HAZETH
Minsan, masasabi mong masaya talaga ang bawat araw mo kapag sa paggising mo ay agad mong masisilayan ang mukha ng taong mahal na mahal mo at the same time mas mahal ka. Yung tipong kahit badtrip ka noong nakatulog, mawawala iyon pagkagising mo at mapapalitan ng walang kapantay na saya.
Pero sabi ko nga, minsan lang yun. Dahil minsan baliktad naman ang kinalalabasan nito. Like ngayon, ang ganda ng tulog at gising ko pero sinira lamang ng walangyang Kapreng engkanto na yun sa kaka-asar niya.
At worst? Nahuli pa kami ni Mama at inakalang nag-ha-honeymoon kami sa gitna ng sala habang tirik na tirik ang araw dahil sa mga kasuotan namin. Nakita pa ang mga marka sa leeg ko dahil sa kalokohan ng engkanto na iyon. Taena nakakahiya talaga!
"So, anyway.." pambasag ni Mama sa katahimikan sa loob ng kusina.
Si Mama na ang naghanda ng tanghalian namin kasi nga anong oras na kami nagising. Napansin din siguro niya na matatagalan kami sa kwarto dahil panay ako sigaw dahil sa inis sa lalaking to samantalang siya ay puro lang naman tawa at pangangagat. Di tuloy ako magkandaugaga sa pagpapalit ng damit.
Nung bumaba kami dahil sa napagalitan na kami sa ingay namin sa kwarto eh nakaayos na ang mesa, pinaupo lang kami ni Mama habang siya tinatapos nun yung niluluto niya pa. At simula ng pag-upo namin ni Kapre ay walang may nag-ingay sa amin o nagkalabitan man lamang. Basta naupo nalang kami sa magkabilang bahagi ng mesa though magkaharap kami at si Mama sa gitna.
Basta, instinct siguro na manahimik dahil di maganda aura ni Mama. Nagkatampuhan na naman ata sila ni Papa. Tong mga to din eh, kung kailan nagkakaedad saka napapadalas yung away at tampuhan. Nagme-menopause na ata tong mga gurang na ito.
"Sorry kung naistorbo ko ang..honeymoon niyo.." dugtong ni Mama sabay siplat sa aming dalawa. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa makahulugang tingin ni Mama. "Pero nagpunta talaga ako rito para malaman kung anong plano niyo sa bahay na ito."
Noon na ako napaangat ng tingin at napaayos ng upo. Tinapunan ko lang ng tingin si Kapre na noon ay nagsisimula ng sumubo ng kanyang pagkain. Tiningnan ko si Mama at noon naman siya sumubo ng kaperaso ng isda na kanyang niluto.
Napangiti ako.
Nasabi ko na dati na architect si Mama di ba? Kaya siya na kinuha namin na maggagawa ng bahay na ito. Although renovation lang naman iyon, para din makatipid kaya si Mama nalang kinuha namin.
"Well, Ma. Ipapa-renovate lang namin ang bahay pero as much as possible, di mababago ang structure ng bahay." Nakangiting paliwanag ko saka uminom sa aking juice.
"That so? How about doing some changes since you'll be having your own family?" Suhestiyon niya at inilibot ang tingin sa buong kusina. "Maybe make it a little bit bigger for the kids to play with."
"It would be nice, Ma." Mahinang sabat ni Kapre na umayos na din ng upo at nakangiting tiningnan si Mama. "Pero ang plano kasi namin ni Dwende na kung ano ang bahay noong dati pa, ay ganun pa din siya kahit pa magkaroon na kami ng sariling pamilya." Paliwanag niya saka ako tiningnan na nginitian ko nalang.
"Why's that?" Usisa ni Mama.
Sumandal si Kapre sa kanyang upuan habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang baso ng kanyang juice. Nakatitig siya roon at mukhang inaaral ang kanyang reflection sa kulay dilaw na likido na laman nito.
BINABASA MO ANG
DON'T TOUCH HER 3
RomanceFor the most part, everything was perfect. After all the years they had spent fooling around each other they manage to settle thing and step on to the next chapter of their lives. Married life. Creating a family of their own. Having their own little...