CHAPTER 32

42 2 0
                                    


Previously on the curse Wattpad book 1

Muli ay ngumiti ang diwata at nag salita, " magaan ang loob ko sayo, at alam Kong hindi mo pababayaan ang Bata!" naka ngiting espresyon ng diwata, hawak hawak nito ang sanggol na hanggang ngayon ay napaka tahimik.

CHAPTER 32

#the TRUTH P2

Napaka tahimik ng sanggol na wari'y ba'y mayapa na kasing hinahon ng dagat, dahang dahan na lumapit ang diwata sa ginang, "sayo ko na pagkaka tiwala ang munting anghel na ito!" Malamyos na tinig nitong banggit sa ginang, hindi maka paniwala ang ginang sa sinabi ng diwata.

Andoon pa din ang pag aalinlangan,
Nang ilipat ang sanggol sa ginang ay
masayang ngumiti ang diwata sa ginang at dahan dahan naman nitong hinawakan ang munting anghel na kalong ng ginang, " mag paka bait ka huh?" Maikli ngunit may lambing na saad nito, muling bumaling ng tingin sa ginang ang diwata.

"Nanay ising!!. Hwag kang mag alala sa hinaharap!!. Kahit kuhanan ka pa ng dugo at ipares sa kanya!!. magiging match ang dugo ng bata sayo!!..dahil...pinili ni Kita!" Malambing at malamyos na saad ng diwata, hindi nawawala iyon sa isip ng ginang..

Habang iniisip niya iyon, ay kinakabahan siya at kapag sinabi niya iyon ay baka sabihin sa kanya na Isa siyang baliw, kaya mas nanaisin niya na lamang ang maging malihim.

Biglang nawala ang diwata at naging malikot ang mga mata ng ginang, hinahanap ang diwata na nag bigay ng sanggol, "miss nasaan ka??.. papaano na yung sanggol!!. Kahit nga ako walang trabaho!" Mangiyakngiyak na Saad ng ginang.

Wala siyang choice kundi ang mag lakad lakad at mag isip kung papaano
makakapag hanap ng trabaho at kung papaano rin maalagaan ang sanggol..
pero sa huli wala siyang maisip na idea kung saan siya mag tatrabaho..
hanggang sa inabot na si nana ising ng gabi. sa kaka isip niya ay biglang napawi ang kanyang pag iisip ng Makita ang Angels of Haven isa iyong
Bahay ampunan para sa mga Bata.

Iniisip din ni nana ising na kapag nai lagay niya ang bata ay mabilis itong maampon ng mga mayayaman at magiging magaan ang buhay ng bata Doon, na buo ang pasya ni nana ising,  dinala niya ang bata sa gate ng bahay ampunan, at bago umalis ay malakas niyang hinampas yung gate.

Ilang Segundo lamang ay lumabas ang madre at galit ang espresyon ng mukha nitong sinulyapan ang nag ngahas na hampasin ang gate ng bahay ampunan. pero nawala ang inis niyang iyon ng makita ang sanggol sa tapat niya

Masyadong cute ang bata para hindi kuhanin, at para maka sigurado ay lumabas ang madre at sinulyapan ang paligid, nag taka pa ito ng makita ang lang ang sanggol sa kanilang orphanage. malungkot na ipinasok ng Madre ang bata sa loob, simula noon hindi na alam ni nana ising ang nangyari sa Bata.

*******

Kaya ng marinig ni nana ising ang kuwento ni criselda ay hindi niya maiwasang malungkot at hindi siya nag pahalata na siya ang nag dala sa dalaga sa bahay ampunan, simula noong baby pa siya, pero hindi mawala sa isip niya pag ukilkil ng kanyang konsensya.

Ng ilibing na ang dalaga ay malaking katanungan pa din sa amo at katulong ang pagkakaroon ng anak ni nana ising, pero nanatiling tahimik ang matanda..dahil bago pa lamang ilibing si criselda ay my kumausap sa kanyang panaginip.

Ang babaeng diwata na nag bigay sa kanya ng sanggol,  hindi na nagulat pa ang matanda at sa kanilang pag haharap ay Doon lang lumabas ang pag hihinagpis ng matanda. naawang niyakap ng diwata si nana ising at saka hinimas ang likod nito , sa pagitan man lang noon ay mawawala na sakit na nararamdaman ng matanda.

Nag kuwento si nana ising tungkol sa sanggol na binigay ng diwata at ngayon ay patay na ito , pero ngumiti lang ang diwata na para bang walang problema.. nagulat man si nana ising ay hindi niya na magawa pang mag tanong, pero sinagot iyon ng diwata.
" Salamat sa pag dala mo sa kanya sa bahay ampunan!!. Kahit Alam mong hindi mo kaya pag aalaga sa kanya, inisip mo ang kanyang kapakanan!!
At ngayon ay kasama ko na siya!..". huminto siya sa pag sasalita at ngumiti ng matamis sa matanda.

"Hwag ka ng mag alala pa nana ising!" Iyon lang at biglang nag laho sa panaginip ni nana ising ang diwata. magaan ang loob na nag trabaho si nana ising , alam niyang ma mimiss din niya ang dalaga, ngunit Wala siyang alam kung nasaan ito , kaya ipag pa patuloy Niya na lang pamumuhay..







Wolf Realms

Samantala!!.

Nangingiti si criselda ,dahil sa ka wirduhan ng kanyang mate na si alpha, Wala kasing tigil ang alpha sa kaka luto ng pagkain at pag hahatid nito ng pagkain sa kwarto nila, ayaw man niya na Doon matulog ay wala siyang magawa'

dahil mapilit ang binata at gusto daw nitong maka bawi, pero ang nakakapag taka lang sa pakiramdam niya ay bakit hindi siya maka Tayo, pakiramdam ni criselda ay hindi niya maigalaw ang mga binti, kaya ngayon ay hiyang hiya siya kapag binubuhat siya ni anzai . At dina dala sa pa palikuran, hanggang sa isang araw.

Nag kaka gulo ang pack dahil sa pag lusob ng moonlight pack, kaagad na dumating si sarah kay criselda na nag aalala , at kasama na doon ang kaligtasan ng buong Skyrisk pack.
"Criselda!!. Kailangan na nating umalis!" nag mamadaling saad ng ginang sa kanyang anak,

hindi maka paniwala sa nakikita at naririnig ang dalaga, bagkus ay kaba ang namumutawi sa kanyang pag damdamin para sa alpha, isang matigas na desisyon ang naisip ni criselda.

"Hindi ako aalis!" Matigas na saad ni criselda na ikinagulat ni Sarah, umiling iling ito at umiiyak na sa takot
" Hindi pwede!!. Kaya na ito ng mga kalalakihan at ng alpha!" Paliwanag pa nito, pero muling umiling ang dalaga.

Sinubukan ko ni criseldang tumayo sa kama at kahit nahihirapan ay kagat labi siyang humakbang at lumakad palabas ng kwarto, hahawakan Sana siya ni Sarah ng mag salita siya.
"Hwag!!. Huwag mo kong hahawakan!!. Please!!.. pakiusap!. Luna nyo ho ako!. Kaya ko to!.. hindi ako dapat umasa , na laging my mag bubuhat sa akin!" madamdaming saad nito sa kanyang tinuring na ina.


Hirap man sa pag lakad ay kaagad na nawala ang sakit ng makarating siya sa kabilang kwarto, iyon ay ang attic , sinundan siya ng ginang Doon, " ano ba ang gagawin mo anak!!. Ang lahat ng mga babae at matanda ay naka tago na ..ikaw na lang at ako ang nandito!" Mangiyakngiyak na saad nito, maski sa mukha ng ginang ay malaki ang takot para sa asawa na nasa digmaan.

Marami ang mga umaalulong kapag nasusugatan, muli ay umiling iling ang dalaga, " magagawa pa ho ako!" Sa wakas ay matatag na wika ng dalaga sabay kuha ng maraming palaso at pana sa loob ng drawer.

Hinihingal siyang nag lakad papunta sa bintana , at Doon pumasok , palabas ng binatana ng mansion..
takot na takot ang ginang na baka mahulog ang kanyang itinuring na anak..

"Anak!!. Hwag mong gawin ito.. pakiusap!!" Pag mamakaawa pa nito na lalong ikinainis ng dalaga.
"Kailangan ko silang tulungan!!" Matigas na saad ng dalaga, at sa wakas ay naka hanap na siya ng pwesto at pina-nood ang mga lobo na nag lalaban sa ibaba,

Masyadong madilim upang siya'y makita pa sa itaas, Gabi at walang takot na hinarap ng dalaga ang matinding panganib,



Author Notes

Ano na kaya ang mangyayari sa ating bida?..

Abangan sa susunod na Chapter!!

#The Battle part 2









TO BE CONTINUED...



The Curse ( WATTPAD ) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon