HAZETH
"Dwarf. Uy, gising na." Mahinang tawag niya at saka ko naramdaman ang pagdampi ng kanyang labi sa balikat ko.
"Inaantok pa ako.." mahinang sagot ko bagama't nagbukas na ng isang mata at nakangiting tiningnan siya.
Nakahiga pa din siya sa tabi ko habang nakatagilid at ako'y nakaunan sa braso niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko saka ako pinitik sa ilong.
Napasimangot ako pero siya'y tumawa lamang ng mahina at hinalikan ako sa noo. Lalo akong napangiti at sumiksik lalo sa kanya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang isa kung kamay at dinala ito sa harap namin.
Nagtatakang tiningnan ko ito at napagtantong ito ang kamay ko kung saan nakasuot ang aking singsing. Hinimas niya ito saglit saka dinala sa kanyang labi at masuyo itong hinalikan.
"I love you.." tugon niya.
Napangisi't napaikot ako ng mata saka siya kinagat sa may pisngi dahilan para makasigaw siya at sapakin ako. Natawa nalang ako.
"Kadramahan mo? Kahapon ka pa ganyan, ah." Pangbubuska ko pero napahawak na din sa kamay niya ng mahigpit.
"Ah, I'm still shock.." pag-amin niya na naging dahilan ng pagngiwi ko. "Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na andito ka na talaga. Sa tabi ko. Nahahalikan ko kung kailan ko gusto at nayayakap. Ghad! Am I dreaming!?"
"Kapre, we are married." Punto ko saka hinila ang kamay niya.
"Married...we are married.." bulong niya saka muling humarap sa akin na labis na nakakunot ang noo. "Are you really sure!? Dwende, kasal na ba talaga tayo? Baka naman nananaginip lang ako!? Baka naman--arraaaay!!"
Naupo na din ako matapos kong kagatin muli ang pisngi niya. Napakusot ako ng mata at nakasimangot na tiningnan siya na parang timang dahil nakatingin lang sa kisame. Kita mo to, parang naengkanto tong lalaking to eh. Well, engkanto nga pala talaga to.
"Uy, ano ba dinadrama mo diyan? Dinaig mo pa ako sa kaartehan mo ah." Sita ko.
Bigla siyang ngumiti saka ako tiningnan. Nagtaas ako ng kilay pero umiling lang siya sabay hablot sa kamay ko at hila sa akin pahiga. Sinamaan ko siya ng tingin ng nakadagan ako sa kanya.
"Well, try to dwell on the thought that me and you are already married. How does it feels?" Wika niya habang marahang hinihimas ang likod at buhok ko.
Naipilig ko naman ang ulo ko at napaisip dahil sa sinabi niya. Actually, hindi ko pa nga talaga napagtutuunan ng pansin ang isiping kasal na kami at talagang nakatira na sa isang bahay. Feeling ko kasi parang dati lang, noong nasa college kami. Live in kumbaga.
Now that I think about it...
Napatingin ako sa mukha niya na nag-aabang lang sa magiging reaksiyon ko. Di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagiging awkward at the same time pag-iinit ng mukha.
"Th-That's.." utal na wika ko at napakapit sa T-shirt niya. Kinakabahan ako masyado! "Wa-wait..so..we are..ahm.. married..when did that happen?"
Tumawa siya saka hinila ng marahan ang buhok ko. "A year ago. Muntikan ka na nga matumba eh, hahahaha!"
"Oh.." yun lang ang naisagot ko bago lalong uminit ang mukha ko na parang sasabog na ito. "Oh my God! I'm married..?" Turan ko at itinago ang mukha sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
DON'T TOUCH HER 3
RomanceFor the most part, everything was perfect. After all the years they had spent fooling around each other they manage to settle thing and step on to the next chapter of their lives. Married life. Creating a family of their own. Having their own little...