Previously on the curse Wattpad
hindi pa din kumikibo ang dalaga, hanggang sa bumukas ang bintana at pumasok doon ang malakas na hangin.
Chapter 29
Pumasok ang malakas na hangin sa loob ng bintana, ang dobleng kurtina ay umaalon sa lakas ng hangin, sumasabay sa liwanag ng buwan ang kagandahan ng dalaga, na ngayon ay naka harap sa binata.
mabilis ang tibok ng puso ni alpha anzai , hindi niya maintindihan ang ginagawa ng dalaga. Hanggang sa mapansin niya ang unti unting pag liwanag ng katawan ng ni maya..
Napa iling siya , at hindi maka paniwala sa nakikita. Ang kanyang labi ay napa awang sa gulat at takot .
"M..Maya?..ano it0?. ..bakit ka nag liliwanag?" Kinakabahang usal nito sa dalaga na ngayon ay naka titig sa malungkot na espresyon ng mukha ng binata.Ang naka ngiting espresyon ng dalaga ay biglang napawi, naging malungkot iyon . Hanggang sa umagos ang masaganang luha nito , habang naka titig sa binata. " Pasensya na!!. Anzai!
Natatakot ako na' kapag namatay ako!. Alam kong malulungkot ka!!..at ayaw kong mangyari iyon?" Nanginginig ang bawat salita nito. Na hindi nagugustuhan ni anzai.Naninikip ang dibdib ni anzai ng marinig niya ang salitang namatay, ang kanyang kamao ay naka ikom at nag pipigil ng pag wawala sa kanyang sistema.
Hanggang sa wala siyang magawa' kundi yumuko at kaagad na niyakap ang dalaga ng mahigpit, "H-indi totoo i-iyon..di ba!..maya?" Malakas ang pag hingal na saad ng binata sa dalaga, sa pamamagitan ng pag inhale at exhale ay nawawala ang pag wawala ng binata.
Hanggang sa umagos ang luhang kanina pa ay pinipigilan ng binata, hindi kumibo ang dalaga na hindi nagustuhan ng binata, nanlaki ang mga mata ng binata ng maramdaman ang pwersa na siyang lumalayo sa kanya at sa dalaga.
Umaangat ang katawan ng dalaga , palabas ng bintana , alin sabay niyon ay ang malakas na sinag ng buwan.
"Hwa..hwag!!.ma..Maya!!. h-wag pakiusap!" Napa hinto ang binata ng maramdaman ang kahoy na huma harang sa pagitan ng bintana.The Real World..
"Iha'? Kumusta? My masakit ba sayo?" Kinakabahang usal ng matanda sa dalaga, hindi kasi nag sasalita si criselda, tanging magagandang mga mata nito ang naka titig sa mata ng matanda at ang nasa paligid.
Ilang Segundo lang ay nag salita rin ang iba pang kapwa katulong Kay criselda, " wow totoo nga! Nana ising .. ang ganda talaga ng mga mata ni criselda!" Hindi maka paniwalang saad ni mell , naka ngiti lamang si nana ising habang naka masid sa mga katulong na kabataan.
"Hay naku!!.nakaka inggit naman ang kagandahan niya?..ng mag sabog ang langit ng kagandahan?..sinalo niya na lahat!" Napa tawa na lang ang mga nasa loob ng private room.
Pero si criselda ay ngiti lang ang iginawad niya sa mga kasama, nag taka man kung bakit bumait ang mga nasa paligid niya, pero hindi niya na balak pang mag tanong. Bigla ay my pumasok na aalala sa isipan ng dalaga.
Tumango ang moon goddess sa nais niyang salita, ngumiti naman si criselda dahil sa wakas ay pinag bigyan siya ni moon goddess ng good farewell..
Farewell ang kanyang pakay kaya siya bumalik at my konting oras na lang siya, nararamdaman ni criselda ang kanyang puso na unti unti nang humihina. Napa lunok muna siya bago mag salita.
"Nana ising?.. maraming marami pong salamat sa pag aalaga nyo sa akin" ngumiti ang matanda sa sinaad ng dalaga. Pero andun pa din ang pag iling. " Iha' hindi ka dapat mag pasalamat sa akin...marami kang sakripisyo na ginawa , upang itago ang napaka ganda mong mukha!..kaya Isa lamang iyan na patunay ..na napaka buti mong Bata!" Tumango tango si criselda , habang naka ngiti sa matanda.
Natuwa ng konti ang dalaga nang makita ang hindi kilalang lalaki sa sulok "sino ka?" Muli ay saad ng dalaga sa lalaking taga linis.
Napa tirik na naman ng mata si nana ising, dahil sa pag ka chismoso ng lalaki sa kanilang likuran."Hay naku! .. iha hwag mo nang pansinin iyan!. Palagi iyang nandyan kahit tulog ka! Dalaw ng dalaw!" Muli ay parinig ng matanda sa lalaki. Naka ngiti lamang ang lalaki. Wala itong paki elam sa paligid.
Napa ngiti ang dalaga sa lalaki, "salamat sa pag bantay mo sa akin, huh!" Mahinhin na saad ng dalaga sa binata, Napa kamot sa batok ang binata dahil sa sobrang kaba na kina usap siya ng kanyang crush.
Muling bumaling ang paningin ni criselda sa paligid. "Maraming marami pong salamat sa inyo!..mga kasama!" Napangiwi ang mga ito sa sinabi niya.
"Ano ka ba?..crisel ...para kang nag papaalam niyan!" Ngumiti si criselda kay mell, saka tinitigan Isa Isa ang mga kapwa niya katulong."Nag papaalam na po ako sa inyo!" Sa sinabing iyon ay nan laki ang mga mata ng matanda at ang mga katulong sa sinabi niya.
Humiga muli si criselda sa kama at saka muling pinakiramdaman ang sarili, humihina na Ang kanyang pulso. Nararamdaman din iyon ng monitor sa gilid na siyang ikina alarma ng matanda, "mell tumawag ka ng nurse at doctor!!. Dali!" Kaagad na utos nito sa babaeng katulong.
Sa takot ay Dali daling tumakbo ito palabas ng kwarto at ngayon ay naiwan sa loob ang tatlong katulong at isang lalaki, na ngayon ay nag pipigil ng luha. "Anak hwag kang bibitaw , malalagpasan mo ito!" Lumuluhang saad ng matanda sa dalaga.
Lumunok muna ang dalaga at saka muling ngumiti sa matanda, " nana ising!!. pasensya na Kung naging selfish ako!..ito na lang ang paraan para maka Ali's ako sa hirap na nararanasan ko!..ayoko na!..ang sakit sakit na po, siguro ito na ang ...naka takda para sa akin!" Mahabang saad ni criselda, Napa luha na rin ang mga katulong sa narinig kaya nag papadyak na si hana.
"Ang tagal naman ng doctor!" Naiiyak na Saad ni hana. Bahagyang Pumikit si criselda na siyang ikina alarma ng matanda. "Criselda!..lumaban ka!" Yugyug ng matanda sa katawan ng dalaga, pero walang response.
Hindi nag tagal ay nag straight ang line ng monitor, kaya nag histerikal ang matanda." Criselda!!. criselda!.huhu..anak!.. pasensya na kung hindi ko sayo na Sabi! Ito!" Humikhikbing Saad ng matanda.
Nag taka naman si hana, kahit na umaagos ang kanyang mga luha, " anong sinabi niyo?.. nana ising?" Kinakabahang usal niya sa matanda.
"Oo hana!..anak ko si criselda!... biological mother niya ako!" Nagalit si hana sa sinabi ng matanda.
"Bakit ngayon nyo lang sinabi iyan!..at bakit niyo iniwan si c criselda sa bahay ampunan!" Lalong lumakas Ang iyak ng matanda sa sinabi ng dalaga , daig niya pa ang nasampal ng katotohanan.
"Sorry!.. sorry!.. Kaya ko lamang nagawa iyon , ay dahil ... menopause baby ko siya!.hana!..Hindi ko pa kaya na masostentohan ang pangangailangan niya, sorry!" Napa sabunot na lang ng buhok sa inis ang dalaga na si hana. Hindi nag tagal ay dumating ang mga doctor at nurse.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Curse ( WATTPAD ) Book 1
Hombres Lobo(COMPLETE STORY) This is a werewolf story"** How? If you are a Simple Reader Ng Wattpad, at bigla ka na lang napasok sa loob ng storing hindi mo pa nababasa." Once lang lumabas sa isang taon ang Curse Wattpad na inaabangan ng karamihang reader. W...