Ikatlong Kabanata

9 0 0
                                    

Habang nag-uusap kami nila Prof. Kendi ay nagulat kami nang biglang dumagundong sa labas at may isang magandang babae na nag-aamok. Siya raw ang Reyna ng mga amazona at hinahanap niya kami. Nilabanan namin siya ngunit masyado siyang malakas. Nakahandusay kaming lima sa gilid ng kalsada at napapalibutan kami ng maraming amazona. Dumating muli si Thunder Lolo at itinakas niya kami.

Kami ay ginamot ni Thunder Lolo at sinabi niya sa amin ang iba pang tungkol sa mga amazona, ang kanilang reyna na si Reyna Nozama. Kamukha niya si Wonder woman, siya ay maganda, malakas at sexy ngunit kung ano ang nilakas ng katawan niya yun naman ang ikinahina ng utak niya. Siya daw ang pinakamalakas sa kanilang lahi at dahil sa kanya, lumawak ang teritoryo ng mga amazona.

Nakasagupa na daw ng mga ermitanyo ang mga amazona dati ngunit nabigo silang protektahan ang kemikal kaya pinadala nalang nila ito sa ibang lugar na napunta sa BETS. Nagwawala raw ang mga amazona dahil nalaman nila mula sa mga alagad ni Bhoxz na nasa amin ang kemikal.

Nung sumunod na araw ay gumaling na kami kaya nagdora ulit kami. Nakita namin ang mga amazona kaya kami ay nag-tago. Sila ay naglakad palayo kasama si Bhoxz at narinig namin ang pinaguusapan nila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pandinig galing sa KENDI. Ang mga amazona pala ay binabayaran ni Bhoxz ng jeje cap at load. Naturuan niya ang mga amazona na gumamit ng makabagong teknolohiya tulad ng tatskrin (touchscreen), kodak (camera), bidyoke (videoke), wasing masing o makinang tagahugas (washing machine). Marunong na din sila mag silpe (selfie) at mukhang pato (duckface).

Nang ito ay amin marinig, sinabi agad namin ito kay Thunder Lolo at kay Prof. Kendi na ikinalungkot nila dahil lalakas daw ang magkasabwat. Kaya kami ay tinuruan ni Thunder Lolo na makipagdigma at gumamit ng mahika na natutunan niya sa mga binatang halimaw na ninjang pawikan (TMNT) at kay Kakaibang Doktor (Doctor Strange) at sisimulan ang pageensayo bukas.

Ang KENDI WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon