KABANATA 6

60 9 0
                                    

K-6

Ising linggo na rin ang naka lipas Simula noong naka punta ako dito sa hindi ko kilalang village. Doon ko din nalaman na sila ay mga werewolf . ang pamilyang nag alaga sa akin , Sa umpisa nagulat ako, hindi ko aakalain na totoo pala ang mga werewolf . (half human , half wolf) kala ko sa mga fantasy lang sila makikita o sa movie , hindi ko aakalain na nasa harap ko na sila at nakaka usap pa. Simula noong dumating ako sa kanilang pamilya pinakita nila sa akin ang pag mamahal na matagal ko nang hinahanap. Sa kanila narin ako nakatira.

Kapag nasa bahay ako, tinatanggal ko ang aking disguise para naman daw guminhawa ang pakiramdam ko. Sa totoo lang makati talaga ang pag didisguise , Promise!! Buti na lang nakaya ko itong gamitin ng
3 tatlong taon sa mansion na yun pero buti na lang din hindi rin ako na pano., kasi kapag nalaman nila ang totoo Kong itsura malamang baka lalo lang magalit sa akin ang mag INA na yun at baka mapa talsik lang ako. Haaaiiyyy!! Ngayon pakiramdam ko nasa totoo na akong pamilya. Nalaman ko pala na si papa jacob ang dating Gamma ng Skyries village na ito. Nag retiro nga lang dahil matanda na , si mama Sarah naman nalaman ko din na nag tatrabaho siya sa mansion ng pinuno ng village dito. Ang Skyries Mansion kada 5 beses siyang pumapasok sa mansion ng skyries , at kapag sabado linggo naman sa pamilya naman.






Minsan tuloy naawa ako Kay mama Sarah kasi . siya lang ang nag tatrabaho samantalang si papa jacob naman twing gabi my ronda sa buong village.  Kaya panatag akong ligtas sa piling ng mga gloverins , yap!! Tama kayu ng basa Gloverins ang apilyido nila kaya pati ako, ganun narin ang apilyido. Kapag nasa bahay cecil na ang pangalan ko , kapag nasa labas criselda kasi naka disguise ako, hindi ako sanay sa titig ng ibang tao. Kaya naka disguise ako , hindi baleng panlalait ang marinig ko , kesa naman puri at inggit , minsan kapag puri at inggit ang namayani sa puso ng nilalang , pwedi itong ika pahamak ng inosenteng ni lalang. Kaya mas pinili ko na lang ito.



Napa ka bibo itong batang ito na si Claudia itinuring ko narin itong tunay na kapatid, kahit ilang araw palang ako sa kanila ,  napaka saya niyang kasama at napaka daldal din, sa totoo lang kung my tunay lang akong pamilya ? Gusto ko din magka roon ng kapatid na makulit , kaso lamang napaka lupit talaga ng tadhana at hindi sa akin yun binigay. Atlis ngayon naiparamdam nila sa akin ang pagmamahal ng isang pamilya.



Sa totoo lang nahiya ako sa umpisa, pero sinabihan nila ako na wala din lang akong  pamilya kaya sa kanila na lang daw ako tumira, tuloy naman eh parang tunay na anak na ang turing nila sa akin. Habang tumatagal naramdaman ko sa kanila iyon kaya wala na akong mahihiling pa.


Nag luluto na ako ng sinigang ng marinig kong dumating si mama Sarah. "Oh ! Ma!! Bakit Napa aga ata kayu ng uwi?" Taka Kong tanong kay mama, kalimitan kasi inaabot si mama ng 8 ng gabi. Pero ngayon 6 ala sais pa lang naka uwi na.




Pumunta sa kusina si mama at humalik muna sa aking pisngi bago  sagutin ang tanong ko.
" maaga akong umuwi anak para maaga akong maka pag bonding sa inyo ng papa at kapatid mo" malambing na turan ni mama, iyan ang gustong gusto ko Kay mama ang pagiging malambing. Narinig Kong tumatakbo pa puntang kusina ang makulit na bulinggit nag sawa na siguro sa kakalaro sa sala kaya noong marinig si mama eh. Nag tatakbo sa sobrang saya.




"Mamaaaahhh!!! " sigaw naman ng cute Kong kapatid kapatiran. Nasi Claudia . umiirit pa ito habang tumatakbo kaya lalo pa kaming napatawa. Binuhat ni mama si Claudia at pinugpog ng halik , "hhmmm!! Hmmnn!! Ang cute cute ng anak koohh'!!" Gigil ni mama, si Claudia naman lalong nilakasan ang pag irit. Kaya lalo tuloy akong na cutan sa kanya.


"Oh!! Sige na po mama! I reready ko na po ang pagkain natin!!"  Sabi ko Kay mama, tumango naman si mama bago ulit mag salita , " oh sige anak!! Mag papalit lang ako ng damit hah!" Si mama Sarah, ako naman ay tumango at tyaka nag seryoso na sa pag hahain ng kanin at ulam.




Saktong ka lalagay ko na ng pagkain sa salamesa ng dumating si papa Jacob sa sala. Galing kasi sa pag babantay sa buong skyries village itong si papa Jacob kaya inaabot na ng 6:30 pm. Tinawag ni mama si papa upang yayain ng kumain.
Nakita Kong kiniss ni papa sa noo si mama saka inakbayan papuntang kusina, kinilig naman ako para sa kanila, ang cute kasi nilang tingnan, pagka kita ng bulinggit na si Claudia sa papa niya ay agad niya itong pinuntanhan upang magpa karga, naka ngiti namang kinarga ni papa Jacob si Claudia,


Huling Baso at pitsel ng tubig ang nireready ko, bago sila nag si upo. "Wow!! Ang dami naman ng niluto ng ate mo clad!!" Naka ngiting turan ni papa kay Claudia. Humahagikhik namang tumango si clad, sabay sabing,
"Opo!! Papa shigurado masharap po lahat iyan!!" Naka tawang sabi ni clad(Claudia) naka ngiti lang ako sa kanila habang tinitingnan ko sila,




"Oh siya!! Kumain na tayo! At lalamig na ang inihanda ni ate!!" Malambing na wika ni mama Kay papa at Kay clad. Saka nag Simula na kaming mag hapunan.
Nang mayari na kaming kumain, ako na rin  sana ang nag liligpit ng pinagkainan ng pahintuin ako ni mama. "Anak! Ako na ang mag liligpit nito , sige na!" Wala na lang akong magawa ng si mama na ang nag kukumuha ng pinagkainan,


Pinapanood ko si mama sa pag liligpit ng kalbit kalbitin ako ni clad.kaya Napa tingin ako sa paslit."hmmn!! My kailangan ka clad?" Ako na nag tatanong, Malay mo my kailangan pala ang paslit kaya, why not,




Ngumiti Muna siya bago mag salita."ate crisalda!! May papakita ako sayo!! Dalii!!" Hitak sa akin palabas ni clad , naku curious naman ako kaya nag tanong ako."ano yung ipapakita mo sa akin?" Ako  sabi ko Kay clad, okay lang naman sa akin na lumabas sa gabi na walang disguise, gabi naman tyaka wala naman sigurong makaka kita sa amin. Saan kaya ako dadalhin nitong bulinggit Kong kapatid.?







A/N; thank you guys, I hope na nagustuhan nyo po ito!!"

The Curse ( WATTPAD ) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon