Thoughts For The Day: Ang Katangahan sa Pag-Ibig

15 2 0
                                    

Ang Katangahan sa Pag-ibig

Written by: Julius Denn Mikell P. Suazo, R.N.

Sabi nga nila, 'pag nagmahal ka na, ibig lamang sabihin no'n ay nakahanda ka sa kung anuman ang pagsubok na darating sa'yong buhay. Handa ka sa lahat, mapa-ligaya man o mapasakit. Walang pinipiling emosyon sa pag-ibig. Kung ano ang nararamdaman mo, 'yun talaga 'yun. Patunay na hindi ka manhid. 

Alam niyo 'yung masakit? 'Yung magmamahal ka ng taong alam mong hindi mo naman maaabot. Hindi dahil langit at lupa ang pagitan ninyo kundi 'yung tinatawag na "long distance relationship".  Meaning, malabo pa sa magkakaroon ng puting uwak na magkagusto rin siya sa'yo. Saklap 'no? Parang lovelife mo. Puno ng katangahan. 

Pero alam niyo 'yung mas nakakatanga? 'Yung alam mong malabo talaga mangyari pero pinipilit mo dahil 'yun ay kagustuhan mo. Aba! Ikaw na 'te! Ikaw na ang dakilang scammer. Scammer ng sarili mo. Alam mo nang hindi pwede, pinagpipilitan pa eh. Tapos sasagutin ka ng "eh sa mahal ko eh". Ang tanong, mahal ka rin ba? Ha? Harap-harapan ka na ngang inaayawan, sige lang ng sige. Kuha ka ng martilyo tapos pukpok mo sa ulo mo baka sakaling magising ka sa isang mahabang bangungot. Oo! Kasasabi ko lang. Bangungot. Sobra pa sa bangungot ang kaalamang hindi ka mahal ng mahal mo. 

Try mo magmahal ng hindi ka mamahalin. Infairness, masarap siya na masakit. Oh ang halay naman ng dating mo. Palibhasa taga-Greenland ka eh.  Iba 'yung pumapasok sa isip pa pagkasabi ko ng masarap na masakit. 'Wag puro landi te. Aral-aral din 'pag may time para magkakulay naman 'yang life mo. 

Kung hindi ka gusto, eh 'di fine. Kawalan niya 'yun. 'Wag sayangin ang luha sa maling tao. Someday, all your pain will be shred off and someone will come to your life to show you that you are the missing puzzle to complete their lives. Taray! English 'yun ah! Don't touch me! I'm genius! Charot! Buraot! 

Kaya nga siszt! 'Wag kang magmadali sa pag-ibig dahil darating din 'yan. Kung magmamadali ka, ang ending, sa maling tao ka lalagapak. Na-fall ka na nga, hindi ka pa sinalo. 'Di ba masakit 'yun? Pero wala nang sasakit pa sa nadulas ka na nga, may mga tao pa. Tuloy kailangan mong automatic na tumayo at mag-act na parang wala lang pero deep inside, masakit na pala. 'Di ba talent natin 'yun? Kahit nasasaktan na ay itinatago lang natin sa ibang tao at go lang tayo ng go? 'Di ba? Parang ikaw, best actress pagdating diyan. Katangahan overload. 

Oh siya. Sumasakit na ang mata ko. Kailangan ko na ng matinding pagbabanat dahil inihahanda ko na ang sarili ko sa TAMANG TAO. 'Yung kaya akong ibigin kahit hindi ako kaibig-ibig, kahit ang dami kong flaws sa katawan. 'Yung kayang i-handle ang pagiging masungit ko at higit sa lahat, 'YUNG KAYA AKONG IPAGLABAN SA KAHIT SINUMAN. PAK NA PAK!


Author niyong gwapo.


Collection of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon