”

“Di na siya papasok. Ako na lang lagi.”

“Huh? Edi di ko na siya—“

“Aldrin akong kasama mo. Please stop mentioning my twin sister. Please? Pwedeng ako muna? Ako na pinili mo diba?”

Sa sinabi niyang yun, naguluhan ako. Pinili ko na nga ba siya? Shet!

***

[ON-HOLD] Picture of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon