Chapter One

35K 580 61
                                    

LYLA

"Waaaaahhh!!"

"OMG!!"

"Ahhhh!!"

"Magsisimula naaaa!"

Yan. Yang mga sigaw na iyan ang maririnig mo sa loob ng bride's room. Kasabay ng kalampag ng mga gamit at paglaglagan ng kung ano ano pamg bagay.

"Hanapin siyaaaaa!!" Sigaw ni Yvonne na kala mo nasa gitna ng digmaan sa sobrang lakas ng boses.

"Kasi naman! Ba't mo inalis paningin mo sa kanya?" Sabi naman ni Jane na di na din mapakali.

"Si Lyla kaya yun!" Sigaw ulit ni Yvonne sabay turo sa akin.

Napataas kilay naman ako at ibinaba ang cellphone ko na dapat ay may tatawagan ako.

"Inutusan mo kaya ako!" Sumbat ko naman.

Ganito kasi yan.

Ang walang hiya kong bestfriend ay nawala bigla at di namin apam kung saan nagpunta. Ang bruha pa naman ay aayusan pa tas magsisimula na ang pesteng kasalan na iyan sa loob ng isa't kalahating oras.

Di ko pa matawagan ang cellphone kasi nakapatay. Hinalughog na namin ang buong venue pero di namin makita. Tangna san kaya nagpunta yun?

Biglang may kumatok ng napakalakas at napakabilis sa pinto kaya mabilis naman akong kumilos upang buksan ito since ako pinakamalapit dito.

Bumungad naman sa akin ang namumutlang si Stephen na pinagpapawisan din.

"Bakit?"

"Si Sean.." panimula niya.

At mukhang di ko gusto ang susunod niyang sasabihin kaya sa inis ko ay binulyawan ko siya.

"Tangna, hanapin niyo ang higanteng iyon at itali ninyo! Wag kayo manggulo dito dahil ang putek na babaeng iyon ay di din makita!" Sigaw ko saka siya pinagsarhan ng pinto.

"Ah..ano gagawin natin? Tumatawag na mama ni Hazeth." Anunsiyo ni Yvonne.

Napakamot naman ako ng ulo.

"San na ba kasi yun!?"

Di naman siguro dinaga ang babaemg iyon? At pati si Sean? Problema talaga oh!

HAZETH

"Doon, tingnan niyo roon!" Rinig kong utos ni Andrew sa kung sino man.

Nataranta naman ako bigla kaya agad agad akong pumasok sa isang malaking cabinet na pinagtataguan ng mga upuan. Nakita ko naman sa kakaunting butas ng pinto nito ang pagdaan ni Andrew kasunod si Joshua.

"Kainis naman, ngayon pa talaga sila tumakas kung kailan ayos na lahat." Sabi ni Andrew.

"Baka nagpapahangin lang ang mga yun. Alam mo namang sobrang nerbyos ni Sean mula kagabi di ba?" Wika ni Joshua.

"Ha! Sana talaga, dahil bubugbugin ko siya kapag naispan niyang wag sumipot!" Inis na turan ni Andrew.

Napakagat-labi naman ako at yinakap ang sariling mga tuhod saka ibinaon roon ang mukha ko. Humugot ako ng malalim at mahabang buntong-hininga.

Si Kapre..wala din siya sa room niya? Asan kaya yun? Umalis? Umatras? Baka naman naisip na niyang di talaga kami pwede? Baka naman nagsawa na siya sa kakulitan ko?

Urgh!

Magtigil ka nga, Hazeth! Mahal ka ni Kapre, kaya ka nga niya inalok ng kasal, di ba? Kaya nga nandito kayo di ba? Ano pa dinadrama mo diyan?

DON'T TOUCH HER 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon