Ang kwento ng Kendi

34 1 0
                                    

Isang araw may isang Sanitary Engineer na nag ngangalang Kenny Dibursyo ang nagwawalis ng sahig sa corridor ng BETS. Siya ay may nawalis na kakaibang kemikal na nakalagay sa bote, ito ay kumikinang at nagbabaga. Pinulot niya ito at aksidenteng naibuhos niya ito sa isang balde. Dahil sa pagkagulat niya, nalaglag ang mga candy na baon niya at nasawsaw sa loob ng balde. Kinuha niya ang mga ito gamit ang pliers niya at hinugasan sa lababo. Pagkatapos niyang magtrabaho ay kinain niya ang isang candy, nagulat siya dahil nang binuhat niya ang mabigat niyang bag nakita niya ang mga laman nito kahit hindi niya binubuksan, bigla niyang nalaman na may X-ray bisyon na siya dahil may tatlong estudyante na dumaan sa harap niya. Hinanap niya ang balde at bumili ng maramig candy na isasawsaw. Lahat ng sweldo niya ay pinagbili niya ng candy kaya siya ay naghirap. Hindi na muling nakita ang balde na mamahalin, ang nagtitinda ng candy na naubos ang paninda at si Kenny Dibursyo na umubos ng binibentang candy.

Ang KENDI WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon