Chapter Three

393 22 2
                                    

Karylle's POV

"Ate! Bili po! Excited na po ako! Malelate po ako sa Acquaintance Day!" sabi ni Coco habang pumapadyak at kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Coco, aga-aga pa oh! 5:30 am pa lang... Nagbibihis pa ako. Saka tumigil ka nga diyan! Baka mawasak yung pinto!" saway ko.

4:00 am ng magising si Coco, nauna pa sa akin. Halos mahulog nga ako sa higaan dahil sa pagyugyog niya sa akin para gumising.

Halos parang nilunok niya din yung kinakain niyang breakfast kanina!

Sobrang excited na kasi siya para sa Acquaintance Party nila. Na gaganapin konting oras na lang.

Naalala ko tuloy yung panahong nagmamadali rin ako noon, yung halos excited narin. Hindi lang dahil sa Acquaintance Day. Kundi kay Vice... Nasaan na kaya siya? Baka nasa ibang bansa na yun.

Bumalik ako sa ulirat ng may bumukas yung pinto.

"Ate! Tagal mo po nama-"

Napatitig sa akin si Coco, bakit naman?

"Oh, Coco, may problema ba?" Tanong ko.

"Ang sexy mo sa ayos mo!" Sabi ni Coco sa akin.

Eh simple lang naman itong suot ko ah!

Naka white v-neck shirt ako at medyo masikip na sa akin. Pinagkasya ko na lang dahil wala na akong mapili. Luh, tumataba na yata ako, tapos sasabihin niya pa sa akin na sexy ako.

Then may suot akong dalawang bangles, blue and red ang kulay. Bigay sa akin ni bestfriend Anne dati.

And white sandals na may black ribbon na design.

"Anong sexy? Tumataba na nga akong ate mo, sexy pa rin. Simple-simple nga lang ng suot ko oh?" sabi ko.

"Nagmukha kang sexy dahil sa kurba po ng katawan ninyo and yung kulot niyong hair na nakalugay sa balikat mo teh Karylle."

Tinignan ko yung itsura ko sa salamin...Sige na nga, sexy na ako! Actually, tapos na akong mag-ayos, light make-up na lang. :)

Tutal, sabi ni Coco na maganda na daw ang kulot na hair ko, eh di na ako magpoponytail!

Pagkatapos ng pag-aayos ng gamit at sarili, tuluyan na naming nilisan ang bahay namin ni Coco. Oo, kasama ako, pero di ako magtatagal dun. Photographer niya daw muna ako sa umpisa ng Acquaintance Day. Tss.

Nakapasok na kami sa school ko dati, na school na niya. Infairness, ang ganda ng ayos ah!

Habang naglalakad kami papunta room ni Coco, may napansin akong pamilyar na tao, kausap yata ang principal ng school at may chinecheck sila kung ayos na yung complex for the Acquaintance Day yata.

Imposible! Hindi siya iyon! Imposibleng siya ay maging teacher...maging music teacher! Si Anne?! Music teacher?! Patay ang school choir...

Umalis na yung principal na kausap niya at lumakad, ganon din si Anne. Napansin niya kami at tumakbo siya papunta sa amin. Gosh! Namiss ko siya!

"Gurl!!!" sigaw niya na may halong tuwa noong nakita niya ako.

"Anne!" Takbo ko rin papunta sa kanya.

Di bale na kung naiwan si Coco sa pwesto namin...

"Karylle! You look amazing! Grabe mas lalo kang gumanda. I love your curly hair. Ay, suot mo yung bangels!" Sabi ni Anne.

"Mas lalo ka ring gumanda sis!" sabi ko at sabay yakap uli sa kanya.

Gumanda rin siya lalo. Nakakamiss siya sobra. Hayy, kung alam niyo lang kung anong klase siyang kaibigan ko noon...

Hi Teacher Bad Boy!!! (ViceRylle)Where stories live. Discover now