CHAPTER 18

52 6 0
                                    

★★★

"Ang galing mo nang pumana anak!!" Nakaka tuwang marinig iyon Kay itay Jacob. Dalawang oras na kasi akong nag tetraining para ma perpekto ko ang pag asinta sa bilog na kahoy.
Ayoko kasing maging pabigat. Kaya kailangan mag sumikap, Isa ito sa dapat kong gawin dahil tao ako at dapat ay ingatan ko ang sarili ko sa lahat ng oras.

"Anak my trabaho ka pa sa mansion! " Paalala sa akin ni inay, ngumiti ako Kay inay saka kumuha ng  isang tinapay saka pumasok sa loob ng aming bahay upang mag asikasong maligo. Pagkayari kong maligo at mag asikaso sa sarili ko. Inayos kong muli ang itsura ko. Ang manipis kong kilay ay tinapalan ng makapal. At Yung ilong ko ay dinikitan ng pekeng ilong, inilagay Kong muli ang tigyawat at salamin sa Mata ko.

Ang kinalabasan ay ugly nerd Kung tawagin sa mga tao, lumabas na ako NG aking kwarto, sinalubong ako ni inay nalukot Ang mukha. "Anak! Kailan mo Kaya! Balak nanaising ipakita ang totoo mong mukha?"malungkot pero my pag aalalang tinig ni inay.

Ngiti ang iginawad ko Kay inay ng banggitin niya sa akin ang katagang iyon, wala akong maapuhap na sasabihin sa kanya, dahil Alam kong pag sasabihan lang ako o papangaralan, ibinaba ko ang mga arrow sa gilid ng sala saka pumunta sa kusina , Alam ko na naka sunod sa akin si inay upang marinig ang mga gusto niyang marinig.

"Anak?.. natatakot ka bang!!.. Makita NG ibang weremanoid na Isa Kang tao?" Malungkot na isinan tinig ni inay sa akin. Halata sa emosyon ni inay ang labis na kalungkutan dahil sa ganito ang aking itsura, natahimik ako.

Iniling ko ang aking ulo tanda ng pag Kaka Mali ni inay sa kanyang iniisip.
"Bakit anak?.. ano bang balak! Mo?" Muling tanong niya sa akin, sa iba ako tumingin na my lungkot ang mga Mata. "Inay!..mas gusto ko na po ito!. Tahimik... Walang gulo... Walang mga man liligaw!.. walang tumi tingin sa akin.. atlis!. Hindi po ako nasasaktan masaya na po ako do0n!" Malungkot kong palatak sa kanya.

Hinimas ni inay ang aking likod, pag dakay niyakap Niya ako ng mahigpit.
Ito ang kailangan ko, ang yakap, ang saglit na pag aaruga ng isang magulang, pero ang reyalidad ay patay na sila, .... Masaklap man pero dito Isa lang akong ampon. .pero ok na ako kung anoman ang meron ako.

"Shush!..mas ok na yan anak!..hwag mo nang ilabas ang totoo mong mukha!." Hindi ko pala namalayan ang pag tulo ng luha , kainis, ang kahinaan ko ay ang mga magulang ko

Hindi ko sila Makita, noong Bata pa ako, pangarap ko noon na kapag nakapag ipon ako, hahanapin ko sila.

Tapos hindi ko na sila tatanungin Kung bakit nila ako iniwan sa bahay ampunan. Baka siguro Wala na silang pampakain sa sanggol kaya iniwan sa ampunan. Baka nag hihirap lang siguro sila kaya hindi nila ako kayang palakihin. Pero masakit ding isipin na Kaya siguro ako iniwan ni inay sa ampunan ay dahil .. ni rape siya ng itay Kaya masama ang loob na alagaan ako, Ang siste ay pinabayaan ako sa bahay ampunan. Ang daming umuukilkil sa sistema ko pero agad nag laho iyon ng iniharap ako ni inay sa kanyang mukha.

"Anak!. Hwag Kang mag alala!! Kahit anong mangyari!! Andito Lang kami ng itay mo!! Kasama si Claudia!" Gumaan ang pakiramdam ko sa mga salita na binigkas ni inay sa akin. Pinunasan ko ang luhang dumulas sa aking pisngi, saka matatag na sinalubong ko ng titig sa mga Mata si inay.

"Inay!!. Di ba po! My contest na gaganapin next week?..." Masiglang Kong isinan tinig Kay inay. Lumukot ang mukha nito sa akin, saka kinurot ako sa tenga,"akala ko ba!!.. ayaw mong ipakita yung mukha mo?.. pero bakit ngayon nag bago ang isip mo?" Ayaw ko sana , kaso .

Flashbacks

Noong nakaraang linggo, kasama ko si clad na mamili ng vegetables and meats sa pamilihan ng my madaanan kaming tindahan ng mga laruan.

Namimilog ang mga Mata nito sa tuwa ng maka Kita ng manika na halos kalahati na nang kanyang katawan.
Lumapit kami sa tindahan ng mga laruan. Pa simple kong tiningnan ang sales doll na iyon. Nan laki ang mga Mata ko sa presyo niyon.

Nag kakahalagang tatlong libo. Wala akong pera sa pitaka. Binigay lamang ni itay sa akin ang isang libo para sa gulay at karne. Sa mansion naman. Hindi nag papa sahod ang alpha. Ang sinasahuran niya lamang ay ang mga alagad niya, pero ang mga babae Hindi.

Kung baga, swerte mo na Lang kung maging katulong ka Doon, napag alaman ko kasi na namimili ng katulong ang alpha, ...pero ang nakakapag taka lang ay bakit ako pinili ng asong iyon?.

Si itay ang ang my sahod , pero si inay Hindi. Na isip ko tuloy ang contest. Kapag nanalo ako sa patimpalak, magkakaroon ng prize, first prize is ¥20.000 masyadong malaki na iyon, para sa Amin.

Malaki laki ang maitatabi Kong pera, at ma ibibili ko na ng manika si clad.
Ang second prize na man ay, ¥10.000 Hindi na masama , pero kailangan Kong subukan, kahit ma punta ako sa third prize ok na, ang third prize kasi ay ¥5.000 , Ang mahalaga ay maka bili ako ng manika niya, napag alaman ko kasi na next Month ay birthday na ni clad. Mag te ten years old na siya,

Pagka yaring hawakan ni clad ang manika, ay saka naman Niya ako hinila, paalis sa lugar,"clad?..gusto mo ba ang manika na Yun?" Wala sa loob kong tanong sa kanya, ngiti lang ang iginawad niya sa akin.

"Ok lang po!! Ate clad.. Alam ko Naman po na Wala tayong pera Kaya hindi na bale na lang po!" Pagkukunwari Niya sa akin, kahit na ganoon ay ramdam ko ang lungkot sa tinig niya,


Na balik lang ako sa reyalidad ng matitigan ko si clad na nag lalaro sa labas ng kusina, "Hindi na lang po ako mag papa buko na ako ang hinahanap ni alpha! Inay!" Mangungubinsi ko Kay inay. huminga muna ito ng malalim saka lukot ang kilay na sinalubong ng titig sa mga Mata.

"Anak!! Kahit anong mangyari !!.. susuportahan ka namin ng itay Jacob mo!! Kaya ikaw ang bahala!" Mabilis kong niyakap si inay sa tuwa ng marinig ko iyon sa kanyang mga labi.
"Maraming maraming salamat po inay!.. gagawin ko po ang lahat para Hindi ma bisto!!" Masigla kong Sabi Kay inay.

"Anak!.. hwag mong kalimutan na matalas ang pang amoy ni alpha kaysa sa mga pang karaniwang lobo!! Tatandaan mo Yan!" Sa sinabi ni inay ay nag taasan ang mga balahibo ko.bahagya ay nag isip ako ng dapat gawin. "Hmn!... Inay myroon po ba dito sa lugar ng albularyo?"

"Anong albularyo anak?" Nag tatakang tanong na Saad nito sa akin
Hala ibig sabihin Wala silang mga mangkukulam ganon?.. paano ko itatago ang amoy ko sa alpha.

"Inay mag papagawa po sana kasi ako ng mahika para saglit na matakpan ang amoy ko sa contest!!" Pagpapa liwanag ko Kay inay. Umupo sa kalapit na bangko si inay saka nag isip

Nag liwanag ang buong ekspresyon nito sa akin," anak!! Meron akong Alam!.. sa mang gagaway!!" Mungkahi ni inay sa akin.


{Mang-gaga way} =  Kung tawagin sa pilipinas ay mang kukulam, witches  sila ang mga mang gagaway na gumagawa ng potion. 




To be continued 🤗

The Curse ( WATTPAD ) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon