Part Three: Sunflower
ISANG linggo na ang nakakaraan noong nag-agahan kami nina Zian at hindi ko na rin siya nakita.
Nasa loob lang kasi ako ng maliit na silid ko. Lalo pa kasi nitong nagdaang araw ay mas lalo akong nanghihina. Napapagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Kaya nakakatamad ding gumala.
Lumabas ako ng bahay nang maramdaman kong maayos na ang pakiramdam ko at nagulat pa ako nang madatnan ko roon si Zian, he's wearing a white V-neck t-shirt and dark brown short. He's handsome. Bagong ligo rin siya.
"Zian?" Hindi ko alam kung bakit tinawag ko siya.
Natawa ako nang napapitlag siya at unti-unting lumingon sa akin.
"You scared the hell out of me but anyway, thanks to God na lumabas ka na sa bahay ng lola mo," aniya at lumapit sa akin.
He bring sunflower again?
"For you, my Lady," aniya at tinanggap ko naman ang sunflower.
"Bakit mo ako binibigyan nito?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Because I want to," aniya.
"Why?"
"Wala lang, isang linggo na ako naka-abang sa labas ng bahay ng lola mo dahil gusto kitang makita kaso hindi ka naman lumalabas. Then I'm happy to see you today," nakangiting sabi niya.
Bakit masyado siyang straight forward? Bakit gusto niya akong makita? At bakit naman masaya ako? Achkk! Parang masaya nga ako!
"Why?"
"Because I want to see you, gusto mong mamasyal?" pag-aaya niya sa akin.
"Ayaw," sabi ko.
"Sige na please... Please, Ella."
B-bakit ang cute niya?"Ayaw, baka pagalitan ako ni mama," sabi ko kahit na hindi naman ako pagagalitan ni mama.
Masaya pa nga iyon kung lalabas ako but I'm not comfortable. I mean, kinakabahan kasi ako kapag nasa tabi ko siya.
"Actually, pinagpaalam na kita kay ninang, eh. Sige na please? Pretty please?" Hindi kami close but his too persistent and he's cute.
"Fine," pagsusuko ko at lumawak naman iyong ngiti niya.
Namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong hinawakan sa braso at maingat na hinila sa kung saan.
***
Napakurap-kurap ako nang makita ang aming sasakyan papunta sa kung saan man.
"Sakay na?" aniya.
Kumunot naman ang noo niya n'ong makita 'yong ekspresyon ko. Takot...
"Don't worry, you're safe with me, I won't let you to get hurt, my lady," aniya at kumalabog ang puso ko. Bakit ang lambing niya?
I breath in at lumapit sa kanya.
Nagulat naman ako nan bigla niya akong hinawakan sa magkabilang baiwang ko at binuhat para makasakay sa big bike niya. He smiled at me at sinuotan ako ng helmet.
"But how about you?" I asked.
"Don't worry about me, I'm fine, "aniya at sumakay na lang siya.
Hinawakan niya ang kamay ko kahit na nakatalikod siya at dinala sa baiwang niya.
"Hold me tight, my lady," wika niya at ginawa ko naman ang utos niya.
Nagulat ako nang mabilis niya itong pinaandar at mas humigpit pa ang kapit ko sa baiwang niya. I felt his hard abs? What the... Palagi na lang akong nagugulat!
"I'm sorry, my Lady," aniya at dinahan-dahan ang pagmamaneho niya.
I rested my head on his back at ramdam ko ang pagkatigil niya at huminga nang malalim. I'm happy to finally meet him.
***
Masayang tiningnan ko ang paligid, nasa isang malaking garden kami. Maraming sunflower ang nakatanim dito.
"Do you like it?" he asked behind me.
"No... I love it, kaninong garden ito?" manghang tanong ko. Baka sa mga oras na ito ay nag-twinkle-twinkle na ang mga mata ko dahil sa labis na kasiyahan.
"Mine," sagot niya, mabilis na lumingon ako sa kanya.
"Sa 'yo?" I asked again.
"Yes," he replied at binalik ko ang tingin ko sa mga sunflower.
"I love this place...so much."
The moment I saw the sunflower, I forgot my condition. How I wish na hindi na ako makakaalis sa lugar na ito.
"Thank you for taking me here, Zian," nakangiting sabi ko sa kanya.
"You're welcome, it's my pleasure to finally take you here. I'm happy," he said.
"Come on, maglakad-lakad tayo," aniya at mabilis na tumango ako.
Hindi na ako nagulat nang hawakan niya ako sa kamay at pinagsiklop ko naman ang mga daliri namin.
He looked at me with his shocked expression. Nginitian ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hinawakan ko naman ang mga sunflower kapag napapadaan kami.
Ang sarap sa pakiramdam ng nahawakan ko ang malambot na sunflower.
Nagulat ako ng may nakita akong picnic blanket sa damuhan. May ganito sa loob ng sunflower? I mean sa garden?
"Pahinga muna tayo," aniya at inaya akong umupo.
"Baka pagalitan tayo ng may-ari," sabi ko.
"This is mine, actually I prepared this week ago," he said and he bit his lower lips. He's hot when he do that. Na-tetemp akong halikan siya.
"Don't bit your lips, please," I said at nagulat siya pa siya sa sinabi ko.
"Why?" kunot-noong tanong niya.
"Because... You're handsome and hot when you do that," I said and I heard his soft chuckled. Damn! His sexy voice.
"Whatever, you want juice?" he offered me the orange juice.
"Sure," tugon ko at binigay sa akin ang baso tapos sinalinan naman niya ng juice.
"Sandwich?"
"Yes please, thank you, Zian!"
"No problem my lady," aniya at sabay kaming ngumuya ng sandwich.
"How old are you Zian?" Now I'm comfortable to be with him. Ang sarap niyang kasama. Magaan sa pakiramdam.
"25, ikaw, 20 right?" Zian.
"How'd you know?"
"Ninang, second year college ka na taking up Business Administration?" Zian and I nodded.
"That was nice course."
Matapos kaming kumain ng snack ay humiga kami sa picnic blanket at nag-kwentuhan pa. Natutuwa ako, nakakatuwa ang ganitong feelings at bago lang ito sa akin.
Sana huwag nang matapos pa. Gusto ko ganito na lang.
#STD
BINABASA MO ANG
Scared To Death (COMPLETED)
Short StoryElla Luthea Urcinal went to their province and then he meet Zackarry Ian Villarreal, at napamahal siya sa binata sa maikling panahon but she can't be with him because she's dying.