Part Four
I'm dying
DUMATING ang mga araw ay palagi kaming magkasama ni Zian at sa mga oras na iyon ay unti-unti naming nakikilala ang isa't isa.
Parang gusto ko na, huwag na wakasin ito at hindi na matatapos kailanman. Ganito na lang sana kami palagi. Walang problemang iniisip at tahimik ang pamumumhay. Masayang magkasama.
Until the day came that our last day of our vacation here in Indanan province. It was sad but this is my life, kailangan kong iwan dito ang nangyaring masasayang alaala ko at magagandang oras na pagbabakasyon dito sa probinsya namin.
Ang mga alaala na nakasama ko sa maikling panahon si Zian at sa maikling panahon na iyon ay mas nakilala ko siya ng lubusan, napangalanan ang aking nararamdaman para sa kanya, naramdaman ko ang ganitong kabilis na pagtibok ng aking puso sa tuwing kasama ko siya.
I'm in love with him, yeah I love Zackarry Ian Villareal. I love him and I'm scared, I'm scared to death.
Dumating si Zian sa bahay ng aking Lola and he invited me to go to Sunflower garden.
Tahimik lang kaming pumunta roon, walang nagsasalita sa aming dalawa at nararamdaman ko parang may kakaiba, parang may hindi magandang nangyari sa kanya. Hindi naman kasi siya ganitong katahimik. Pala-kuwento siya.
Nakarating kami sa SG, at tahimik lang kaming nakaupo. Tanging mga huni ng ibon at hangin lang ang aming naririnig at ang pagbuntong-hininga niya. He's in trouble? May problema kaya si Zian? Nababahala ako.
"Zian...bakit tahimik ka?" Nagsalita na ako dahil 'di ko na nakayanan ang silent treatment niya sa akin. Ang daming katanungan sa aking isipan kung napaano ba siya.
He took a deep breath and replied.
"Are you leaving? When did you came back here? Magbabakasyon ba kayo ulit dito?" he asked at ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
Natahimik ako sa tanong niya, I don't know. Maybe I can't go back here.
"B-baka hindi na ako makakabalik dito," nahihirapang sagot ko at umiwas ako ng tingin sa kanya. I need to tell him about my conditions.
"Why? Don't you want to see me again, Ella?" tanong niya sa mahinang boses.
"It's not like that Zian, God knows... I want to be with you as long as I can and forever," sagot ko at sumisikip na ang dibdib ko. Any moment ay maiiyak na ako sa harapan ng lalaking mahal ko.
"Then why don't you want to come back here? To be with me again?" tanong niya sa akin at umangat ang aking kanang kamay para haplusin ang kanyang pisngi at mabilis naman niya itong hinawakan.
Tumindig ang balahibo ko at bumilis ang pintig ng puso ko nang hinalikan niya ang likod ng palad ko. Dinala niya ulit ito sa pisngi niya.
Para akong natutunaw sa ginagawa niya sa akin ngayon, sana ganito na lang kami palagi.
"Tell me my lady, why? May pumipigil ba sa 'yo para hindi na bumalik ulit dito?"
"I'm...I'm dying Zian."
BINABASA MO ANG
Scared To Death (COMPLETED)
Short StoryElla Luthea Urcinal went to their province and then he meet Zackarry Ian Villarreal, at napamahal siya sa binata sa maikling panahon but she can't be with him because she's dying.