Halos mabangga na ang kotseng minamaneho ni Elle dahil sa bilis nitong pagpapatakbo.Talo pa nito ang ambulansiya sa pagpapatakbo.
Nang makarating na ito sa harap ng kompanya ni Dain ay hindi na ito nagsayang pa ng oras at nagsimula nang maglakad ng mabilis.
Nakita niya si Xan Xan na nakaabang sa labas ng opisina ni Dain
"Anjan ba si Dain sa loob ng opisina niya?"halos mawala na ito ng boses dahil sa sunid sunod na hingal nito
Halos nagaalangan ang mukha ni Xan Xan sa hindi malamang dahilan.
"Oo,andito siya"nangangamba nitong sabi habang iwas tingin at biglang pinagpawisan
"May kausap ba siya?Kailangan ko kasi siyang makausap!"halos sigaw na ang pagkasabi ni Elle dito
"Oo pero-"
Hindi pa man tapos si Xan xan sa pagsasalita nito ay walang dalawang isip na itinulak ni Elle ang pintuan ng opisina ni Dain.
Nagulat ito sa kaniyang nakita.Tumayo lahat ng balahibo nito sa katawan at lumamig ang kaniyang pakiramdam.Hindi siya agad nakapag react at nakagalaw.
Nakita niya si Dain na may kahalikan na babaeng maganda.Nakaupo ang magandang babaeng ito sa hita ni Dain nakapolopot ang kamay ng babae sa leeg ni Dain at nakapalibit ang kamay ni Dain sa beywang ng babae.Halos nagiging malalim na ang halikan ng dalawa at sarap na sarap ito sa isat isa.
"Da-dain..."nanginginig na banggit ni Elle sa pangalan ni Dain
Nabigla agad si Dain nang marinig niya ang pangalang binanggit ni Elle.Itinulak niya ang babae saka tumakbong papunta kay Elle oero bago pa man siya makaapit kay Elle ay agad nang tumakbo papalabas ng opisina si Elle.
Tumakbo ng mabilis si Elle palabas ng kompanya habang hinahabol ito ni Dain.
Nagmamadaling binuksan ni Elle ang kotse nito saka sinulang istart magdrive.Naging malakas ang katok ni Dain sa bintana ng sasakyan ni Elle.
Umiiyak si Elle habang nagmamadaling pinapandar ang kotse nito
"Elle!Let me explain!"paulit ukit na sigaw ni Dajn sa bintana nito habang palakas ng palakas ang katok nito.
At sa wakas ay umandar din ang kotse ni Elle ay agad itong nagsimulang magmaneho ng mabilis papalayo sa kompanya ni Dain.Sinubukan pa nitong habulin si Elle pero huli na ang lahat.
Bumalik si Elle sa apartment nito at nagmukmok.Walang magawa si Elle kundi ang umiyak ng umiyak.
Karma ba ito sa kaniya?Dahil hindi niya sinuklian ang pagmamahal ni Dante?Habang buhay nalang ba siya nagiging ganto?
Naalala ni Elle ang mga magagandang sandali na pinagsaluhan nila ni Dain.Hindi lang talaga siya makapaniwala bakit ganun kabilis ipagpalit nito sa iba.Wala lang ba kay Dain ang mga magagandang alaala na pinagsaluhan nila?Hindi ba totoo ang nararamdaman ni Dain sa kaniya?Manloloko ba talaga ito pagkatapos makuha ang virginity ni Elle?Virginity ni Elle nalang ba ang gusto nito sa kaniya?Sex toy niya lang ba talaga si Elle?
Ilan lamang yan sa mga katanungang lumalabas sa utak ni Elle habang nakahiga ito at nakatabon ng kumot habang umiiyak.
Hindi niya akalaing nahulog na talaga ang loob niya sa lalaking hindi naman pala talaga siya pinahalagahan.
Sa puno't dulo pala ay lolokohin lang pala ito.
'Pero hinabol ka niya'
Isang bises ang narinig niya sa isip niya.Sabi ito ng kabilang utak niya.Hindi.Gusto lang nito magpaliwanag para bilugin ulit ang puso't isipan niya para makuha siya.Dahil kung mahal talaga nito si Elle ay hindi ito humalik ng ibang babae o naghanap manlang ng ipapalit sa kaniya.

YOU ARE READING
Illegal Love(COMPLETED)
RomanceIt's been seven years when I was married to the man I love the most.He's Dante Callin,a hardworker secretary of administrative office of Freroist Municipality.I have never look at any better man.For me,he's perfect.He's respectful,god fearing and he...